MCL 6.2

5 1 0
                                    

Musta guys ? 

sorry po pala at ngayon lang nag update medyo may problem kasi nung christmas vacation kaya di ko natupad promise ko..

pero nakapag type na ako ng mga 3 chapters at eedit ko pa yun :)

for now eto muna ah, medyo maikli lang...

Lab yah all :*

----------------------------------------------------------------------------------

“Earl ! andito na si Nica !”  narinig kong sabi ni Ynna mula sa baba. Oh great! sa wakas dumating na din siya almost  2 and half hours lang naman akong naghihintay sa kanya. Agad agad na kong bumaba.

Pagkababa ko nakita kong nakaupo si Nica sa couch katabi si Ynna at si Seph naman sa lapag nakaupo naka Indian sit kaharap laptop niya.Geez !  naalala ko nanaman yung nangyari kanina medyo nahihiya pa rin ako.Napansin ata ni Nica na papunta na ako sa gawi nila kaya siya napalingon sa akin nakangiting aso .

“ ui Earl sorry nagyon lang ako nakarating”  sabay kamot sa likod niya “ may pinuntahan pa kasi ako ee”

Nang makalapit na rin ako sa kanila umupo na rin ako katabi niya.” Ok lang atleast nakarating ka”  sana nga hindi ka nalang dumating ee. Charot ! haha

“EE ano palang ginagawa niyo ditto Yna?”  biglang tanong ni Nica. Medyo nakalimutan kong tanungin ulit yun ah! Si Seph kasi ee.

“Dito daw kami gagawa sabi ni  Yna”  sagot naman ni Seph. I rolled my eyes. Bakit siya yung sumagot ee si Yna naman yung tinatanong niya hindi naman siya! Bitter lang haha di naman

Bigla naming napatingin sakin si Seph his giving a bakit-look. I just rolled my eyes again tapos tiningnan ko nalang si Yna.

“Ee kasi walang net samin wala din naman daw kay Seph at since malapit ka lang naman pinuntahan ka nalang naming”  paliwanag naman niya.

“ Ayaw mo ba  ?”  biglang singit naman ni Seph. Hindi ko alam kung joke bay un o ewan kasi naman topakin din to ee.

“Kanina pa kayak o nandito so kung ayaw ko, edi sana kanina ko na rin kayo pinaalis”  sabi ko naman sa kanya syempre pabiro lang yun noh.Si Nica naman napansin ko medyo gumilid ewan ko kung ano ginagawa niya.

gusto mo lang akong kasama ee’

“huh ?”  sabi k okay Seph kasi parang may narinig ako ee may sinabi ata siya  o guni guni ko lang ?

“Wala”  sabi naman niya habang nakaharap sa laptop niya.

“Ano Earl umpisahan na natin?”  biglang singit ni Nica

”Oo nga, umpisahan na natin anong oras na oh!”  sang ayon naman ni Yna.

Kanya kanya na kaming nagsipagkilusan si Yna lumapit na kay Seph tapos nilabas na rin niya yung laptop niya.Kami naman ni Nica maguumpisa na din nilabas na rin niya yung laptop niya ako naman iniistart ko na yung akin.

Kanina pa kami nagpapalitan ng mga tanong kung ano gagawin ditto, ganire,ganyan. Ako naman minsan nakikiramdam kila Nica at Seph kung mag-uusap ba sila o hindi, pero hindi naman sila nagkikibuan, ano yun? Hanggang ngayon hindi parin sila nakaka move on? Hmm!

Andun lang sila Yna sa tabi mga seryoso ang mga HENYO! Focus kung focus ee

“ Earl, ilang objective ba kelangan?”  tanong sakin ni Nica

“Hindi ko alam ee, tanong mo kay Seph”  OK! Sinasadya ko yun :D gusto ko lang naman Makita mangyayare pag nagtanong siya kay Seph. Hmmmm

Tumingin naman siya kay Seph parang nag aalinlangan ah..Bat alam ko ?! syempre ako nagplano kaya pasimple lang akong nakikiramdam, kunwari nakatingin ako sa laptop pero yung gilid ng mata ko nag aabang sa mangyayari. Hehe

Mukang kumukuha siya ng tyempo, nyek !

“Seph, ilang objective ba kelangan?”  aba ! nakapagtanong siya ah, abat ! ……… lumapit pa talaga siya ah! Hmp! Magkaharap na tuloy sila ngayon. Tapos si Seph tumingin na din kay Nica

Hindi na ko mapakali sa pwesto kaya  mula sa nakatagilid kong pwesto nag turn right ako para nakaharap ako sa kanila. Kunwari walang signal.

“ Hanggang 3 lang”  sagot naman ni Seph tapos bumalik na siya sa gingawa niya sa laptop niya. Huhehe

“TATLO !”  gulat na gulat naman na tanong ni Nica. Medyo nanlaki naman yung mata niya, well ganyan talaga siya pag nagugulat nanlalaki mata “ Di ba pwedeng isa lang?” pahabol naman niya, si Seph naman nangiti lang.. nyeeee!

”Pwede, depende naman syo ee basta hanggang 3 limits daw”  Sagot naman ni Seph. Well napansin ko lang medyo walang reaksyon si Seph except dun sa smile nya :3 pero pag kausap niya si Nica parang basta makasagot lang yung tono niya. Well that’s better.

Tumingin na ako sa gawi nila at napansin ko ding napatingin sa akin si Seph pero syemre kunwari di ko napansin yun patay malisya ba at diretso nalang ang mata k okay Nica “ Sige Nica ako nalang din sa objectives, tapos ka nab a sa mga backgrounds?” sabi ko para di ako masyadong mahalata ..

“ Malapit na din ee, sure kang ikaw nalang?”  tuwang tuwa ang tamad !

“ Oo malapit na ding akong matapos ee”  sagot ko naman

“Matatapos ka na ? bilis ah! “  biglang singit naman ni Yna.

“ Oo konti nalang matatapos ko na”  sabi ko. Si Nica naman lumapit saken.

“ Patingin nga ng gawa mo Earl”  umupo siya tabi ko, binigay ko naman yung laptop sa kanya.

“Ee kayo?”  tanong ko naman kila Yna.

“may dalawa pa kong gagawin”  sabi ni Yna

“Isa nalang kulang sakin”  sabi naman ni Seph

“ Oh ayun naman pala ee malapit na din kayo”

“Earl, painom naman”  singit naman ni Seph, oo nga pla mag iisang oras na din kami ditong gumgawang walang kaen kaen. Ay ! tanag ka Earl. Nakakahiya naman inuuhaw ko ton si Seph, charot !

“ Sige, gagawa muna ko ng meryenda natin”  with that tumayo na ko

“Sama ako”  napalingon naman ako kay Seph. Hanubey ! pano ako makakakilos ng maayos nitey.. heyhey :D

Nang nakatayo na din si Seph dumiretso na kami sa kusina. Si Seph naman nasa likod ko nakasunod. Solo lang din pala kami ngayon sa kusina. Pagkarating naming ng kusina kumuha agad ako ng pitsel at juice magtitimpla muna ko.

“Pang ilan kayo sa defense?”  medyo nagulat ako dun, paglingon ko nasa likod kop ala si Seph, medyo malapit nga siya sakin ee ang bango nya ah !

“Pang 8 kayo?”  yun lang ang nasabi ko, kasi naman masyado siyang malapit sakin halikan kita ee! Haha

“34”  sagot naman niya with a wide smirk. At saka ko lag din na gets ! aarrgggh ! pinaalala niya pa ….medyo nahiya!

“34 your face!”  sabi ko naman sabay kurot sa tagiliran niya… kasi naman ee pinaalala niya pa! nalaman niya tuloy size ng bra ko! BALIW  talaga, pagkatapos na pagkatapos kong magtimpla ng juice lumabas na agad ako ng kusina, hindi ko na inalam mga expressions niya, bahala siya ! at alam ko din na nagba-blush ako ngayon… :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Crush Life (On-Hold!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon