QUINN

10 2 0
                                    

"Lola! Hintayin niyo na po ako, tutal parehas lang naman po tayo ng daan. Sasabayan ko na po kayo sa pag-uwi." Minadali ko na ang pagbayad sa kahera at kinuha ang mga pinamili ko. Sumabay ako sa paglakad ni lola at nakipag-kwentuhan ng kaunti.

"Nabisita niyo po ba yung mga anak niyo sa Laguna? Kamusta naman po?" Bahagyang napabuntong-hininga ang matanda dala siguro ng pagod.

"Naku. Masaya naman! Marami na pala akong apo. Nakakatuwa nga't halos malalaki na silang lahat. Yung pinakamatanda kong apo patapos na ng kolehiyo niya, kagaya mo."

"Talaga po? Doon din po ba siya nag-aaral?"

"Hindi, dito rin siya sa malapit nakatira. Isinama ko na rin sa bahay para naman magkasama kaming mag-lola. Saka ko lang ata naikwento sa iyo, hija." Tumango lamang ako at napangiti.

"La. Tulungan ko na po kayo." Lumapit sa amin ang isang lalaki, ka-edad ko siguro, saka niya kinuha ang mga dala-dala ni lola.

"Oh. Nandito ka na pala, hijo! Kailan ka pa dumating? Naayos mo na ba iyang mga gamit mo sa loob?"

"Oo naman po. Tara na, pasok na po tayo sa loob." Hindi ata ako napansin nito at dire-diretso lamang siyang pumasok sa bahay nila. Tumingin sa akin si lola at ngumiti.

"Teka, Dylan apo! Sumaglit ka nga rito sa baba!" Sigaw nito. "Saglit lang, ha? Ipapakilala ko sa iyo ang apo ko. Baka sakaling ikaw ang maging unang kaibigan niya rito sa barangay." Napatawa ito habang nagkukwento. Tumango lamang ako at ngumiti, saka umakbay kay lola habang naghihintay.

Hindi naglaon, may bumabang isa pang lalaki na katangkaran. Nakasuot panlabas pa ito; puting pantaas, itim na pantalon at sapatos. Hawak niya ang kanyang teleponong may nakasaksak na earphones. Tinanggal niya ang nakasaksak na earplug sa kanyang tainga. Nagmano ito kay lola at tumango lang sa akin.

"Ano po iyon?"

"Gusto ko lang ipakilala sa iyo si Quinn. Mabait na bata iyan! Nakatira siya roon sa may tindahan ni Dina. Quinn, ito si Dylan, yung apo ko na ikinukwento ko sa iyo." Ngumiti sa akin si lola at kumindat pa. Naku! Napuwing ata?

Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya naman ito. "Quinn Ventura." Maikli kong sabi. "Dylan Silva." Bigla na lamang kumirot ang sentido ko. Kung anu-ano ang nakita ko nang mahawakan ko ang kamay niya. Puno ito ng mga aksidenteng maaaring mangyari sa kanya, mga pangyayari na sunod-sunod at kailangang pigilan dahil kung hindi, maaaring buhay niya ang maging kapalit. Nahahaluan din ito ng memorya niya mula pa noong bata siya.

"Ayos ka lang ba, hija?" Tanong sa akin ni lola.

"Ah... Ayos lang po ako. Mauna na po ako, gabi na rin po kasi." Hiniwalay ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Dylan at nagmano kay lola. Tinaasan niya lang ako ng kilay at kumunot ang noo.

"Sigurado ka ba? Apo, ihatid mo na si Quinn at madilim na ang daan. Baka mapano pa iyan, Diyos ko. Papasok na 'ko, mag-iingat kayong dalawa ha?" Kumaway pa ito sa amin at pumasok na sa loob. Napatingin ako sa kanya at sa daan.

"Tara na." Sambit niya at umuna. Sinabayan ko siya sa paglalakad at nagpasalamat. Dumiretso lamang siya sa paglalakad hanggang sa madaanan na namin ang tindahan ni Dina. Papasok na sana ako nang makita kong mabubunggo na siya ng karatula ni Mang Nilok na mukhang lasing na lasing dahil sa pagewang-gewang sa paglakad ito.

"Tabi diyaaaan~ Hooy bataaa!" Mukhang hindi niya ito naririnig dahil nakasalpak nanaman sa kanyang mga tainga ang earphones niya. Bumuntong hininga ako at tumakbo para ihawi siya sa daanan. Tinignan niya ako ng masama. "Anong problema mo?!"

"Muntikan ka na kasing masagasaan. Kanina ka pa ngang sinasabihan tapos hindi mo naman naririnig."

"Tss. 'Ge una na ako." Naglakad na siyang muli sa gilid ng daan habang nakapaloob sa bulsa ang kanyang mga kamay.

QUINNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon