Panda

7 0 0
                                    

A month has passed at hindi ko na ulit nakita pa si CJ.

Capping ceremony namin ngayon at sobrang excited ko na. Sa susunod na semester magsisimula na kasi kami sa aming duty. Nakakakaba na nakakaexcite.

-

Pagkatapos ng ceremony ay pumunta kaming SM City nila Mommy, Daddy, Kuya Ivan at Ate Hannah. Kakain daw kami sa Vikings, libre ni Kuya Ivan at Ate Hannah.

"Congratulations, Nianna." Nagbeso kami ni Ate Hannah

Sa Vikings na kami nagkita since di siya naka attend sa capping ceremony. May class kasi siya sa umaga.

"Thank you, Ate." Nginitian ko siya

Pumwesto kami malapit sa dessert table. Tuwang tuwa naman ako kasi mahilig ako sa sweets. Pati si Papa nung nalaman na unli rin ang beer.

"Ang takaw mo talaga." Pangasar ni Kuya kay Ate Hannah habang kumakain kami

Inirapan naman siya ni Ate at nagpatuloy sa pagkain. Natawa tuloy kami ni Mom at Dad

"Ivan, ijo, binabantayan mo ba ng mabuti si Hannah? Baka nagbo-boyfriend na yan." Biglang sabi ni Mommy

"Naku. Bantay sarado yan sa aming magpinsan, Tita."

Napangiti ako sa sinabi ni Kuya. Nag shift kasi si Nick ng kurso at lumipat ng school kaya si Harris nalang ang schoolmate ko na pinsan niya. Malokong tao si Harris kaya pinapakilala ako sa mga tropa niya. Without anyone but us knowing, I've gone to several group dates na. Minsan nagkakasecond date na kami lang pero hanggang doon lang. Wala pa akong naging boyfriend.

"Kuya bat ba ang laking table nung kinuha natin? Nakakahiya sa iba." Sabi ko nung napansin kong may babaeng naghahanap ata ng table para sa marami at napatingin sa gawi namin sabay irap

"Susunod naman kasi sila Jun. Ang tagal nga eh." Lumingon lingon naman si Kuya sa paligid

"Mabuti nga yun para konti lang mabayaran natin." Natatawang sabi ni Ate Hannah

"Yung regalo mo anak sa debut mo nalang." Ngumisi si Daddy

"Manahimik ka nalang nga dyan." Suway ni Mom

Nagulat ako nang may mga platong biglang naglapag sa table namin. Pag tingin ko kung sino ang nagsi-upo.

"Wow. Inuna niyo talaga ang pagkain kesa sa puntahan kami dito noh?" Sarkastikong sabi ni Kuya

"Congrats, Nia!" Sabay na bati nila Nick, Harris at Kuya Jun

"At least hindi tayo lugi sa babayaran natin." Natatawang sabi ni Ate Hannah habang tinitignan ang tatlo kumain na parang walang bukas

Natawa nalang din sila Mom at Dad

"Teka. Kulang kayo ah." Biglang sabi ni Ate Hannah

"Naku. Baka dun nakiki-celebrate kay Dani si Pause." Natatawang sabi ko

Natawa naman sila at pinagusapan na namin kung gaano ka-adik si Pause sa bestfriend ko

"Baka yun pa ang nanlibre sa buong pamilya ni Dani imbis na kumain ng libre dito." Natatawang sabi ni Kuya Jun

"Nung Sabado hindi sumama sa amin kasi tutulungan pa daw niya si Dani." Sabi naman ni Nick

"Umiyak pa nga yun kasi ang dami ng pinasulat ni Dani sa kanya." Natatawang dagdag ni Harris

"Aba. Kaya pala hindi stress si Dani habang kami ng ibang kaklase ko'y parang zombie na." Sabi ko at tumawa

"Hi po Tita, Tito." Nasa gitna ko si Dad at Mom kaya di ko makita ang bumati sa kanila

Pag lingon ko ay nakita ko si CJ na nagmano kina Mom at Dad.

"Congratulations." Nakangiting sabi niya nung nagkatinginan kami sabay abot niya ng isang bag na may markang Blue Magic

I was shocked but I managed to receive the gift and nod at him

"Kuha lang akong pagkain." Paalam niya sa aming lahat at umalis

"Iba talaga si CJ sa inyo eh noh." Asar ni kuya sa mga pinsan niya

"Kailangan ba may regalo?" Gulat na tanong ni Nick habang nakatingin sa hawak ko

Tumawa lang ako at umiling. For a second there I thought my heart skipped a beat.

Pagbalik ni CJ ay marami siyang pagkain sa pinggan niya pero puro isda at gulay lang. Wala pang fried. Sobrang health conscious naman niya. Kaya pala ganyan ang katawan niya

"Anak, ano na?" Tanong ni Dad sa akin na nagpabalik sa akin sa mundo

"Po?" Tanong ko

"Uuwi ka ba sa probinsya ngayong sembreak?" Tanong ni Mommy

"Opo." Sagot ko

Ngumiti si mommy, "Sabay nalang kayo ng kuya mo, anak. Mauuna na kami ng daddy niyo bukas."

"Doon ka pala magce-celebrate ng birthday mo, Nia?" Tanong ni Harris

"Yep."

"Diba debut mo na yan?" Tanong naman Nick

"Oo. Simpleng party lang. Mga relatives lang at close friends." Sabi ko

"Di ba kami imbitado?" Kunwaring tampo naman na tanong ni Kuya Jun

"Punta kayo dun." Natatawang sabi ko

Ngumisi lang sila at nagbiruan na kami na ipapasyal ko sila doon sa probinsya namin kung sakali ngang pupunta daw sila

"Si Peter din daw Nia sasama." Biro ni Harris sabay hagikhik

Napansin kong natigilan si Kuya Ivan sa pagkain, "Peter?"

"Kaklase ko sa English 102." Sagot ko agad

"Tropa ko Kuya hehe." Pa-cute na sabi ni Harris

"Anong meron sa Peter na yan ha?" Tanong naman ni Nick

"Crush niya kasi si Nia tol." Natatawang sabi ni Harris

"Ikaw Harris binabantayan mo ba talaga yang si Nia. Baka may boyfriend na yan." Pagaakusa ni Kuya sa pinsan niyang loko

"Oo naman Kuya Ivan!" Defensive na sabi ni Harris. Para pang nainsulto sa sinabi ni Kuya Ivan.

Ang sarap sapakin ni Harris ngayon. Sobrang sinungaling! Kung di lang talaga ako damay sa kalokohan niya binuko ko na siya.

"Nakwento ni Ivan na mahilig ka daw sa panda, Nia." Biglang sabi ni CJ na nagpatigil sa kanila

"Po?" Gulat na tanong ko

Oh my gashhhh. I kennat!

"Favorite animal mo daw yun." Sabi pa ni CJ

"Penguin kaya yun!" Biglang sabi ni Ate Hannah na nagpagising sa akin sa katotohanang andami pala namin dito

"Penguin ba?" Naguguluhang tanong ni Kuya Ivan

"Oo. Kasi diba may penguin siya na libro na binabasa noon." Ate Hannah

"Panda kaya yun." Kuya Ivan

"Penguin yun kuya!" Natatawang sabi ko nung makabawi na ako

Nagtawanan kaming lahat pati sila Dad at Mom dahil sa kapalpakan ni Kuya. Kinanchawan pa siya ng mga pinsan niya.

"Kuya, ikaw na talaga ang animal whisperer." Biro ni Nick

"Ewan ko ba sayo Ivan kung bakit kasi palaging si Nia ang kinukwento mo." Kuya Jun

"Hindi kaya!" Kontra ni Kuya Ivan

"Oo kaya!" Sabay na sabi ng mga pinsan niya

"Hindi na ngayon. Nagtanong kasi si-" Naputol si Kuya Ivan

"Grabe pare. Ang layo ng ibon sa osa." Natatawang sabi ni CJ na sumabay na rin sa pagkanchaw kay kuya

"Gusto ko rin naman ang panda." Nasabi ko nalang

Nagkatinginan kami ni CJ and yet again, my heart skipped a beat when he simled at me. Yes it skipped a while ago and it did some years ago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

These Three YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon