Chapter 1

27 3 0
                                    

Author's POV

Isang katok ang narinig ng isang lalaking nakaupo sa kanyang upuan sa opisina na kasalukuyang umiinom ng kanyang mainit na kape

"Come in" sabi niya

"Sir Trent ito na po yung pinapakuha niyong mga detalye about sa sales natin nung mga nakaraang buwan" sabi ng kanyang sekretarya na si Natasha

"Pakilapag na lang diyan at maaari ka ng lumabas" sabi niya ng hindi tumitingin sa kanyang sekretarya dahil abalang abala siyang haluin ang kanyang kape

"Okay po sir" sabi nito at tuluyan ng lumabas na ng kanyang opisina

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at tiningnan ang mga malalaking building na katabi lang ng kanyang kumpanya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito upang tingnan kung sino ang tumatawag .. 

"Gulo na naman ito" sabi niya na may halong inis at sinagot ito

"Trent" sabi ng nasa kabilang linya

"Bakit? May ginawa na naman bang gulo si Duke?" sabi niya sa malamig na tono

"Oo, napaaway na naman sa bar na pinuntahan nila kagabi, nasa balita siya ngayon" sagot nito

"Wala ng bago, tawagan mo na lang si Kyle para maayos niya to" utos nito sa kausap niya

"Sige" sabi ng kanyang kausap at pinutol na ang tawag

Binuksan niya ang kanyang TV at pinanood ang kanyang kapatid na laman ng balita 

"Pasaway talaga tong mokong na to" sabi niya sa sarili 

Pinatay niya ang TV at kinuha ang kanyang coat na nakalagay sa kanyang sandalan at dali-daling lumabas ng kanyang opisina, agad siyang sinalubong  ng kanyang sekretarya

"Sir san po tayo pupunta?" tanong agad nito

"Ipahanda mo ang kotse kay Nathan" utos nito na nagmamadaling maglakad 

Dali-daling tinawagan ng kanyang sekretarya ang kanyang driver habang nakabuntot ito sa kanya. Nang makarating na sila sa ground floor ay agad na nilang natanaw ang kanyang kotseng nakaparada sa labas kaya nagtuloy-tuloy ito palabas ng kanyang kumpanya. Pagkasakay niya sa kotse ay agad itong pinaandar ng kanyang driver 

"Saan po tayo Sir?" tanong nito

"Sa bahay" sagot niya

"Sir tumatawag po si Sir Uno" sabi ng kanyang sekretarya na kasalukuyang nasa frontseat

"Akin na" utos niya

Inabot ng kanyang sekretarya ang cellphone at kinuha naman niya ito

"Oh?" malamig na sagot niya sa kausap

"Papunta na si Kyle sa presinto" sabi ng nasa kabilang linya

"Sige, nasan ka ba?" tanong niya sa kausap

"Sa school, sunduin mo ko" sagot nito

"Nathan daan tayo sa school ni Uno" utos niya sa kanyang driver

"Sige sir" sagot naman nito

"Mag-aayos na ko ng gamit dito bro, bye" sabi ng nasa kabilang linya at pinutol na ang tawag. 

After 15 mins. ay nakarating na sila sa school ng kanyang nakababatang kapatid, malayo pa lang ay natatanaw na niya ito na naghihintay sa labas kaya naman inihinto ang kotse sa tapat ng kanyang nakababatang kapatid at binaba ang bintana ng kanyang sasakyan. 

"Kanina ka pa?" tanong niya

"Hindi naman" sagot nito at pumasok na sa loob ng kanyang kotse 

"Anong sabi ni Ina?" tanong nito pagkaupo ng kanyang kausap

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cards of UnderworldWhere stories live. Discover now