Chapter 2

2 1 0
                                    

Chapter 2

Popcorn

Uwian na! At maligayang-maligaya ako dahil gusto ko ng umuwi ng bahay.

"Babes" sabay kalabit sakin ni Eden. Siya ang childhood bestfriend ko at si Paige. Mga abnormal yang mga yan.

"Bakit babes?" tanong ko at huminto muna sa pagaayos ko para maharap ko sya.

"Gusto kong gumala. Nasaan ba si babe?" sabi niya sakin tas sabay tingin sa paligid. Nagkibit balikat na lang ako dahil di ko naman talaga alam. Nagpatuloy na lang ako sa pagaayos para makaalis na kami at mahanap si Paige.

"Mga babes!" sigaw ng isang babaeng abnormal. Oo, kilala ko na siya.

"Saan ka ba nagpupunta?" tanong ko sakanya.

"Tumae hehehe" ngiting sabi niya samin.

"Yuck Paige De Cervantes!" sabay na sabi namin ni Eden.

"Bakit diba kayo tumatae Eden De Frain at Sync Senares?!" sabay taas ng kilay ni Paige. Binigyan na lang ng alcohol ni Eden si Paige at kinuha naman niya ito.

Umalis na kami ng school para gumala.

"Saan ba tayo pupunta Eden?" tanong ni Paige. Maski ako wala din kaming alam. Nasa kotse kasi kami ni Eden kaya wala kaming kaalam alam.

"Mall" simpleng sagot samin ni Eden na ikinairap ng mata ko. Edi sana nagmotor na lang pala ako.

Nakarating na kami ng mall at nakauniform pa din kami. Class hours pa kaya di kami papasukin sa mall. Nagbihis kami sa loob ng sasakyan, buti na lang at tinted ito at di kita sa labas kung anong meron sa likod.

Lumabas kami ng kotse na confidence kung maglakad. Pinapasok na kami at napangiti ako dahil ang tagal ko na nung huli akong nagmall.

"Kain tayo!" aya ni Paige kaya pumunta kami sa KJ restau. Nakakamiss dito hays.

"Pagkatapos nito, magsisine tayo, my treat." sabi ni Eden. Napatingin kami ni Paige sa isa't isa.

"Sure!" ngiting sabi namin ni Paige.

Ano kayang problema nitong babaeng loka-loka? May problema ba sya sa kanyang lovelife? Pagkakaalam ko wala naman boyfriend yan.

Natapos na kami kumain at dumiretso na kami ng sinehan. Tinignan namin ang mga ito. Magaganda puro action movies andito.

"5th wave tayo!" sabi ni Paige. Ayoko non, napanood ko na yun eh.

"The Lucky One tayo gals" sabi naman ni Eden. Aba, romance ang gusto.

Nagaaway sila dahil gusto ng isa ay ayun na lang pero ayaw naman ng isa. Nagkakainitan na ang sagutan nila.

"John Wick na lang us" singit ko sakanila. Napatigil sila sa sagutan at nagtitigan silang dalawa. Ngumiti na lang ako bilang sagot.

"Sure!" sabay na sagot nila. Napailing na lang ako at natawa dahil sa inasta nila.

Pumila na si Eden para sa ticket namin, treat niya daw kaya siya na lang pumila. Habang nagtitingin ako ng movie may biglang dumaan sa harap ko at may nahulog na papel.

Biglang may naamoy ako, isang pabango na gustong gusto ko ang amoy. Takte, tinignan ko ang lalaki kung nasaan na siya. Di na nakita ng mata ko dahil sa sobrang daming tao. Pinulot ko ang papel at binuksan.

'Enjoy your day, my lady. Enjoy the movie John Wick. Do you want some popcorns? If you want it, put your right hand to your pocket and i will buy some popcorns for you. Enjoy, my lady. -spongebob'

Grrr. Sino ba ito? Sayang, nakacap kasi yung lalaki at matangkad siya, nakajacket din tas puting tshirt sa loob tas di ko nakita yung mukha pero yung amoy niya iyon yung kinaaadikan kong amoy sa isang tao.

Nilagay ko ang sulat na hindi ko malaman kung kanino sa bulsa ko. Naglakad na kami patungo kay Eden dahil nakita namin siyang natapos nang bumili.

Nakipagsiksikan kami para makapunta kay Eden. Sobrang daming tao talaga tapos nang makarating kami sa kanya. May hawak na siyang popcorn na tatlong malalaki.

Omg, hindi kaya? Nailagay ko ba sa right pocket yung kamay ko?

*Flashback*

Natapos na akong magbasa at nilagay ko na ang sulat sa right pocket ko. At umalis na para patungo kay Eden.

*End of Flashback*

Lechugas naman oh! Napailing na lang ako dahil dito.

"Daming popcorn ah?" takhang tanong ni Paige.

"Kanino galing yan?" malamig na sabi ko sakanya. Tinulungan namin ni Paige si Eden dahil sa madaming hawak nito.

"Di ko kilala basta lalaki eh, sabi para sayo daw ito. Ikaw ah!" asar na sabi sakin ni Eden. Kinuha ko naman ang sinasabi niya at may nakita nanaman akong sulat dito.

'Eatwell, my lady. Enjoy the night! -spongebob'

Napairap na lang akodahil dito. Nilagay ko na ang papel para maumpisahan na namin ang paglalakad papunta sa sinehan.

"Lets go gals" sabi ko at nauna na akong naglakad. At nakita ko pang nagkibitbalikat pa silang dalawa.

Nagsimula na ang palabas at ang iniisip ko ay sino si spongebob? Omg! Di tuloy ako makakapagfocus nito.

Habang busy ako magisip kung sino ang nagbigay nito nagulat akodahil nagsisimula na pala ang movie. Pero wala eh, di ako makapagfocus. Nagulat ulit ako dahil may nahulog mula sa ewan at nashoot sa popcorn ko. Nakita kong isang papel na nilukot.

'Enjoy the movie, my lady, i said! Wag ka ng magisip isip ng kung ano dyan. Maganda ang movie na pinili mo, tignan mo mga katabi mo nakanganga dahil sa galing ni John. Enjoy ka na, my lady. Wag nang sa iba ibigay ang atensyon. -spongebob'

Napangiti na lang ako dahil dito at tinago ulit ang sulat. Iipunin ko lahat ng sulat niya at kapag nagkita kami ipapakita ko ito.

Natapos na ang movie ay natuwa ako dahil nakapagfocus ako kahit papano. Sobrang cool ni John. omygash!

"Galing ni John!" sabi ni Paige. Na bilib na bilib pa din.

"Ang hot niya din!" sabi naman ni Eden.

"Ang galing talaga pumili ni Sync" sabi ni Paige. Tumawa na lang ako dahil busy pa din ako kumain ng popcorn.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His PresenceWhere stories live. Discover now