Walang pinanghahawakan

30 2 0
                                    

Matatapos ba ang di mo naman sinimulan?
Magiging malungkot ba pag hindi ka naging masaya?
Magiging mahirap ba ang madali?
Maitatago mo pa ba ang matagal nang nakakubli?

Sinimulan kong mahalin ka kahit alam kong sa simula palang ay tapos na.
Pinilit kong mahalin mo ako at sumaya kahit sa gitna ng lahat, kalungkutan lang ang aking madadama
Mahirap isipin na hindi magiging madali
Ngunit hindi ko maitago ang pag mamahal ko sayong pumipilit kumawala ngunit kailangan kong ikubli.

Kasalanan ko ngunit ikaw ang sinisisi
Bumibitaw ngunit pilit hinahagkan
Sinasadya ngunit hindi maaari
Hinahatak ngunit hahayaan

Alam kong mali ako ngunit bakit mo ako hinayaan?
Gusto kong lumayo ngunit gusto rin kita laging mahagkan
Gusto kong akin ka ngunit di ko mapilit sapagkat di maaari
Ngunit sa huli di kita makakapitan, sa pagkat wala nga naman akong pinanghahawakan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walang pinanghahawakanWhere stories live. Discover now