Chapter 1

549 15 0
                                    

Since first day of school ngayon I should be early even though I'm not used to it.

Bumaba na ako at tinungo ang daan papuntang dining area.

As usual, kanina pa ako hinihintay ni Gab.

Gab, my older brother but hindi ko siya tinatawag na kuya kasi trip ko lang :))

Anyways, nasa parking lot na kami ng school and marami na naman ang nakaabang sakanya

Sus, sanay na ako dyan araw-araw na maraming babaeng nakaabang sakanya habang nagtitilian pa.

"Gwapo ko talaga!" Bulong niya sakin. For sure, iniinggit niya ako dahil sa mga fans niya psh as if naiingit ako. Ang ganda ko naman inggitera 'pag nagkataon

Roll eyes lang ang sinagot ko sakanya at humiwalay na

Pumunta ako ng conhall dahil dun namin kukunin ang schedules namin

Oh, great! 8:30 ang start ng klase ko kaya hindi ako mahihirapan gumising ng maaga nito

Habang chinecheck ko yung schedule ko, may pumigil sakin kaya napatingin ako dun.

Si Xander ang playboy ng BMax4

Tinaasan ko lang ito ng kilay at bigla niyang hinila ang bag ko kaya pati ako nadala

"Ano ba!?" Reklamo ko pero binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti at kinuha ang bag ko

Tiningnan ko siya ng masama, pati narin ang mga kasama niya.

Sinubukan kong kunin iyon mula sakanya ngunit hindi ko maabot dahil matangkad siya... Well, matangkad naman ako pero lalaki siya at mas matangkad siya sakin

Napatigil kami ng biglang sumulpot si Grey sa likuran niya at kinuha ang bag ko mula kay Xander

Siya si Grey ang leader ng Grupo nila, tahimik lang na hindi mo mahahalata na siya ang pinakabad-boy sa kanilang apat at napaka mysteryoso niya.

Akala ko ibabalik niya sakin ang bag ko pero binuksan niya ito at nilaglag lahat ng gamit ko.

Psh. Asa ka naman na tutulngan ka niya

Pagkatapos nun, tinapon niya ang bag ko sakin.

Sakit nun ah! Buti nalang at hindi ako pumapatol sakanila kundi mag Wo-World War III

Tumingin ako sa paligid at daming nanonood sa amin.

Yung iba, pinagtatawanan ako.

Yung Iba naman, natatakot dahil baka gagawin rin yun sakanila.

Pinulot ko na yung mga gamit ko mula sa damuhan.

Oo, nasa field kami -.- nakakainis!

First day ng 3rd year highschool ko, sira na! Dahil sa mga moko na iyon!

Gusto kong maiyak, hindi dahil sa ginawa nila kundi dahil napahiya ako sa lahat ng estudyante dito sa school.

Mas lalo nila akong i-jujudge dahil nagpapaapi ako subalit ang kuya ko ay isa ditong Famous na Badboy.

Hindi ko na nailigpit ng maayos ang mga gamit ko at tumakbo sa Comfort room

Pumasok ako sa isang cubicle at doon pinunasan ang kanina ko pang pinipigilan na luha

Lumabas na ako ng cubicle at napatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin

Nakakainis ka Sammy! Bakit ba ang hina-hina mo!? Bakit ba hindi ka pumapatol sa kanila!? Bakit ba nagpapaapi ka nalang dun!? Bakit ba hindi ka nalang tumulad sa kay Gab na isang bully! Ha!?

Love Warning  Where stories live. Discover now