Sa aking napapansin, isa sa pinakamalaking sektor ng ekonomiya sa ating bansa ang agrikultura. Ngunit maraming kabataan ang walang pagpapahalaga sa agrikultura.
Ang agrikultura ay ang paraan ng paggawa ng pagkain, hibla, at iba pang ninanais na mga produkto sa pamamagitan ng pagbubungkal ng ilang mgahalaman at pagpapalaki ng mga maamong hayop. Kilala din sa tawag na pagbubukid o pagsasaka ang agrikultura, ang trabaho ng mga magsasaka.( di po ito galing sa akin sa website ko lang po ito nakuha)Ano ano ang mga kahalagahan ng agrikultura? Para sa akin, ito ang mga kahalagahan ng agrikultura:
-Una, nakapaghahatid ito ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba't ibang panig ng daigdig.
-Pangalawa, tinitiyak ng sektor ng agrikultura na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang hapag.
-Ikatlo, napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga magsasaka, manggagawang bukid, katiwala, at iba pa.
-At ang ikaapat at ikahuli, nakakatulong ang sektor ng agrikultura sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad ng pagmamanupaktura at kalakalan.
Problema sa imprastraktura
problema sa kapital
masamang panahon
malawakang pagpalit gamit ng lupa
pagdagsa ng mga ndayuhang kalakal
maliit na pondong laan para sa agrikultura at makabagong teknolohiya
monopolyo sa pagmamayari sa lupa
YOU ARE READING
wala lang
Science FictionPINAKAwalang kwentang kwento sa WATTPAD... ano gusto mo ba basahin TARA NA !!!! BWAHAHAHA