Joke #6

70 3 1
                                    


Assignment ni Pedro
Unang pasok ni Pedro sa school at binigyan sila ng limang tanong. Sa bahay nag tanong si Pedro sa nanay niya.

Pedro: Nay anong sagot sa no. 1?
Nanay: PUNYETA KA! MARAMI AKONG GINAGAWA!
Pedro: Salamat Nay. (sinulat ni Pedro ang sagot)

Pumunta si Pedro sa tatay niya na nasa kubeta.
Pedro: Tay anong sagot sa no. 2?
(Tatay niya kumakanta)
Tatay: dun sa kubeta, dun sa kubeta.

Si Pedro pumunta ngayon sa Ate niya na gumagawa ng math assignment
Pedro: Ate anong sagot sa no. 3?
Ate: 50, 60, 70, 80, 90

Sinulat ni Pedro yung sinabi ng Ate niya. Punta siya ngayon sa Lola niya na kumakanta sa karaoke.
Pedro: Lola anong sagot sa no. 4?
Lola: Dahil mahal KITA!!
Sinulat ule ni Pedro ang sagot ng Lola niya.

Pumunta siya ngayon sa Kuya niya na naglalaro ng paborito niyang game in computer
Pedro: Kuya anong sagot sa no. 5?
Kuya: I shall return!
★★★★
Kinabukasan, tinanong siya ng teacher niya.
Teacher: Pedro anong sagot sa no. 1?
Pedro: PUNYETA KA! MARAMI AKONG GINAGAWA!
Teacher: San mo natutunan yan?
Pedro: dun sa kubeta, dun sa kubeta.
Teacher: (Galit ang teacher) Anong gusto mong grade?
Pedro: 50, 60, 70, 80, 90
Teacher: (Galit) Bakit mo'ko ginaganito?
Pedro: Dahil mahal KITA!!
Teacher: Suspended Ka!!!!
Pedro: I shall return

---------
Nabasa ko na to eh gusto ko lang ishare HAHAHAHAH.

Inday JokerWhere stories live. Discover now