One Shot Story
*
Kung sinuman ang maglakas magnakaw o mag post nito sa ibang group o pages na walang pahintulot nang may akda ay mananagot sa Diyos at Batas.**
Ang mga tauhan sa kwento ay sadyang kathang-isip lamang. Ang kanilang pangalan. Kung may pagkahapareha sa totoong buhay, ito ay hindi sinasadya nang may akda.🎶🎶🎶
(Wake me up)
Wake me up inside (I can't wake up)
Wake me up inside (Save me)
Call my name and save me from the dark
(Wake me up)
Bid my blood to run (I can't wake up)
Before I come undone (Save me)
Save me from the nothing I've becomeBring me to life (I've been living a lie, there's nothing inside)
Bring me to life 🎶🎶🎶Isang kotse na may malakas na tugtugan ang patungo sa isang siyudad sa probinsya nang Bataan. Ang lulan nito ay ang magkakaibigang Cedric, Lea, Edmond, Liza at Carla. Dadalawin kasi nila ang kaibigan nilang si Peter na matagal nilang hindi nakakasama.
Mga ilang oras din ang biniyahe nila bago narating ang bahay nang kaibigan na si Peter.
Malaki ang Bahay ng kaibigan nila. May sariling swimming pool at garahe sa loob na pang limang kotse pwede iparada. Isa kasi sa bayan na 'yun ang pamilya nila Peter ang pinakamayaman.Sinalubong nang katulong ang limang magkakaibigan at naghintay kay Peter sa sala.
Mga ilang saglit ay dumating na din si Peter."Mga pare, kumusta na." bati ni Peter sa mga kaibigan habang naglalakad papalapit sa mga ito.
"Ayos naman pare. Ikaw?" sagot ni Cedric.
"Ito abala sa business nang pamilya." sagot ni Peter.
"Kaya nga kami nandito para ayain ka mag relax naman." sambit naman ni Edmond.
"Oo nga. Paano kayo niyan ni Lea makakabuo kung busy ka sa business niyo." dagdag naman ni Carla.
"Naku, hindi naman kami ni Lea." namumulang sagot ni Peter.
"Eh di tayo na. Hindi mo na kailangan manligaw." pangangasar ni Lea kay Peter.
"Grabe ka pare, si Lea na naghamon sayo. Ayaw mo pa." pangangasar ni Cedric.
Napatingin naman si Peter kay Liza na mula kanina ay tahimik pa rin at ngayon lang niya nakita. Napansin naman ito ni Edmond.
"Si Liza pala pare, kapatid ni Lea." pagpapakilala ni Edmond kay Liza.
"Hi Liza, mukhang magkaiba kayo nang kapatid mo. Huwag kang mahiya welcome kayo dito." nakangiting wika ni Peter kay Liza.
Kasabay nito ay nakarinig sila nang musika na gaya sa isang parada na madalas sa fiesta sa probinsya lang nangyayari.
Lumabas silang lahat sa gate, at nakita nila ang isang parada nga ang nagaganap.
"Anong meron pare?" tanong ni Cedric.
"Fiesta nga pala sa amin ngayong October 29." sagot ni Peter.
"Kung ganoon sakto pala ang pagbisita namin." sagot ni Edmond.
Bigla naman napa-atras si Liza bumalik sa loob na napansin naman nang iba.
"Bakit Liza?" usisa ni Lea sa kapatid.
"Wala naman. Napapagod lang siguro ako." sagot ni Liza.
"Tamang-tama nakapagluto na yata si manang para makakain kayo, at pagkatapos ay pwede muna kayo magpahinga, dahil mamayang gabi isasama ko kayo sa lugar dito na paborito kong tambayan." masayang wika ni Peter.
YOU ARE READING
Hell Gate
HorrorTungkol sa Anim na magkakaibigan, na hindi nila inaasahan ang katotohanan