Prologue

214 9 1
                                    


Natahimik ang buong gymnasium dahil sa kanyang pagsigaw. Nagbabadya naring tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

''Nakakahiya kana, alam mo ba 'yon?'' nanggigigil nitong sabi.

Napayuko na lamang ako. ''Jake I just want lang naman to support---.''

''Hindi ko kailangan ng pagsuporta mo.'' sigaw nito. Rinig ko rin ang paghalakhak ng mga babaeng pangit. Gusto ko na talagang umalis pero parang ang paglakad ay hindi ko rin magawa.

This so embarassing. But I made an effort kaya. I looked at him. Alam kong makikita nya na ang pagluha ko but still I smiled. Napamura sya. I know nakakainis na ako. Huminga ako nang malalim bago itaas ang mga cartolina at lobo. ''Ako ang lettering nito.'' buong puso kong sabi. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid.

Ang mahalaga ay siya at ako lang.

Akala ko ay maaapreciate nya pero nagkamali ako. Hinablot nya ang mga hawak ko at itinapon. Hindi pa sya nakontento at pinag aapakan pa nya.

''Jake why did you do that? That's my artwork. It's para sayo kaya.'' nanginginig kong sabi. Lumuhod ako at pinulot ang mga gamit ko.

''Dude that's enough. Napapahiya na si Zooey.'' bulong ng isa nyang kateam mate.

I smiled bitterly. Kung ayaw nya sa mga effort ko for him edi wag. Tumayo ako at naglakad papalabas ng gymnasium.

Simula ngayon wala na akong pakialam sa kanya.

Jake, who you ka sakin ngayon!

When they collideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon