I AM A GOOD GIRL NAMAN EH.. PERO SUMUSOBRA KA NA EH! PUNONG PUNO NA TALAGA AKO SAYO! PASALAMAT KA HANGGANG MURA LANG AKO TOWARDS SAYO.. PERO KUNG HINDI BAKA NAPATAY NA KITA! AYOKO NAMAN TONG ILABAS PERO DI KO NA TALAGA KAYA EH! ANG SAKIT SAKIT NA. BUMIBIGAT YUNG KALOOBAN KO SA TUWING INIIPON KO YUNG GALIT KO SAYO.
ALAM KO WE'RE FRIENDS NAMAN NOON PERO NAG-IBA KA NA EH. INIWAN MO KO SA ERE. SABI MO GUSTO MO MUNANG MAPAG-ISA, AAMININ KO, HINAYAAN KITA SA GUSTO MO KASI ALAM KO NA DUN KA SASAYA. SABI MO BABALIK KA, BUMALIK KA NGA PERO IBANG-IBA KA NA! HINDI NA IKAW ANG NAKILALA KO NOON!
HABANG WALA KA. NAGING MASAYA AKO SA PILING NG IBANG TAO. NAGING MASAYA KAMI. ALAM KO BAGO KO PA LANG SILANG NAKILALA PERO IBANG-IBA YUNG NARAMDAMAN KO PAG MAGKASAMA KAMI KAYSA SA NARAMDAMAN KO SA TUWING MAGKASAMA TAYO NOON. KAYA NG SINABI MONG BUMALIK KANA. SINAMAHAN KITA, PERO UMIWAS NA DIN AKO SAYO. DI KO NA MATIIS ANG PAG-UUGALI MO. DI NA IKAW ANG NAKILALA KO NOON NA SI MADISON SAMANTHA NUNCIO!
PERO BALEWALA SAYO ANG PAG-IWAS KO. IPINAGSIKSIKAN MO PA ANG SARILI MO SAKIN, KAHIT ALAM MONG WALA NA TALAGA. KAHIT ALAM MONG WALA NG PAG-ASANG BUMALIK PA ANG DATI NATING PINAGSAMAHAN. KILALA MO KO. PAG-AYOKO NA SA ISANG TAO, WALA NA TALAGA.
NAGPAKATANGA KA PARA LANG MABALIK. PERO DI MO BA NAIISIP NA SAWANG SAWA NA TALAGA AKO SAYO. NAG-UUSAP TAYO, NAGTATAWANAN, NAGBIBIRUAN, PERO KAHIT KAILAN DI PUMASOK SA ISIPAN KO NA BUMALIK ANG ATING PINAGSAMAHAN.
PASENSYA NA OLD FRIEND PERO WALA NA TALAGA EH. WALA NA. KAHIT NA ANUNG MANGYARI WALA NA TALAGA.
PERO TANDAAN MO. DI KO PINAGSISIHAN NA NAGING KAIBIGAN KITA.
-NAVEEN KAILEE SALDUA
BINABASA MO ANG
I'm sorry but we are absolutely DONE!
Short Storysorry to disappoint you pero hindi po to isang story.. ito po ay isang, let's just say kind of diary. pumasok lang po to sa aking isipan kaya tinype ko na lang para di masyang...ahahah sana po magustuhan niyo.. love you :*