Chapter 2
Araw araw hinahatid sundo ni Billy si Ellie. Pupunta si Billy sa bahay nila ng umagang umaga para sunduin si Ellie at sabay silang papasok sa school. Kahit na may kotse sila Ellie, hindi na siya nagpapahatid pa dahil naappreciate niya yung effort na ginagawa ni Billy para sakanya.
Pag labas palang ni Ellie ng gate, naka ngiti na ito kay Billy. At yung ngiting yun, umaga palang, buo na ang araw ng lalaki.
"GOOD MOOOORRRNNIINNGGG!!" masiglang bati nito sabay kapit nito sa braso ng lalaki. Kinuha naman ni Billy yung mga dala dala ni Ellie. Mahilig ito sa arts, kaya araw araw may dala siyang sketch pad.
"GOOD MORNING! Ellie, pag grumaduate tayo at nag college tayo, araw araw parin kitang ihahatid at susunduin ah? Tapos pag graduate natin ng college, bibili ako ng sasakyan para hindi na tayo maglalakad at hindi kana mapapagod. Mag iipon ako." Mayaman naman sila Billy pero kahit kelan hindi siya marunong umasa sa ibang tao. Gusto niya lahat pinaghihirapan niya. Dahil alam niyang mas masarap sa pakiramdam makuha ang isang bagay na pinaghirapan mo, kesa hiningi mo lang. Nasa Manila ang parents niya maraming business at sakanilang magkakapatid, siya na lang ang andito sa Pilipinas para tapusin ang high school niya. Pinapasunod siya ng mga kapatid niya sa Amerika, pero alam niya sa sarili nya na mag iinsist siya na mag stay nalang dito. Dito kasama ni Ellie.
"Haha! Sa totoo lang, na eenjoy ko naman maglakad tuwing umaga kasama ka. Bukod na nga sa exercise, eh natutuwa akong kasama ka sa pag simula at pag tapos ng araw ko. Gusto ko lang malaman mo na naappreciate ko yung effort. At natotouch akong malaman na kasama pala ako sa mga plano mo. Sa plano mo hanggang sa future."
Napatingin naman si Billy kay Ellie. "Hindi ko na kasi makita yung future ko na hindi ka kasama eh. Ikaw ba Ellie, na iimagine mo rin ba na kasama mo ko sa future mo?"
Tumingin si Ellie kay Billy at ngumiti. Tapos inakbayan niya ito kahit na medyo maliit siya. Pinilit niya talagang mag tip toe. "Oo naman! Magiging magaling ako na architect tapos ikaw magiging sikat na journalist. Ako mag dedesign ng bahay natin at dapat ipopost mo sa magazine yung mga pictures ng magiging bahay natin ah. Tapos kailangan sa bahay natin maraaaaamiiinnngg pagkaiiinn! Maraming marami!"
"Teka. Gutom ka naba? gusto mo bang kumain? Pagkain nanaman naisip oh. Haha! Wag ka na mag tip toe! Mapapagod ka lang abutin height ko. Hahaha!"
"Hala. Para sayo kaya yung maraming pagkain na yun. Okay lang, kaka breakfast ko lang. Busog pa ko. Hehe! aAng yabang yabang mo talaga. Akala mo kung sino kang matangkad. Haha! FATTY!"
"SHORTY!" nag asaran pa sila at nag palitan ng mga ngiti.
"Fatty na tawag ko sayo ah."
"Shorty naman tawag ko sayo, teka! Eto naba yung tinatawag nilang endearment?"
Napangiti si Ellie, "Pwede rin! haha ako lang tatawag sayo ng Fatty ah."
"Oo naman! Ikaw lang nag iisang may karapatan tumawag sakin nun. Ikaw naman si shorty! Hahaha ang cute cute mo kasi eh!" tapos pinisil ni Billy yung magkabilang pisngi ni Ellie.
Pag tapos nilang mag asaran, natahimik sila habang naglalakad, "Shorty.. Hindi ako magiging journalist."
Napatingin naman si Ellie ng marinig ang malungkot na boses na yun. "HA? Bakit naman? Magaling ka, number 1 fan mo ko sa pagsusulat. Magiging journalist ka!"
"Hindi kasi yun yung pangarap ng mga magulang ko para sakin eh. Management ang gusto nilang kunin ko."
"Ano? Fight for what you want, fight for who you want to be! Fatty naman!"
BINABASA MO ANG
A reason to stay (Short Story)
Short Story"If someone gave you a hundred reasons to leave, what would be your 1 reason to stay?" A short story that will show how a man can fall deeply in love with a woman. A story that will expose us to the reality of falling in love, being in love and havi...