Logic (One-Shot Story)
written by: HaveyouseenDory
All Rights Reserved 2017.this is a work of FICTION.
-----
Valentines day at may pasok. Gustuhin ko mang hindi pumasok ay hindi ko magagawa. Dahil para sa akin, ngayon ay araw ng mga tsokolate!Iyong kaibigan ko kasi, maganda at madaming manliligaw. Ako naman, bilang butihing kaibigan ay tinutulungan ko siya. Ako ang taga-ubos ng mga tsokolate niya. Oh diba? Ang bait kong kaibigan. Pero uy, kusa niyang binibigay sa akin yun ah! Di ako buraot. Huwag nga kayo. Hahaha!
Pagkapasok, 1st subject e walang teacher na dumating. Nakipag-date yata. Ayun, nagdiwa ang klase. Nagkayayaan na mag-laro. Logic daw.
Noong una sinali pa ako ni Jen, iyong kaibigan ko, pero tumanggi ako. Hindi naman ako magaling doon atsaka parang boring pa. Pero dahil kinulit niya ako, at may tsokolate na agad para sa akin, sa huli ay pumayag na ako. Hindi naman ako nakakasagot e. Hanggang sa yung isang kaklase namin na lalaki ang nagsalita.. Parang ginanahan ako.
"Eto, may sulat akong pagbibigyan. Ang nakasulat:
'Matagal ko na itong gustong sabihin sa'yo. Aaminin ko na torpe ako dahil sa loob ng ilang taon e hindi ko pa nasasabi sa'yo na gusto kita at ngayon ay handa na ako. Ewan, isang araw.. tumibok itong puso ko at hindi namamalayang ikaw na pala ang dahilan ng pagtibok nito.'
Ngayon, kanino ko ibibigay ang sulat?"
Matagal na walang sumagot at napatingin naman ang lahat sa akin nang magsalita ako.
"Kay.. Mae?"
Parang mga kuwago ang mga mata nilang nakatingin sa akin at ganoon din sa lalaki na kaharap ko. Maya-maya ay nakita ko na lang siya na papalapit sa akin. May iniabot siyang sobre. May na-realized naman ako bigla. Teka, ibig ba niyang sabihin-
"Akala ko hindi mo mahuhulaan. Happy Valentines Day, Mae.."
Ngumiti siya na ikinatulala ko. Pero napangiti na lang din ako. Mukhang kailangan ko pa ng maraming tsokolate ah..
~Mae Mendoza
_FiN_
YOU ARE READING
Logic (One-Shot)
Short StoryKanino ko ibibigay iyong sulat?? (One-shot) (cover photo owned by the owner) -HaveyouseenDory