Chapter 4:Harper High

21 3 0
                                    



"Ano po yun Moma?"

"Lilipat kana kasi ng school mo."

"Lilipat? Ako? Ng school? Hala! Moma bakit naman?" Tsk! Ayaw kong lumipat ng school nasa kasalukuyan kong school ang mga kaibigan ko eh.

"Ang Daddy mo mismo ang nag-sabi nun at wag mo ng alamin kung bakit."

"Pero kasi Moma wala naman akong problema sa school ko ngayon. Wala akong bagsak na subject. Hindi pa ako na guidance wala akong record kahit isa. Kahit nga mga away na maliliit sa loob o labas man ng school hindi pa Moma eh" Totoo naman eh, kahit nga galit na galit na nga  ako sa isang tao pigil na pigil ako sa sarili ko para lang hindi ako mapasok sa anumang gulo.

"Galing na yan sa Daddy mo. Whether you like it or not. Talagang lilipat ka ng school."

Tama naman si Moma eh. Kahit naman na ayaw ko wala akong magagawa dahil si Daddy na ang nag-sabi. Kahit na anong gawin ko hindi ko rin naman mapipilit ang gusto ko.

"Don't worry Mae sila Karyl din ata lilipat din eh." Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Moma.

"Saang school po ba?"

"Sa Harper High."

Pagtapos ng pag-uusap namin ni Moma umakyat ako sa kwarto ko at agad na tinawagan sila Karyl.

{hello?}

"Ano pumayag ka?"

{Alam mo na?}

"Oum kasasabi lang ni Moma kanina."

{Ikaw ang dapat na tanungin ko nyan! Kasi kung hindi ka papayag hindi kami papayag ni Roselyn na lumipat ng school. So, ano pumayag ka ba?}

"Kung ayaw ko ba may magagawa ako? And beside galing daw kay Daddy yung desisyon na yun, alam mo namang kapag si Daddy o si Lolo ang nag-sabi wala akong magagawa."

{Oo nga pala. Balita ko maganda daw yung school na lilipatan natin. Payag ka? Puntahan natin?}

"Sige, kailan? Alam mo ba papunta?"

{Hindi, hehehhehe. Pero tatanong ko kay Mommy kung paano papunta. Ngayon na gusto mo?}

"Sige"

{Sige, tatawagan ko na si Roselyn. Maligo ka na ah! Alam mo naman ikaw mabagal kang kumilos tiyak late ka na naman.}

"Grabe ka naman sakin! Kaibigan ba talaga kita?!"

{Oo naman, kaya sige na mag-ayus kana kita na lang tayo sa Ministop sa tapat ng simbahan ah}

"Sige."

Mga tatlong oras ata akong nag-ayos sa sarili ko then bumaba na ko para makapag-paalam kay Moma. (A/N:may ata pa eh noh?)

"Moma, aalis lang po ako. Pupuntahan lang po namin nila Karyl yung school na lilipatan namin."

"Sige, pero alam niyo na ba kung paano papunta?"

"Tatanungin na lang daw po ni Roselyn kay tita Jhanet."

Pero sinabi na rin ni Moma kung paano papunta doon para daw alam ko na rin.

Pagpunta ko dun sa Ministop as usual nandoon na yung dalawa. Mga early bird talaga sila, ako lang hindi.

"Grabe! Kalahating oras kami nag-antay sa'yo Mae! Nag-text na rin kami sa'yo at tumawag waley epek!" Reklamo ni Karyl, pero ayos lang. Late naman kasi talaga ako.

Tinignan ko naman yung phone ko at totoo nga daming text at tawag mula sa kanila. Naka-silent rin pala ang phone ko.

"Halika na, puntahan na natin bilis. Gusto ko na makita." singit bigla ni Roselyn. Hindi siya mukhang excited.

Behind her smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon