Chapter 5

27 5 9
                                    


Wish



"Shawn? Is that you?" The two people stopped kissing and looked at me



"F-Frances?" The girl shockedly looked at me


"E-Ericka?" My hands started shaking.




Mabigat at mabilis ang bawat paghinga ko. Hindi ko alam ang dapat gawin o dapat kong sabihin. Para akong napako sa kinkatayuan ko ng tumingin ang lalake sa akin. Those pair of eyes.




"S-Shawn" I said. Tears started to fall down from my eyes. He walked towards me. While whispering my name


"Franchescka, let me ex-" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang pagsasalita at dali dali akong tumakbo palayo.


Palayo sakanya. Palayo sakanila. Sinubukan kong tawagan si Jam pero hindi niya ito sinasagot. Sino ba namang gising ng ganitong oras? I tried calling Dominic pero wala rin. Paulit ulit kong tinawagan sila pero wala parin. Hindi ko alam alam kung saan ko dadalhin ang sasakyan ko o kung saan ako pupunta. Sa langit? Sa impyerno? Sa purgatoryo? Ewan. After hours of driving, sa MOA lang pala ang bagsak ko, I just found myself sitting in the baywalk wall with 12 cans of beer.


"Bakit? Bakit siya pa? Bakit kaibigan ko pa?" I murmured




Naka labing-isang lata na ako ng beer. Medyo nahihilo narin ako, pero tuloy parin. Gusto ko makalimutan lahat kahit ngayon lang.




"Fuck this life! Life is so unfair!" I shouted as I throw an empty can somewhere, and opened another can again




Mabilis kong naubos ang huling lata ng beer na meron ako. I have nothing. No beers. No friends. No lovelife. Fucking shit. At sa anniversary pa talaga niya tinapat. Double celebration! Happy anniversary! And a happy breakup! Great! I decided to go home already wala narin naman akong gagawin dito. I started driving buti nalang walang traffic kaya, kaya kong magpatakbo ng mabilis. My friends call me a frustrated race car driver dahil mabilis akong magpatakbo. Diretso lang ang pagdadrive ko ng biglang may sumulpot na truck. I tried stepping the break pero ayaw gumana. I just closed my eyes and wait what will happen.







***







Nagising ako ng masakit ang katawan. Asan ba ako? White ceiling, white walls. Nasa hospital ako. I tried sitting but I can't . Mabigat ang katawan ko, para akong galing sa matinding gera sa sobrang bigat ng katawan ko, hindi ito masakit pero parang merong nakapataong sa akin na semento.  Iginala ko ang mata ko at doon ko nalaman na nandito ang kapatid kong si Mark na mahimbing na natutulog sa sofa. Asan ba si kuya? Sakto namang pagbukas ng pinto. Speaking of





"Mabuti naman ay gising ka na, teka tatawaging ko lang si doc" Sabi niya at inilapag ang daladala niyang tatlong backpack tsaka lumabas.





Wala pang limang minuto ay may dumating nang doktor at mag kasamang nurse na todo makatitig kay kuya. Harot naman. 





"Good afternoon Ms. Alvarez, anong nararamdaman mo ngayon" tanong niya sabay tingin sa folder na kanyang hawak na sa tingin ko ay ang records ko 



"Mabigat lang po ang pakiramdam ko pero bukod dun wala na" Maikli kong sagot





I really hate hospitals or I must say that I hate its atmosphere. Feeling ko ay nakakulong ako kapag nasa loob ako at ayoko ng pakiramdam na iyon





Strangers with MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon