Chapter 4: Enemy Still An Enemy

115 13 3
                                    

Chapter 4: Enemy Still An Enemy

Haruko's P.o.v

sobrang sakit ng ulo ko.feel ko dinaganan ito ng tatlong malalaking sumo wrestler.napadilat ako ng bahagya..puro puti..nasa langit na ba ako ? pero ang amoy na to.. parang familliar sakin .. napatagilid ako .. ospital.. nasa ospital ako? teka bakit?..unti-unti kong inalala ang lahat..oo nasa swimming pool ako nun .. lumalangoy at galit na galit kay kogume pero unti-unti akong nakaramdam ng antok..napaupo ako sa kama hinawakan ko maigi yung ulo ko...tapos may isang taong lumapit sakin.. sinisigaw yung pangalan ko .. at doon tuluyan na akong nakatulog..

"HARUKO!"mas hinawakan ko ng mahigpit ang paghawak sa masakit na parte ng ulo ko. naririnig ko yung mga pagtawag nya sakin ..

"Haruko..Gumising ka pakiusap"napapikit ako sa sakit na naramdaman ko.. sino yung tumawag sakin?nalilito ako..ano ba talaga ang totoong nangyari? napasigaw na ako sa sobrang sakit nararamdaman ko..

"Haruko..hindi ko kakayanin ang mawala ka.."napadilat ko ng wala sa oras at parang baliw na nagtitili sa sakit..hindi mapakaniwala sa naririnig ko sa isip ko..agad akong nakarinig nang pagbukas ng pintuan .. para akong tanga na gulat na gulat na nakatingin sa harap ko..

"Haruko ! ayos ka lang?"napatingin ako sa taong nagtanong sakin..si cheska..

"cheska..ano ba ang nangyari?? bakit ako nasa ospital??"sinimulan ko syang alugin..

"CHESKA SABIHIN MO!"sigaw ko dito.. bahagya syang napaatras at tinignan ako ng gulat..

"haruko.."di makapaniwala nyang binanggit ang pangalan ko at parang iiyak na nakatingin sakin.. siguro natakot sya sa biglaang pagsigaw ko sa kanya.. hindi ko alam kung ano nangyayari sakin .. para akong nababaliw.. ume-echo yung mga boses na naririnig ko..

"cheska anong nangyayari?" biglaang sulpot ni sandra.. tinignan ko lang sila at napaluha..

"sorry cheska.. diko sinasadyang sigawan ka.. nalilito lang ako sa mga naalala ko.. "sabi ko habang nakayuko.. hindi parin mawawala sa itsura ni cheska na natatakot talaga sya sa ginawa ko..

"haruko..ano bang nangyari?" tanong ni sandra..tinignan ko sya habang lumuluha..

"sandra..pasensya.. may naririnig lang ako na tinig sa isip ko.. ano bang nangyari sakin?" tanong ko rito..tinignan  nya ako ng diretso saka umupo sa kamang hinihigaan ko..

"nalunod ka kasi.." nagulat ako sa narinig nya at medyo nalito..

"teka ako? nalunod? paanong mangyayari yun?? SWIMMER AKO ! SANDRA ! SWIMMER AKO." sigaw ko.. rito.. hinawakan lang nya ako sa magkabilang balikat...

"huminahon ka haruko.." napaupo ako at kinontrol ang galit na namumuo sakin..

"alam mo haruko.." panimula ni sandra saka nya ako tinignan ng diretso..

"ikaw dapat ang nakakaalam nyan.." medyo tumama yun sa puso ko.. oo may punto si sandra.. dapat ako nga..pero bakit ganon? wala akong maalala kahit ano? ang alam ko lang lumalangoy ako tapos yun na unti-unti akong nakatulog? pero bakit nga !? napasabunot ako ng buhok..

"nalilito ako sandra.. nalilito ako.." sabi ko rito.. hinaplos lang nya yung likod ko at nagsalita..

"halata nga.. pero pwede mo bang sabihin kung ano yung eksaktong nangyari sayo?"humarap ako sa mga taong nasa harap ko.. si cheska .. si sandra ... at si rain?? hindi ko alam na andyan pala sya.. tapos para pa akong tanga na nagwawala.. nanlumo ako at nagsalita..

"ang totoo nyan.. bago ako pumunta sa swimming pool.. nakasalubong ko si kogume.." medyo napaisip ako.. OO SI KOGUME ! sya nga.. unti-unting nagkaroon ng palaisipan sa isip ko..

What The Hell ! He's My Dorm Mate ? [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon