Trois

7 0 0
                                    

*Per*

Matapos naming bumisita kela Tata ay agad na kaming pumunta sa Bahay ni Mama dito sa Immortal World.

Pagkarating namin ay agad na akong bumaba at pumunta sa sala tsaka umupo.

"Chérie, katabi ng amin ang sayo ah, dalawang kwarto lang naman yung sa third floor eh," sambit ni Papa pero tumango lang ako at hindi siya sinagot.

"Punta na kami, Bye,Chérie," kumaway lang ako habang nakatingin pa rin sa labas.

~~minutes later

"Mandy,Rolly....." tawag ko sa dalawa.

Isang Puissance na may fast speed si Mandy habang si Rolly naman ay Strength.

"Young Mistress?" Sabay na tanong nila at nagbow.

"Let's have an Immortal tour," yaya ko at lumabas.

Tumango naman sila at pinagbuksan ako ng pinto.

"Chérie?" Tanong ni mama sa akin habang nasa sasakyan. Remember, Projector....

"Touring, Ma," tumango naman siya at ngumiti.

"Enjoy, Chérie, Careful," sambit niya.

Tumango naman ako tsaka tumingin sa bintana.

Nagpatuloy lang kami sa biyahe at nung padaan kami sa isang tulay ay nakita ko sa ibaba nito ang mga sirena pero talagang nakakuha ng pansin ko yung pinapalibutan nila, siguro siya ang prinsesa?

Sa pagdaan naman namin sa Glacers ay nakita ko ang isang lalaking napakagaling mag-skate.

Napangiti naman ako ng makita ko ang isang babae na nag-aapoy ang buhok kasama ang iba pa nitong maid? na nagreready ng mga pagkain niya.

"Whohooo! " napalingon ako sa taas ng marinig ko ang malakas na sigaw ng lalaki at nakita siyang nagske-skateboard sa hangin.

Dumaan naman kami sa Land City at nakita ko dun ang isang lalaki na kasama ang hari at reyna at siya ay kausap ang mga ito.

Papauwi na sana kami ng biglang lumabas ang mukha ni mama sa kawalan.

"Homaygoodness!" Gulat na sambit ni Mandy, napailing nalang ako at nakinig sa kanya.

"Yes,ma?" Tanong ko.

"He-he-he, Chérie ahmmm..." nakagat labi nitong sambit.

Tinaasan ko lang siya ng kilay ng mauutal-utal siya.

"Pwedengikawnaangmagen-rollsaImmortalAcademy," sunod-sunod nitong sambit.

Pero...anu daw?

"What?" Tanong ko, hindi ko maintindihan e.

"Pwe-deng i-kaw na ang mag-en-roll sa Im-mor-tal A-ca-de-my?" Nauutal nitong ulit habang naglalaro sa buhok niya.
Childish niya 'no?

"Okay," napaangat naman siya ng ulo ng sabihin ko iyon.

"Hihihi thank you, ma chérie" ngumiti lang ako ng tipid at tumango.

Iba pala pag may nagmamahal sayo 'no?

"Bhe, sa immortal Academy daw tayo," tawag ni Mandy kay Rolly na tinanguan lang nito.

Sanay na naman akong makarinig ng masagwang tawagan e like: Bhe, Babe, Honey, etc.

Heloo? Ilang century na kaya akong nagbabantay dito sa Immortal World.

"Young Mistress, narito na po tayo," sambit ni Mandy na siyang nag pabalik sakin sa realidad.

"Ikaw na mag-enroll sakin," sagot ko sa pagtawag niya, ayaw kong lumabas dahil maraming mata ang nakatingin sa kotseng sinasakyan ko.

Maybe they're wondering kung sino ang nasa loob. Limousine lang kasi ang sasakyan ng mga Royals at Gem Cars naman kung ikaw lang magdri-drive mag-isa pero Royals pa rin at sa hindi ay Normal lang.

Bumaba na si Mandy at nakita ko naman ang pagkahinayang ng mga mukha nila ng siya ang lumabas.

Nagsimula ng maglakad si Mandy habang ako naman ay busy kakalibot ng tingin sa paligid. Ah! Oo nga pala..

"Rolly, keep this, tatawagan ko lang kayo kung kailangan ko na ng Personals,okay?" Sabay abot ko ng pera kay Rolly.

"But, Young Mistress ---" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Use this opportunity as your vacation and maybe makarami kayo diba," nakangising paliwanag ko.

Nahihiyang inabot niya naman ito.

Napailing nalang ako ng makita ko ang reaksyon niya at timing naman ang pagbalik ni Mandy.

"Heto  na po ang gamit niyo, Young Mistress," sabay lahad ng isang bag na hindi kalakihan.

Tumango naman ako at tumingin ulit sa bintana.
Tahimik lang kaming nagbya-byahe ng magsalita ako.

"Your having a vacation with Rolly, Mands," sambit ko habang nakatingin pa rin sa bintana.

"Pero young mistress," angal niya pero nagkibit balikat lang ako.

Ng makarating kami ng bahay ay agad na akong pumasok sa kwarto ko saka naligo para matulog na

La Source MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon