CHAPTER 1: INITIALLY COLD AND EVEN HOSTILE

273 3 0
                                    

CHAPTER 1: INITIALLY COLD AND EVEN HOSTILE

"Ugh! Finally", rinig kong sabi ni Royce sa akin matapos akong makita na papalapit na sa kaniya.

Lumapit ako sa mukha niya para halikan ang kaniyang pisngi pero iniwas niya ito. "I've waited here for ten minutes. Anong sa tingin mo magiging reaction ko?", sabi niya habang tinitignan ako ng masama.

Napasimangot ako ng wala sa oras pero hindi niya iyon pinansin bagkus ay naglakad na palayo sa akin. Alam ko namang galit siya kasi pinaghintay ko siya dito at na-late ako ng punta dahil may inutos pa ang prof ko sa akin. Bakit hindi man lang niya muna inalam ang rason bago siya nagkaganyan? Haaay..

"Ano? Hindi ka pa ba susunod?", napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at kita kong mukhang galit na talaga siya sa akin kaya naman dali-dali akong lumapit sa kaniya at humawak sa kamay niya.

Hayaan na nga ang iniisip ko! Ako naman talaga may kasalanan eh..

Minsan lang mangyari ang ganito sa amin. As in once a month lang talaga kami nagkakasama ng matagal dahil graduating na ako at isang working student ng MiniGo.

I'm Rebecca Lim at itong kasama ko ay ang boyfriend ko na si Royce Perez. Mukha man siyang di boyfriend dahil sa ginawa niya sa akin kanina, pero yes, boyfriend ko siya at magta-tatlong taon na kaming ganito.

Sabi ko nga sa kaniya na kaunting antay lang at pagka-graduate ko ay magkakaroon na ako ng marami-raming oras sa kaniya. Understanding naman siya noong una at pangalawang taon namin pero nang ikatlo na ay parang lagi nang mainit ang ulo niya kada nagkikita kami.

Matapos ang araw noong..

"Baby, pwede bang alam mo na..Diba para sa akin naman iyan? Pwede bang kuhanin ko na?", sabi niya at akmang hahawakan na ang dibdib ko pero agad akong tumayo sa sofa ng condo niya.

Napakabilis ng tibok ng puso ko at nangangatog pa ang aking mga tuhod. Kinaya kong magsalita ngunit may pangangatog sa mga ito. "R-royce, d-diba ang u-usapan natin a-ay p-agkatapos na ng k-kasal natin h-hindi ba?", sabi ko na naging dahilan ng pag-iba niya ng tingin sa akin.

"Ah ganun ba? Tatlong taon na tayo pero wala ka pa ring tiwala sa akin, ganun ba?", sabi niya tsaka ay ininom ang tubig na kinuha niya para sa akin nang makarating ako dito sa condo niya.

"H-hindi naman s-sa ganun yun R-Royce..", sabi ko na lalapit na sana sa kaniya muli ngunit..Baaag!!

Nagkalat ang mga piraso ng nabasag na baso sa paahan ko. "Anong hindi sa ganun? Ganun iyon! Hindi ka pa ba aalis ha?", galit na mga mata ang nakatingin sa akin. Tumayo siya at sa sobrang takot ko ay napatakbo ako palabas ng condo niya.

Nakarating ako sa sakayan ng jeep na hinahabol ang aking hininga at hindi magpigil ang mga luhang nagmumula sa aking mga mata.

Pero matapos din ang araw na iyon ay nag-sorry ako pero hindi na ganun ang pakikitungo niya sa akin. Malamig na.

"Hindi ka pa ba tapos kumain? Napakabagal mo", sabi niya kaya naman binilisan ko na sa pagkain.

Habang kumakain ay nakita kong kumuha siya ng tissue at akmang ipupunas na sa labi ko. Nag-antay ako pero marahas niya lang na idinikit ang tissue sa labi ko. Haaaay.. Sayang naman. Akala ko pa naman magiging sweet na ulit ang taong ito!

Lingon siya nang lingon sa paligid at type nang type sa cellphone niya habang inaantay akong matapos kumain. Ano kayang meron?

"Mag-cr lang ako. Bilisan mo dyan. Pagbalik ko ubos na yan", sabi niya at ako naman ay sumaludo na may malaking ngiti sa labi pero tinapunan niya lang ako ng sandaling tingin bago umalis.

Haaay.. Para siyang spaghetti, sa una lang sweet. Kapag tumagal na, napapanis at umaasim. Haaay..

Naubos ko na ang kinakain ko pero hindi pa rin siya bumabalik. Maging ang softdrinks ko ay ubos na maging ang yelo pero hindi pa rin siya bumabalik. Nasaan na ba ang lalaking iyon?

Binuksan ko ang cellphone ko kung mayroong message si Royce doon pero wala. Kaya nama'y napagdesisyonan kong mag-antay na doon sa cr pero nakailan na ang mga taong pumasok at lumabas ay wala pa rin siya.

"Kuya, pwedeng patingin nitong taong ito dyan sa loob?", sabi ko sa lalaking papasok ng cr ng lalaki habang pinapakita ang picture ni Royce sa cellphone ko. Tumango lang ito at pumasok na nga.

Nag-antay ako ng ilang minuto at nilabas ng pinto ng cr ang pinagtanungan kong lalaki. "Sorry miss pero wala siya doon eh", sabi nito at ngumiti sa akin ng medyo creepy. "Kung gusto mo, ako na lang ang sasama sa iyo"

Napaatras naman ako nang marinig iyon. "Ay hindi po kuya. Salamat na lang hehehe", tumalikod na ako sa kaniya nang bigla nyang kinuha ang braso ko

"Nag-uusap pa tayo eh. Bakit mo naman ako tinatalikuran?", nang-aasar ang tono nito. Natatakot na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinipa ko ang tuhod niya pero parang wala man lang siyang naramdaman. "Lumalaban ka ha. Nag-uusap lang naman tayo eh!", napapikit ako dahil sa akmang pagsuntok niya sa mukha ko.

Ganito ba yun kapag may sumuntok sa mukha mo, di mo mararamdaman kasi tulog ka na?

And for who knows how many seconds, doon ko lang napagtantong walang lumanding sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ay hawak ni Royce ang braso noong lalaki.

"Sino ka para saktan ang girlfriend ko?", sabi ni Royce doon sa lalaki.

Nakakakilig naman. Tinawag niya akong girlfriend niya. Hihihihi.

"Psh!", sinabi lang nung lalaki at padabog na hinablot ang braso niya kay Royce tsaka ay naglakad na palayo habang bubulong-bulong pa.

"Thank you, Royce! Ang galing galing mo talaga!", sabi ko at kumapit pa sa braso niya. Pero agad niya ring tinanggal ang kamay ko.

"Huwag mo nga akong hawakan. Sino ba kasing may sabi sa'yong pumunta ka rito sa harap ng cr? Paano kung hinatak ka noon sa loob tsaka ka hinarass. Makikita ba kita?!", galit ang tono niya at hindi ko iyon maintindihan kung bakit.

"Eh bakit wala ka kasi sa loob? Bakit ang tagal mong bumalik? Bakit hindi ka man lang nagtext kung sakali? Masama bang hanapin ka?", sagot ko sa kaniya na di na maiwasang maluha.

"Oo masama! 'Wag na 'wag mo akong hahanapin dahil mapapahamak ka lang!", huli niyang sinabi bago ako iniwan doon na mag-isa.

Bakit ba siya ganiyan? Bakit masyado niya naman akong ginaganito? Dahil hindi ko lang iyon naibigay? Ganun ba kahalaga sa kanila 'yun?

Pero in the end, ako na naman ang nagpakababa.

Ako ang nag-sorry.

Ako ang nakipag-ayos.

Kahit alam kong napaka-unfair na, ako pa rin ang lumalapit.

GF For Hire For A NightWhere stories live. Discover now