Alex' POV
Nakagising ako ng maaga dahil sa napaka ingay na alarm clock. Bumangon ako sa hinihigaan ko which is yung kama. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ko kung may messages pero pagtingin ko wala. Tumayo ako at kinuha yung tuwalya saka pumasok sa cr para maligo.
Pagkatapos kong maligo lumabas ako at nag lagay ng tuwalya sa balakang ko at tiningnan ko ang phone ko kung anong oras. Its 7:00 am na pala, 30 mins na lang. Binilisan ko ang pagkilos. Nagbihis na ako, kinuha ang phone, and bag at ang relo ko sa drawer at bumaba na ng kwarto.
Pagbaba ko ang tanging si Kuya Jackson na lang ang nakita ko. Nakita ako ni kuya Jackson.
"Oh nandyan kana pala..kumain kana dyan" sabay turo mesa na may pagkain. By the way guys, yung mama ko pala ay patay na two years ago and yung papa ko may iba na siyang pamilya..kaya kami na lang dalawa ni kuya ang bumubuhay sa aming sarili.
"Ah sige po..pwede sa school na lang ako kakain kasi baka ma late pa ako" sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo
"Ah sige, magpapahatid ka ba?" tanong niya
"Hindi na..and tutal malaki na naman ako" sagot ko na parang napapawisan
"Oh sige..mag iingat ka" sabi niya
Tuluyan na akong lumabas ng bahay at naglakad papunta sa kanto. Hays! Ganito na ang gagawin ko araw-araw..napakalayo ng kanto galing sa bahay namin, parang naglalakad ako galing MOA papunta sa parking lot.
Naka abot na ako sa kanto at nakakita ako ng jeep tuluyang sumakay.
Pagdating ko sa school madami pang mga estudyante sa loob. Hay salamat di ako na late. Pagtingin ko sa relo ko 7:19 am pa kaya pumunta ako sa canteen ng school para mag almusal.
Pumuna ako sa counter at nag order ako. "Isang arozcaldo daw ate at isang mineral water" sabi ko sa tindera. Inilagay ko ang ibinigay niyang arozcaldo at mineral water sa tray at binayaran ko na ang ito. Pagkatapos kong binayaran ang mga ito, naghanap ako ng bakanteng upuan hanggang sa nakakita ako. Pinuntahan ko iyon at nilagay ang tray sa mesa at umupo. Kinain ko na ang arozcaldo. Binilisan ko ang pagkain dahil five minutes na lang pasukan na. Inubos ko na ang arozcaldo at ininom ang tubig.
Lumabas na ako ng canteen at binilisan ang paglakad papunta sa classroom ko. Pagpasok ko sa classroom, wala pa yung adviser namin. Salamat talaga at maswerte ako ngayong araw na ito. Pagdaan ng ilang minuto dumating na ang adviser namin sabay lagay ng kanyang libro at eyeglasses sa kanyang mesa.
"Good morning class!" bati niya
"Good morning sir!" tanging sagot namin
"By the way i'm Mr. Rodson Gonzales and i'm your adviser" pakilala ni sir
"Lets start this class by introducing yourselves" dagdag niyaNagpakilala kami lahat, one by one. Hindi ako sanay sa mga ganitong pangyayari kasi 'SHY type' ako. Hindi makapal yung face ko kaya nahihiya ako minsan.
Nang ako ang sumunod, nagpapakilala ako habang naka yuko kasi ayaw kong tumingin eh..mas lalong ayaw ko ng eye contact kasi nahihiya ako. Pinilit ako ni sir ni di yumuko ngunit di ko nakayanan. Pagkatapos kong magpakilala bumalik ako sa inuupuan ko at still nakaduko pa rin sa mesa. Haixt -_-
YOU ARE READING
The Rich Man's Son
RomanceIto ay isang storya kung saan ang isang lalake ay magkaka gusto sa kapwa niyang lalake. How is this happened? or how is this possible?