Prologue
sasaeng/sasaeng fan:
(Hangul: 사생팬; Hanja: 私生팬), is an obsessive fan who stalks, or engages in other behaviour constituting an invasion of the privacy of, a Korean idol or other public figure. The term sasaeng comes from the Korean words 'sa' (Hangul: 사; Hanja: 私) meaning "private" and 'saeng' (Hangul: 생; Hanja: 生) meaning "life", in reference to the fans' intrusion into celebrities' private lives.
"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, ano?! At talagang nagpunta ka pa sa apartment ng Bangtan!" Isang sampal ang lumagapak sa aking kaliwang pisngi.
Kaharap ko ngayon ang isang katulad ko na sasaeng. Kakalabas ko lang ng apartment ng Bangtan, masaya na sana ang gabi ko kung hindi lang umepal ang bruha na 'to.
Tss! At talagang gusto niya pang saktan ang napaka-ganda kong mukha?! Ipabugbog ko na kaya 'to? Bulong ko sa aking utak. Napangisi nalang ako at hinipan ang sariling bangs. Ang sabi ni Hobi-oppa ay nakaka-cool daw itong gawin.
I eyed her from head to foot saka napatawa, "At ang lakas din naman ng loob mo na awayin ako, ano? I bet you don't know what I'm capable of."
Nilagpasan ko nalang siya, wala rin naman akong panahon ngayon para makipag-away. Isa lang siya sa mga kagaya kong desperadang fan. But unlike me, masuwerteng fan ako kung tutuusin.
Isang tili ang pinakawalan ko nang hatakin niya ang buhok ko at sinubukan akong kaladkarin.
"You bitch!" I gritted through my teeth.
Tinulak ako nito at dinaganan, paulit-ulit niya akong sinampal sa magkabila kong pisngi. Hindi naman ako makaganti dahil inaapakan ng tuhod nito ang dalawa kong palad.
Naramdaman ko muli ang isang napalakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. I tasted something metallic, probably my blood. Nagdudugo na ang labi ko.
Fuck, where are my bodyguards?! Hindi ba't sabi ko'y huwag akong mawawala sa paningin nila?!
"Bitch! Stay away from Bangtan!" sigaw niya sa'kin at kinalmot ako sa aking leeg. Nasaksihan ko kung paano maputol ang kwintas na regalo sa akin ni Namjoon-oppa.
Damn it.
Pagkadilat ko ay biglang gumaan sa aking ibabaw, doon ko lang napagtanto na nakaalis na sa'kin ang walanghiyang sasaeng na iyon.
Buhat-buhat na siya ng isang lalake na nakasuot ng hoodie na kulay gray papalayo sa'kin. Hinawakan niya ang babae sa magkabila nitong balikat, napansin ko kung gaano kahigpit ang hawak niya doon.
"Stay away from Aegi. Sa susunod na malaman kong sinaktan mo siya, ikaw mismo ang malalagot sa akin." Pagbabanta ng lalake, kasabay nito ang paghulog ng hood niya.
Napatayo ako bigla.
S-si Jimin-oppa.
Nabaling sa akin ang tingin niya ng saglit at doon na siya tuluyang umalis.
Iyong sasaeng naman ay tumakbo na nang mabilis. I can tell na natakot siya ng sobra kay Jimin-oppa.
Naglakad ako patungo sa parking lot. Hindi antala sa'kin ang nananakit kong pisngi at kalmot sa leeg. Ang mahalaga ay niligtas ako ni Jimin-oppa.
Niligtas ako ni Jimin-oppa. Nangyari ba talaga 'yun?! Hindi ba ako--
Halos atakihin ako sa puso sa biglang nanghatak sa'kin. Pero tingin ko'y inatake na nga talaga ako sa puso.
Hatak-hatak ako ni Jimin-oppa papasok ng apartment nila.
Huminto ito at humarap sa'kin, "Hindi ka kasi nag-iingat. Nasaan ba ang mga body guard mo, ha? Tss," masungit nitong saad.
At kahit sa akin lang masungit, suplado at cold si Jimin-oppa ay masaya pa rin ako.
"O-oppa? Nag-alala ka ba sa'kin?" I asked.
"Ano?! Nahihibang ka na naman ba? Tss. Tara na nga," he replied. Muli niya akong hinatak.
Napatingin ako sa kamay niyang hawak-hawak ang braso ko saka napangiti.
Note: So ayun, ang lakas talaga ng loob ko na gumawa na naman ng panibagong on-going. Try ko 'to panindigan, haha lol.
Votes and comments are highly appreciated. ❤
BINABASA MO ANG
She's a Sasaeng Fan (BTS Jimin Fanfic)
FanfictionShe's Aegi, a sasaeng fan. At handa niyang gawin ang lahat para sa pinakamamahal niyang 'oppa.'