Nakaka isang linggo pa lang ako sa bago naming school ni Kuya ay parang ayos naman. May mga naging kaibigan na rin naman ko. Isang bakla at babae na both pinoy rin. Si Annalise at Janie, short for John Eric. They were like the more wild version ni Tyronne at Tyra, except nga na bakla si Janie. First day of school pa lang ay in-entertain na nila ko kaya naging komportable na ko sa kanila sa one week na pag-aaral ko dito.
Papunta kaming tatlo sa cafeteria ng nakasalubong namin ang Kuya ko, together with his new friends, I think?
Napansin ko ang lalaking nasa likod lang at may suot na earpods sa tenga. I'm sure thats Caleb! The cold hearted looking guy na anak ng business partner ni mama.
"Sis, ang hot talaga ng barkada ng Kuya mo. Lalo na siya. Pakilala mo naman ako sis.", bulong sa akin ni Janie. Ewan ko sayong bakla ka. Hot ba yung mukha silang mananapak.
"Marg! Hindi ako sasabay mamaya pauwi.", simpleng sabi ng pa-cool kong kuya. Oh sure! Paniguradong mag-cclub nanaman siya. 3rd day palang ata namin dito e may naka-close na na may-ari ng club. Kaya ayon, bad influence.
"Isusumbong kita kay mama pag wala ka pa ng 7pm", simple kong sagot sa kanya at aalis na sana ng hinila ni kuya ang braso ko.
"I'll be home by 8. Wag mo kong isusumbong. I'm gonna treat you your lunch the whole week.". Tempting! Ha-ha!
"Okay!", Sorry na po pero libre na yun e. Besides alam ko namang matino ang kuya ko. Kaya niya ang sarili niya, salutatorian kaya yan nung elem. He-he!
Umaalis na sa harap namin sila Kuya at naupo na sa bakanteng seats sa cafeteria. Naghanap nadin si beks ng upuan at yung sa tabi na lang ng seat nila kuya ang walang naka-upo kaya dun kami dumiretso. Ang awkward lang na halos parang magkakasama lang kaming lahat dahil ang dami nila Kuya at halos sakupin na yung space namin.
"Yogurt, ham sandwich at chicken meal!", sabay na sabi ni beks at Annalise sabay abot sa akin ng pera. Okay? Ako nanaman ang order.
Tumayo na ako at pumila na. Sira ulo talaga ang mga kaibigan ko. They've been doing that since first day. Hindi kaya kinaibigan nila ko para gawing utusan? Just kiddin'.
Ako na ang susunod sa pila kaya inayos ko na ang sarili ko. I said my order and pay at aalis na sana nang may humila sa akin sa likod.
"Don't move! Your uniform's stock with my id.", sabi ng boses ng lalaki na nasa likod ko. It's Calleb! I'm sure of it! Sa lamig ng boses nya aakalain mong masusuntok ka sa pagkakamali mo.
Tinulak niya ako papunta sa gilid ng cafeteria habang nasa likod ko pa rin siya. Naramdaman ko na may kinakalikot siya sa likod ko at unti-unti ay nakawala ako.
"Uhmm. Sorry, masyado ata akong nahilig sa iyo kanina sa pila kaya nasabit sa umiform ko yung id mo", I apologized dahil malikot naman ata ako kanina.
"Yeah. Next time wag kang magalaw masyado kiddo. Butas tuloy iyang likod mo.", he said at tinalikuran na ako basta basta.
Ang bastos bastos talaga ng lalaki na yon! Kiddo? Do I look like a kid to him? Matangkad kaya ako! Well hindi kasing laki niya pero matangakad ako for my age they say! Hindi man lang nag-sorry! Well alam kong malikot ako pero sira ulo pala siya e! Dapat umiwas siya nung naglilikot ako! E gusto naman nya ata e!
The hell? Anong gusto Margaux? Hay!
Bumalik nalang ako sa seats namin at nadala na doon ng waiter ang order namin.
"Oh bakit nauna pa ang foods sayo Girl? Nag washroom ka?", tanong ni beks pagkadating ko sa seats namin. Si Annalise naman at apura kain na at nakatingin sa likod ko nang may pagtataka.
"What happen to your uniform? Bakit butas?", she asked at ngayon ko lang naalala ang sinabi ni Calleb kanina. Totoo palang butas. Dinungaw ko ang likod ko habang nakatayo ako. Mahirap makita iyon dahil mukang sa gitna ito kaya panay ang dungaw ko at halos pagpilipit ko para makita lang yun.
"Oh Margaux, what are you doing?", I heard my brother talked sa likod ko.
"Uhmm, nabutas ko lang nang di sinasadya yung uniform ko", I said. Not like kailangan kong ikwento ng detailed yung nangyare diba?
"Next time kasi wag kang malikot para hindi natin mabutas yang damit mo.", a voice from the back aired and left everyone stunned.
My brother stared at me at mukang nagtataka, pati na rin ang iba nilang kabarkada . Si Annalise at beks naman ay napanganga.
What the hell Calleb?