I'd Lie [1]

1.2K 31 27
                                    

"Beeee! Daraating na siya! Darating na siya! Ayos 'to ah! Ang saya-saya koooo lang ngayon Bee! Grabeh!"

Salubong sa akin ni Richard nung nakita niya akong papalapit sa kanya.. Kahit kelan, parang bata talaga to oh.. May patalon-talon pa kasi tong nalalaman eh!

"Richaaaaaard! Grabe naman to oh! Pwede ba! Anglikot mo. Parang di na college student.. At sino yang sinasabi mong dadating? Ikaw ha! Di ka na nagshe-share sa akin.. Nakakatampo ka naman eh!" Sabay talikod ko sa kanya.. Grabe to. Napasapo nalang ako ng noo..

Inakbayan naman niya ako bigla "Beee, secret muna iyon.. Basta ang masasabi ko lang, isa siya sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko.."Tapos ginulo na niya buhok ko..

Natahimik naman ako sandali sa sinabi niya, importante? Babae? Baka, Long-lost first love niya..

"Ahh. okay.."Matamlay kong sagot sa kanya.. Buti nalang di niya ito nahalata..

"Tara na Bee. Lumalalim na ang gabi.. Hahatid na kita sa inyo.. Ang mahuhuli! May sapok mula sa nauna. HAHAHA! >:D"

Tapos bigla nalang siyang tumakbo.. ANLA! Talagang napakahypher niya ngayon ha! Tumigil siya sa pagtakbo at nilingon ako ulit.. Sinigawan niya ako kesyo bakit di pa raw ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.. Nakuuu! Parang kahapon lang nag-eemote tong mokong nato!

"Oo naaaa!"

(NOW PLAYING: I'D LIE by Taylor Swift)

♫I don't think that passenger seat

Has ever looked this good to me

He tells me about his night

And I count the colors in his eyes ♫

Ako nga pala si Rebecca Alcantara. 17 years of age.. Only child ako.. Kaya si Richard ang palagi kong kasama.. Swerte ko nga raw eh.. Dahil naging kaibigan ko ang isang Richard Smith.. Marami nga ang na-iinggit sa akin eh.. Isang hamak ba naman na matangkad, gwapo, meztiso, may asul na mga mata ang mapapalapit sa'yo..

Magkaibigan na kami simula bata palang.. For almost 13 years, siya na ang naging Kuya, Playmate, Protector, Best friend at Prince Charming ko.. Lumipat kasi pamilya niya rito noong 4 years old ako.. Nakakatawa nga eh.. Niloloko ko kasi yan siya dati.. Di kasi marunong magtagalog.. Pero di na ngayon.. Mas expert na siya kesa sa akin kung managalog ee! Porke't student writer siya sa Fil. Pub. nila!!

Bata palang kami, may crush na ako sa kanya.. Pero loko-lokohan lang yun dati kasi crush-crush lang.. Di ko naman inaasahan na magbabago pala tong nararamdaman ko sa kanya.. Hindi ko man agad napansin, pero isang araw, naramdaman ko nalang.. na.. mahal ko na siya..

Hindi ko naman masabi-sabi ang nararamdaman ko eh..

Natatakot ako.. Natatakot ako sa anumang posibleng mangyari..

Baka nga, magiging cause lang yun ng pag-iiwasan namin.. Ayaw ko yun..

Sapat ng nandito siya malapit sa akin..

Kahit na minamahal ko siya ng malayuan..

Nandito na kami ngayon papasok sa subdivision namin.. Tawa lang kami ng tawa.. Ganyan naman kami palagi eh.. Kung ano-anong pinag-uusapan..

"Ree, may nililigawan ka na ba?" Pag-iiba ko ng topic namin..

"Eh? Bakit mo naman natanong?"

I'd Lie [SHORT STORY-FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon