Chapter 1

307 8 4
                                    

I dedicated this chapter to one of my idols here on wattpad, :"> Basahin niyo po yung mga stories niya, super duper ganda...

__________________________________________________________

Chapter 1: Memories

Unknown's POV 

Last  Week of March, nang nalaman ko lahat ng katotohanan.. Nalaman ko na yung matagal ko na palang gustong lalaki na si Dan ay boyfriend  na ng kaibigan kong si Sam, nung una okay lang sa akin, dahil kaibigan ko naman siya at alam kong higit na mas maganda siya kesa sakin...  

Pero nagbago lahat ng yun nung nakausap ko yung bestfriend ni Dan. Nalaman ko sa kaibigan niya na matagal na siyang may gusto sakin, kaso na totorpe siya . kaya nung nag decided na siyang ligawan ako, humingi siya ng tulong kay Sam. Pero pinigilan daw siya ni Sam, sinabi daw ni sam na wala siyang pag-asa, kahit alam niyang patay na patay ako nun kay Dan , siniraan pa niya ako, kung anu anu yung sinabi niya kay Dan para ma turn off to sakin..

Nung gabing yun, hindi ako makatulog.. Ayaw kong maniwala na nagawa yun sakin ni Sam dahil siya yung tinuturing kong Bestfriend, tinuring ko siyang kapatid,  sobrang ayaw ko maniwala sa sinabi nung bestfriend ni Dan, pero may part sa isipan ko yung nagsasabing totoo lahat ng sinabi niya.

Kinabukasan noon... Tinanong  ko kay Sam kung totoo lahat ng sinabi nung bestfriend ni Dan, Nung una hindi siya nag salita , pero bigla na lang siyang tumawa..

"Anu ba Sam? seryoso ako dito."

"Hmm, siguro it's time for you na rin too know the truth.. "

"Anung pinagsasabi mo Sam?"

 "Look Valerie, totoo lahat ng sinabi sayo ni Mac"

 "B-bakit Sam?.. bakit mo ginawa yun sakin? Anu bang nagawa kong masama sayo?" sabi ko habang tumutulo yung luha sa pisngi ko.

"Simple lang Val, dahil ayaw kong mapunta sa isang Mataba at Panget na Loser na katulad mo si Dan.." andami ng tao sa paligid namin..

 "Paano mo nasasabi yang mga bagay na yan sakin? Akala ko ba Kaibigan kita?"

"You're so Pathetic, we can't stand it anymore .. Kinaibigan ka lang namin cause you're so funny, as in lahat ng ginagawa mong katangahan, sobrang nakakatawa  at dahil na rin siguro sa skills and intelligence mo we all got straight A's. Not to mention your family status..."

 "All this years, Akala ko mga kaibigan ko kayo." hindi ko na napigilan, iyak na ako ng iyak..

"Don't you get it we just used you. Tingin mo ba magsasali kami ng isang katulad mo na panget at mataba?? sa group namin  w/o getting anything in return? You're really hopeless." tumingin siya sa iba pa naming kaibigan ... "Come on girls, tapos na ang pag kukunwari natin, we don't need her anymore. lets go."

Iniwan nila akong magisa, pinagtitinginan at pinagtatawanan ako ng mga taong nakakakita sakin .. Hindi ko alam ang gagawin ko, Walang tumulong saking kahit na sino .... 

Tumakbo ako ng tumakbo, hindi ko na makita kung saan ako dinadala ng mga paa ko dahil sobrang basa na ng luha ang mga mata ko.. Pagtigil ko. Na sa isang playground na ako,  onti lang yung tao nun, kasi medyo palubog na yung araw, Umupo ako sa isang swing.. Nakatulala, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Sam.

Tinuring ko silang kaibigan, higit pa dun tinuring ko silang parang kapatid ... Bakit ganun? bakit nila ako ginamit? paano nila ako nagawang saktan? Naging mabait naman ako sakanila ah? May nagawa ba akong masama? Naging mabait naman ako ah? Naging mabuti akong tao. Hindi pa ba sapat yun? para mabuhay ako ng masaya?  Tinangap ko na nga ang katutuhanan ... Sila na lang nga yung taong nandyan para sakin eh, pero mali ako...

Sa mundong ito wala akong kakampi, wala akong karamay, wala akong mapagkakatiwalaan, mga magulang ko? Ayun. Andun sila sa ibang bansa.. Iniwan nila ako.. Sa mundong ito kailangan mo maging matapang, kailangan mo maging matigas. Para hindi ka nila alilain at alipustahin..

Kailangan kong magbago, kailangan kong ayusin  sarili ko, kailangan ko ng lumaban sa laro ng buhay .. Pinapapangako ko sa sarili ko hindi na ako iiyak kahit kailan ..

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan yung driver namin para magpasundo..

Naging malabo na ang last days ko bilang isang 3rd year high school student.. Hindi ko namalayan Summer na pala.. Sinimulan ko nang mag diet at mag exercise  parati para maging maganda ang itsura ng katawan ko...

Tinabi ko muna lahat ng Gadgets ko para maka pag focus ako sa pagbabago, sobrang binuhos ko lahat ng oras at panahon ko sa pag eexercise at pag-aaral para sa entrance exams para sa college. Yun lang ang ginawa ko buong summer.

Nagbunga naman ang sobrang paghihirap ko at pumayat na ako, pero hindi ko parin tinitigil ang pag eexercise at pag da-diet ko, nang mapanatili ang itsura ng aking katawan. Pinamigay ko lahat ng damit, bag, sapatos at kung anu ano pang gamit ko even my phone..

Gamit ang pera na pinapadala sakin ng mga magulang ko, bumili ako ng bagong set ng mga Shorts, Shirts, Dress, Heels, Bags, Doll Shoes, and Many More. Sinanay ko ang sarili ko sa kung anung kakikayan na maisip ko, nag simula na din akong matuto gumamit ng make-up, At mag ayos  ng sarili kong buhok.

Sobrang binago ko lahat, binago ko lahat miski ang pagkatao ko, dahil hindi ko na ulit hahayaang maapi ako ng kahit na sino.....

_______________________________________________

Author's Note: 

Sana po nagustuhan niyo yung First Chapter :"> with feelings po yung pagsulat ko neto. HAHA.  Please Leave a Comment or Vote if it deserves it. THANK YOU PO! REALLY HOPE YOU ENJOYED. pasensya na din po sa mga errors. :") hindi po ako ganun kagaling. pasensya na.

Neneng MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon