Chapter 1

241 3 4
                                        

FRANZYAN'S POV

"Bhie, wait lang!" Napahinto si Aris sa gitna ng ulan, hawak-hawak ang payong habang ako naman ay nakasilong sa ilalim nito. Kaka-uwi lang namin mula school noon, parehong basang-basa kahit may dalang payong. Hindi naman sa wala kaming panggastos para magpahatid sa driver o kumuha ng taxi, pero pareho kaming nagkasundo na subukan ang simpleng buhay estudyante.

Napangiti ako. Hindi niya kailangang gumastos ng malaki para iparamdam sa akin na espesyal ako. Sa mga simpleng kilos niya, alam kong mahal niya ako. Nang makarating kami sa sakayan ng jeep, napansin kong basang-basa na ang balikat niya, samantalang ako'y halos tuyo.

Hindi naman sa wala kaming ibang paraan pauwi. Pwede kaming magpa-pickup sa family driver ko o magpasundo sa kotse niya, pero mas madalas naming gustuhin ang ganito—simpleng buhay. Mas masarap sa pakiramdam kapag pareho naming tinatamasa ang normal na buhay ng mga estudyante.

"Ang arte mo naman, Zyan," pabirong sabi ni Aris habang inaayos ang pagkakasilong ko sa payong. "Kung hindi lang kita mahal, hindi kita ipagpapayong nang ganito."

Napangiti ako. Siya talaga ang klase ng tao na kayang gawing espesyal ang isang simpleng bagay. Nang makarating kami sa sakayan ng jeep, napansin kong basang-basa na ang balikat niya, samantalang ako'y halos tuyo dahil sinigurado niyang nasa ilalim ako ng payong.

"Bhie, ikaw naman ang magpayong. Basang-basa ka na!" reklamo ko, pilit inaabot ang payong sa kanya. Pero ngumiti lang siya, ang ngiting iyon na dahilan kung bakit ko siya minahal.

"Huwag na, okay lang. Basta ikaw, safe at hindi magkakasakit," sagot niya.

Habang nasa jeep, naramdaman ko ang lamig dahil basa ang uniform ko. Walang sabi-sabi, hinubad niya ang varsity jacket niya at isinampay sa balikat ko. "Para di ka lamigin," sabi niya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noon. Hindi siya ang unang lalaking nagpaparamdam sa akin ng pag-aalaga, pero sa simpleng kilos niya, ramdam ko ang sinseridad. He made me feel valued not because of our status, not because of what we had, but because of who I was to him.

Naalala ko rin noong nagkasakit ako isang beses. May exams kami noon, at sinabi kong huwag na siyang dumalaw dahil kailangan niyang mag-aral. Pero hindi siya nakinig. Dumating siya sa bahay namin na may dalang lugaw at gamot.

"Bhie, hindi mo kailangang gawin 'to," sabi ko, halos maluha sa pagkaantig.

"Ang kulit mo," sagot niya habang pinupunasan ang pawis sa noo ko. "Mas mahalaga ka kaysa sa kahit anong exam. I can study later, but I can't just let you feel alone while you're sick."

Ganoon siya—maalaga, mapagmahal, at palaging inuuna ang kapakanan ko kaysa sa sarili niya. At iyon ang dahilan kung bakit ko siya minahal nang sobra. Hindi dahil sa kung anong mayroon siya o kung sino siya sa mata ng iba, kundi dahil sa kung paano niya ako pinahalagahan sa mga simpleng bagay.

Kaya naman ngayong mag-iisang taon na kami, gusto kong suklian lahat ng effort niya. Lahat ng ginawa ko para sa anniversary namin ay hindi lang basta regalo. Ang trip to Europe, ang mamahaling regalo, at ang surprise dinner ay paraan ko para ipakita sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit na ang ibang tao ay nagsasabing masyado pa akong bata para magmahal nang ganito, wala akong pakialam. Alam kong totoo ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero sa isang iglap, nabura ang lahat ng magagandang alaala namin. Nang makita ko siyang kasama ang ibang babae sa mall, lahat ng effort, lahat ng pagmamahal, lahat ng sakripisyo—parang naging wala. Ang taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko, ang taong naniwala akong hindi ako lolokohin, siya rin pala ang unang nagparamdam sa akin kung gaano kasakit ang maloko.

FLASHBACK

Pagkatapos kong mamili ng regalo para kay Aris, masaya akong dumaan sa isang high-end boutique para bumili ng damit na isusuot ko sa espesyal na date namin. Pinili ko ang pinakamaganda at pinakamahal na damit, isang eleganteng silk dress na kulay champagne, bagay na bagay sa first anniversary naming dalawa. Sa isip ko, gusto kong maging perpekto ang lahat. Hindi ako nagdalawang-isip gumastos dahil mahal ko siya. Mahal ko siya nang higit pa sa sarili ko. At kung kaya kong bilhin ang kaligayahan namin, gagawin ko.

Pagkatapos ng shopping, pinlano ko na rin ang dinner namin sa isang five-star hotel. Hindi ko maipaliwanag ang saya habang iniisip ko kung gaano kasaya si Aris kapag nakita niya ang lahat ng ito—ang mga regalong pinag-isipan, ang mga detalye ng sorpresa. Pinangarap ko pa nga na baka sa sobrang saya niya, yayakapin niya ako at sasabihing ako na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Bumili rin ako ng tiket para sa isang trip to Europe na nakatakda sa susunod na buwan. Mahalaga sa akin na maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. Lahat ng ito, ginawa ko para sa kanya. Para sa amin.

Pero ang kasiyahan ko ay agad na napalitan ng matinding sakit nang makita ko siya sa food court ng mall. Nakita ko siya, kasama ang isang babae na nakasuot ng mamahaling damit, na parang gustong ipakita sa lahat na siya'y galing sa pamilya ng mayaman. Ang babae'y tumatawa, malanding hinahawakan ang braso ni Aris, habang si Aris naman ay nakangiti nang hindi ko pa nakikita mula sa kanya—isang ngiti na hindi niya ibinibigay sa akin kahit kailan.

Sa una, akala ko'y namamalik-mata lang ako. "Imposible," bulong ko sa sarili ko. Hindi siya pwedeng nandito. Sinabi niyang nasa bahay siya kasama ang mga pinsan niya. Pero nang makita kong hinawakan niya ang kamay ng babae, at hinalikan ito sa pisngi na para bang walang ibang tao sa paligid, tuluyang nabasag ang mundo ko.

Tinawagan ko siya habang nanonood ako mula sa malayo. Sa kabila ng luhang nag-uunahan sa mga mata ko, umaasa pa rin akong may maipapaliwanag siya. Pero hindi. "Nasa bahay ako, bhie. Kasama ng mga pinsan ko," sabi niya. Napakasinungaling. Ang bawat salita niya ay parang tinik na tumutusok sa puso ko. Pinatay ko ang tawag, tumayo, at nagdesisyong lapitan sila.

Habang papalapit ako, parang may sariling buhay ang mga paa ko. Nanginginig ako, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit at sakit na hindi ko na kayang itago. Nang nasa harapan na nila ako, kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Aris. Mabilis niyang binitiwan ang kamay ng babae, pero huli na.

"So, ito pala ang 'kasayahan' mo sa bahay kasama ang mga pinsan mo? Ang maghalikan at magyakapan dito sa mall? Wow, Aris. Ang galing mo!" Sigaw ko habang umiikot ang paningin ko sa galit. Hindi ko na inalintana kung sino ang makakarinig o makakakita.

Humarap siya sa akin, nanlalaki ang mga mata. "Z-Zyan, hindi ito—hayaan mo akong magpaliwanag!" pautal niyang sabi. Pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon.

"Pak!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanan niyang pisngi. Hindi pa ako nakuntento. "Pak!" Sinundan ko agad ng sampal sa kaliwang pisngi niya.

Lumapit ako sa babae, na mukhang nabigla rin. "And you!" sabi ko habang tumutulo ang luha ko. "Hindi ba tayo magka-schoolmate? Alam mong boyfriend ko siya, pero nagawa mo pa rin 'to? Ang kapal ng mukha mo!"

Sinampal ko rin siya. Ang tunog ng palad ko sa mukha niya ay parang musika sa tenga ko kahit na alam kong wala itong mababago sa ginawa nila sa akin. Napahiya siya at hindi makapagsalita. Ang yabang at kumpiyansa niya kanina ay naglaho.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag!" sigaw ko habang iniwan silang pareho. Ang lahat ng mata sa mall ay nakatingin sa amin, pero wala akong pakialam. Wala na akong pakialam sa kahit ano.

Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko, dala ang lahat ng regalong binili ko. Binagsak ko ang mga ito sa kama, tinitigan, at doon ko napagtanto kung gaano kalaki ang pagmamahal na ibinuhos ko sa isang taong hindi naman marunong magpahalaga. Ang bawat luha na tumulo mula sa mga mata ko ay parang apoy na nagpapalakas sa desisyon ko—hinding-hindi ko na muling hahayaang lokohin ako ng kahit sino.

Sa gabing iyon, nasaktan ako nang husto, pero natutunan ko rin ang pinakamahalagang leksyon. Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo, at hindi lahat ng tao ay karapat-dapat sa sakripisyo. Ang dating Franzyan Leah Marie Castillo na masayahin at puno ng pangarap para sa pag-ibig, unti-unting namatay. At sa lugar niya, isang bagong Franzyan ang nabuo—isang babaeng hindi na muling magpapakatanga para sa maling tao.

COLLIDING HEARTS: THE START OF US (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon