Invisible girl, Visible love (one shot story)

379 21 8
                                    

Sabi nila mukha daw akong tangang tawa ng tawa mag isa at kumakausap ng hangin. Diba nila nakikita ang nakikita ko?

Okay dito nasimula ang lahat. Sept.13 ng gabi, habang naglalakad ako sa madilim na eskinita papunta sa dorm namin. Isang babae ang nakakuha ng atensyon ko. Kumakanta kasi sya ng ewang kanta sabay pa ng pagsayaw nya. -____-

" Gom sema-ri-ga

Han chi-be-yi-so

Appa gom

Omma gom

Ae-gi gom.

Appa gommun tung-tung-hae

Omma gommun nal-shin-hae

Aegi gommun na bul-gwi-yo-wo

Hishuk hishuk cha-rhan-da "

Saktong pag ikot nya ay napatigil sya sa harapan ko. Tapos ngumiti sya ng ganito ------------> ^______________________^

Lapad noh? Di ako OA mag narrate. OA lang talaga ngumiti yung babae!

" Hi!!! ^___^ " sabi nya sabay kaway.

" Hello " sabi ko. Ayokong maging rude so, ngumiti ako.

" Nakikita mo ko?! O____O " sabi nya habang hawak hawak ang laylayan ng kanyang damit. Nakasuot kasi sya ng puting daster at sya ay may maiksing buhok, maputi rin sya. Lumapit sya sakin na parang manghang mangha. Problema nito?

" Oo naman yes " sabi ko.

"Di nga? " sabi sabay tusok sa pisngi ko.

" Oo nga ang kulit. " sabi ko ng medyo irritating voice na. Kulit eh !

" Ah ganun? Teka asan ba ako? Anong lugar to manong?" sabi nya. Teka anong tawag nya sakin? MANONG?????

" Hindi ako manong miss. -____- " sabi ko sabay upo sa gutter.

"Ah. Hehehehehehe.... Mianhae :))) " sabi nya. Ano daw? Mani?

"Ha?" sabi ko ng medyo naguguluhan. Di kasi ako nakakaintindi ng alien eh.

" Sabi ko 'sorry'.. Teka, asan nga ako?" sabi nya at tumabi sakin sa gutter.

"Seriously, di mo alam?" sabi ko sabay tayo. Ganun din naman sya at nung lumakad ako, naglakad din sya. Sumusunod nga eh. Umiling lang sya as a response.

"Tsss... Nasa Galaxy street ka. Pano mong di alam? Ano yun nag sleepwalk ka? " sabi ko ng pabiro.

"uhh... ewan ko nga. Pagdilat ko, nakita ko na lang na nakahiga ako dito." sabi nya. Ang weird nito oh. Tss..

"K. Teka anong pangalan mo?" sabi ko. Curious ako eh paki nyo? :P DJoke lang :]

" Angie-yah imnida ^__^. Ikaw ?" sabi nya sabay lahad ng kamay para makipag shake hands. Kahit di ko naintindihan sinabi nya, alam kong Angie ang name nya. Obvious naman diba?

" Chester" sabi ko at napangiti ako ng makita ko ang abot tengang ngiti nya nang makipagshake hands ako sakanya.

"Ay teh look oh. Ang wafu nung guy doon kaya lang parang err.. Baliw?"

"ayy oo nga! Sayang mga atii !! Ang wafu pa naman! Sana sakin na lang sya!"

"Mga gaga. Pinag aagawan nyo eh baliw ata? Tingnan nyo kinakausap ang hangin at nakikipagshake hands pa. Oh diba baliw? "

Ako ba yung baliw na sinasabi nila? Hindi naman diba?

Habang naglalakad ako, nararamdaman kong sumusunod pa rin si Angie sakin.

Invisible girl, Visible love (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon