Short Notice (One Shot Short Story)

877 41 11
                                    

Lahat nangyari sa isang iglap.

Walang pasa-pasabi.

Walang padahan-dahan.

Kanina nandiyan lang.

Ilang saglit ka lang nalingat,

Pag-lingon mo,

Wala na.

Everything happened at SHORT NOTICE.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Na bigla lang di ko man lamang nalaman

Na mawawala,

Na bigla lang, di mo man lamang naisip

Na idahan-dahan.

Hindi ako sanay sa biglaan,

Unti unti na lang sanang nawala.

Nakanta pa ko ng isa sa mga kanta ng paborito kong banda habang paakyat ako sa tambayan ko.

Uwian ko na mula sa school kaya diretso na ako sa aking own sanctuary.

Kahit pa gaano ka-steep itong dinadaanan ko, its worth the effort naman.

I finally reached the top.

Here I am, on my sanctuary.

Dahil sa mataas ang part ng lupa na ito, kita ko ang buong city mula dito.

Ang ganda ng over view.

It's the perfect spot. 

Kapag nagpupunta ako dito, lagi kong dala ang aking sketch pad, lapis at charcoal.

Iginuguhit ko kasi ang kagandahan ng lugar na ito.

This is my way of relaxation.

Palagi akong nagpupunta rito dahil tahimik at payapa.

Akala ko ngayong araw ay ordinaryong araw lang.

Akala ko payapang makakapag-drawing ako dito.

Ngunit ng umupo na ko sa usual spot ko, nag-kamali pala ako ng akala.

I saw a young lady.

Una nga akala ko multo kasi naririnig ko yung sobbing na nakakatakot.

Yung tulad sa mga horror movies na yung mga white lady ay umiiyak at humihingi ng tulong.

Pero I knew that she was perfectly a human ng marinig ko ang sigaw niya.

"I HATE YOU!! WALA KANG KWENTA!! SINAKATAN MO LANG AKO!"

Yumuko na ulit siya at narinig ko ang patuloy niyang pag-iyak.

Hindi niya ako napapansin dahil nakakubli ako sa mga puno.

Ayoko kasing may nakakakita sakin na dito ako nag-sstay dahil nga gusto kong payapa ang lugar ko habang nagdo-drawing.

Pero ngayon hindi tahimik ang lugar ko, dahil sa kanya.

Ngayon ko lang siya nakita.

Matagal na akong nagpupunta dito pero ngayon ko lang siya naabutan dito.

Siguro ngayon ang unang beses na nagpunta siya dito.

Gusto lang siguro niyang maglabas ng sama ng loob.

I bet its about her boyfriend.

Yun lang kasi ang tanging dahilan para umiyak ang babae ng ganun.

Short Notice (One Shot Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon