Ako nga pala si Janna A. Dela Torre. Nandito ako ngayon sa labas ng JAD <3 LEC Cafe kung saan nag-sa-summer job si Steve Cruz, ang bestfriend ko. Infairness kakaiba ang pangalan ng café at mag-da-dalawang taon na rin ang café sa katapusan ng April. Hindi siya yung typical name na makikita mo. Bigla kong nakita ang kotseng itim na hari ng kalsada na wagas kung makaharurot na naka-park sa tapat ng Cafe.
Flashback
"Hoy mag-dahan-dahan ka naman!!!" sigaw ko dun sa kotse na hindi man lang tumigil. Kung sino man ang Driver ng kotseng yun, sana mabangga siya! Impakto!
"Uy Couz sinong kaaway mo? Anong nangyari?" si Sofie na kakatawid lang galing sa kanila.
"Eh pano ba naman may kotse na muntik na ako mabangga. Kung makapag-maneho akala mo hari ng kalsada. Kainissss!!!!"
End of Flashback
Ang sarap basagin ng salamin! Pero dahil mabait ako ngayon papalagpasin ko muna ang kotseng yun. Atleast now I know kung saan ko babalikan ang kotseng yun. Hahahaha
Totoo nga ang sinabi ng pinsan ko na si Sofie Chua na girlfriend naman ng bestfriend ko. Sabi niya puro babae ang customers nila. Hindi alam ni Steve na pupunta ako ngayon. Nasan kaya yun? Makapag-tanong na nga lang kay Kuya waiter na nakatalikod.
"Ahm excuse me, Kuya..."
"Yes? Looking for me?" ha? Kapal ha! At sa dami-dami nga naman ng pwedeng pag-tanungan ay ang pinsan pa ni Steve.
"Nope. I'm looking for Steve" sabi ko ng nakangiti
"Ouch! Ang sakit! First time na may nagpunta dito na hindi ako ang hinahanap" bakit walang nabanggit sakin si Steve na nandito pala ang pinsan niya na puro hangin ang laman ng utak
"Well now you know, not all girls are looking for you nor interested to you" nasan na ba si Steve? Hahanginin na 'ko dito dahil sa lalaking 'to
"You know what it hurts? that is the girl you like is looking for other guy, not you"
"Janna?" napalingon ako sa may likod ni Rence "Bespren! bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito?"-Steve
"Para surprise tsaka wala naman akong lakad ngayon eh" buti na lang dumating si Steve
"Order ka na. Anong gusto mo? Bilis libre ko" kaya love na love ko 'to eh
"Kahit ano na lang basta yung masarap ha"
Pumunta na si Steve dun sa kawork niya umorder na ata. Tumingin ako sa ibang customer, napansin ko na sa isang direction lang sila nakatingin, sa may bandang likod ko. Nakatalikod ako sa may cashier kaya nilingon ko. Nag-uusap dun si Steve at si Rence yabang.
Maya-maya pumunta na si Steve sa may harap ko dala na niya yung inorder niya at may kasama siya tsk, Iniabot na niya sakin yung inorder niya.
"Thanks"
"I'm Lawrence" sabi niya sabay abot ng kamay
"I know. Kilala naman kita kaya you don't need to introduce yourself again" ano naman drama ng isang 'to? Matagal na kaming mag-kakilala dahil nga pinsan siya ni Steve pero hindi maganda ang unang pag-kikita namin noon.
"Sige na Bespren! Sign yan ng bagong friendship" tsk bagong friendship? Wala nga akong balak na maging kaibigan 'tong lalaking 'to eh
Pero kahit labag sa loob ko nakipag-shake hands na rin ako for the sake of Steve and Tito. Nagulat na lang ako ng biglang umingay ang paligid dahil sa ginawa nitong Lawrence yabang na 'to. Tama bang halikan ang kamay ko sa harap ng madaming tao. Alcohol please!!! Wala pa naman akong dalang anti-yabang.
BINABASA MO ANG
Summer Love at Cafe
Short Story"In every girls life: there's a boy she'll never forget and a summer where it all began"