Chapter 1
A notes
"HOY SYNC! ANO DI KA PA DIN BA BABANGON DYAN HA?! MALALATE KA NA SA ESKWELAHAN NIYO!" sigaw ng aking ina. Agang-aga nambubulabog na agad. Nagtaklob ulit ako ng kumot bahala siya dyan.
"5 minutes pa! " sigaw ko pabalik. Ilang minuto na ang nakalipas at wala na akong narinig na ingay. Hayyy! mabuti naman.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng aking panaginip ay bigla akong napabalikwas ng bangon dahil may biglang bumuhos na tubig sa aking mukha. Para akong nalunod at nagising ang diwa ko. Hinanap ko kung sino ang gumawa 'non at nakita ko ang nakangising mukha ng magaling ko kapatid.
"Goodmorning, my princess!" Nakangising sabi ng aking kuya. Bigla ko siyang binato ng suklay na malapit sakin.
"Bwisit ka kuya!" Ayan na lang ang nasabi ko at dumiretso ako ng banyo para maligo. Narinig ko pa siyang tumatawa habang lumalabas kwarto ko. Ang aga-aga pa nga eh.
Natapos na akong maligo at nakapagprepare na ako para pumasok, kakain lang ako at aalis na.
Pero napatigil ako sa pagpihit ng doornob ng kwarto ko nang makita ko ang isang bagay sa may gilid ng pintuan. Pinulot ko ang isang papel na lukot, napaisip ako kung kanino ito dahil wala naman akong tinatapon na papel. Binuksan ko ito at may nakita akong sulat.
'Goodmorning, my lady. Eat your breakfast so that you have an energy later. Take care my lady because I will marry you, soon. -Spongebob'
At biglang humahingin ng malakas, napatingin ako sa bintana at nakabukas ito. Napatingin ako sa bintana at napatingin ulit sa sulat, natawa ako konti dahil sa codename niyang spongebob.
"Weird" bulong ko sa sarili ko. Sino kaya ito? Sinara ko na ang bintana ng kwarto ko at nilagay ko sa drawer ang papel.
Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta ng dinning area para kumain kami pero nakita kong wala ang mga tao. Nasaan kaya sila nagsipuntahan? Binaba ko ang bag ko sa mesa para dumiretso sa ref para kumuha ng freshmilk. Sinara ko ang ref ng napansin kong may nakalagay na note dito.
'Be careful, my lady. Drink your freshmilk and eat some fruits nor cereals. -spongebob'
Wth?! Kung hindi siguro ko nakita yung lukot na papel baka pagakamalan kong si kuya to kaso hindi eh, iba ang penmanship niya. Kilala ko ang sulat ng kuya ko.
Impossible kayang?
No way!
Hindi pwede to.
Kinuha ko ang note na nakalagay dito at biglang narinig kong pagbukas ng pinto ni kuya na kasabay ang dalawang tropa niya. Kumuha na ako ng freshmilk ko at apple para makapagbreakfast.
Lumabas si kuya ng hindi nagpapaalam. Siguro hindi ako nakita kasi nasa kusina ako. Kumain na ako at umalis na ng bahay.
Papunta na akong garahe para kunin sana yung motor ko nang may napansin akong kalat sa harap. Kinuha ko ito at tinapon. Nagmotor na ako at nakapunta agad sa school.
Agad akong nagswipe ng ID para makapasok ako sa school. Nang makapasok ako, tumingin ako sa relo ko kung anong oras na. 30 mins na lang pala at magsisimula na.
Papunta na ako ng locker area nung nakita ko si Eve. Ang bestfriend ko at sumama sakanya.
"Eve, may gusto sana akong sabihin." sabi ko sakanya habang nakatulala sa mga gamit ko.
"Ano yun?" tingin niya sakin.
Paano ko ba ito sasabihin? Hays, bahala na.
"Mamayang break sasabihin ko sainyo ni Paige." aniya ko sakanya. At nagpatuloy na maglakad papuntang school.
Nang umupo na ako sa upuan ko. May napansin akong yellow na papel sa ilalim ng upuan ko. Kinuha ko ito at nagulat nanaman.
'Enjoy your day, my lady. Studywell. -Spongebob.'
Gosh. Heto nanaman oh. Pangilan na ba ito ha?! Nilagay ko na ang note at saktong dumating na ang teacher namin.