Chapter 2

2 0 0
                                    

Ira's POV

nag lalakad lakad ako sa garden ng mansyon ko, medyo matagal din nung huli kong pag uwi dito.


marami parin tumatakbo sa isip ko. lalo na yung break up namin ng taong akala ko tatanggapin ako kahit ganito ako.





bata palang ako nun ng masilayan kong nasusunog ang bahay at mga magulang ko sa harapan ng napakaraming mundane. sinabi ko noon sa sarili na hinding hindi ako magtitiwala sa mga mundane ngunit nag bago yun dahil dumating sa buhay ko si Rin.



binalaan na ako nun nila mama at papa.
"Ira malayo ang mga mundane saatin. ang tingin nila saatin masama, hindi nila tayo tanggap dahil para sakanila ibang iba tayo." ang sabi ni papa.



"tama ang papa mo ira, kaya wag na wag kang mag titiwala basta basta lalo na ang umibig sa isang mundane." tugon pa ni mama


kung naniwala lang sana ako sakanila.

sana hindi ako nasasaktan ngayon.

namimiss ko na sila. kung kaya ko lang ibalik ang oras.

magkahalong lungkot, galit at hinagpis ang nararamdaman ko.


hindi ko na rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.


pesteng luha to! kailan ka ba muubos ha?
magang maga na ang mga mata ko.

pipitas sana ako ng rose ng biglang may nag salita sa bandang likoran ko kaya napapahid ako ng mga mata ko at humarap sakanya.




"miss Ira pinapatawag ka ng Majesty sa Grand castle. gusto ko raw nilang makausap."

si Zion lang pala. ang royal messenger ng Dragomyr Bloodlines.



at ako? isa akong royal server tulad ng mga yumaon ko ng magulang.


ako ang mga taga tugon sa mga utos at kahilingan nila. lalo na ng princesa dahil ako ang naassign sakanya.

mgkababata lang naman kami ng princesa kaya ako ang inassign sakanya dahil narin sa kagustuhan nya.
for short,



muchacha ako ng princesa.


"sige susunod na ako." umalis na si zion.

nag handa narin ako, simula ngayon bagong Ira na ang haharap sakanila at sa isang kumpas ng wand ko nasa grand castle na ako.



"-pero mahal na reyna gusto ko po dun. maraming matututunan dun. masaya rin dun at malayo sa gulo tulad dito sa Arland. sige na naman po your majesty!"


naabotan ko ang kakulitan ng princesa.

dahilan para mapasapo sa sariling ulo ang mahal na hari.

"ehem. pinapatawag nyo daw po ako your majesty."

ng sabihin kong iyon humarap silang lahat at kinutuban na ako.


tumatakbo ang princessa palapit sakin ng may kakaibang ngiti.

"iraaaaaaaaa!" niyakap nya ako at ngumiti nalang ako bilang tugon.

"isamama ko naman sya kaya payagan nyo na ako. pleassssse"

kung saan man ang sinasabi ng princessa natitiyak kong-





hindi masaya doon.

☪☪☪☪☪


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SpellboundWhere stories live. Discover now