Life or Love

0 1 0
                                    

Adrian's POV

"Mister Atienza, wala pa rin kaming mahanap na donor ng dugo para sa kanya.. Ginagawan na namin ng paraan para makahanap pa sa ibang mga ospital ng dugo na pwedeng maisalin sa kaniya.."

Hindi ko na alam ang dapat kong ireact sa sinabing iyon ni Dr. Vasco.

Nakakapanlumo.

Nakakabigat sa dibdib.

"S-sige po Dok.. Salamat po.."

Pagkatapos kong magpaalam kay Dr. Vasco ay nanlulumong naglakad ako papunta sa mga upuan na nasa hallway ng ospital.

Ipinatong ko ang aking bisig sa dalawa kong hita at saka tinakip ang kamay ko sa aking mukha.

'Pano na? Kailangan niya na agad masalinan ng dugo pero wala akong mahanap na paraan para makahanap ng dugo na compatible sa kanya. Pano na.. :('

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nauubusan na ako ng pag-asa pero hindi ako dapat sumuko para sa kanya. Para sa taong mahal ko.

'Gagawin ko ang lahat para sayo Ana.. Hindi kita isusuko.. kaya please wag ka ring susuko. :('

Huminga ako ng malalim at bumuga ng malakas bago napagdesisyunang tumayo at pumasok sa kwarto niya.

Ni Ana.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang hospital bed niya at siya na nakahiga roon habang natutulog. Punong puno ang kwarto ng mga aparato at mga kung ano-anong machine na nakakabit sa kanya. Nangilid na naman ang mga luha ko.

'Ana.. Sana gumaling ka na.. Gusto na kitang ipasyal ulit.. Miss na miss na kitang yakapin ng mahigpit na hindi ko magawa ngayon dahil baka masaktan ka.. Ana.. mahal na mahal kita..'

Pagkalapit ko sa tabi niya ay agad kong kinuha ang kamay niya na maputla. Umupo ako sa upuan nasa tabi ko. Hinalikan ko ang kanyang kamay na hawak ko bago sya tinitigan. Tulog na tulog siya.

"Napakaganda mo pa rin kahit na pumayat at maputla ka ngayon mahal.. Wala na yatang makakatalo sa kagandahan mo.."

Lumunok ako para mabasa ang lalamunan ko dahil nanunuyo na iyon at pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko.

Napabuntung-hininga na naman ako.

"K-kung nalaman ko lang agad ang k-kalagayan mo mahal.. E-edi sana h-hindi na lumala pa.. Kung s-sana mas naging maalaga ako sayo.. Kung s-sana naituon ko l-lahat ang pansin ko s-sayo.." nagpahid muna ako ng luhang patuloy na pumapatak sa mata ko bago ulit nagsalita. "Edi sana.. sana hindi ka na nahihirapan.."

Life or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon