May dalawang magka-ibigan ang naglalakad sa desyerto.Sila si Daniel at Kathryn..
Sa kanilang patuloy na paglalakbay, hindi talaga nila maiiwasan ang away at iringan sa isa't-isa ..
Isang araw nasampal ni Daniel si Kathryn dahil sa kakulitan nito at medyo pagkajoker na rin ...
Hindi kumibo si Kathryn sa ginawa ni Daniel sa halip may isinulat siya sa buhangin na tumutulo ang luha ngunit nakatawa .
“ Ngayong araw na to, sinampal ako ng BESTFRIEND ko”.
Patuloy lamang silang dalawa sa paglalakad hanggang sa nakakita sila ng Oasis na kung saan naisipan nilang maligo.
Sa kanilang pagliligo , malapit mamatay si Kathryn dahil nakalimutan niyang hindi pala siya marunong lumangoy .. Marami siyang nainom na tubig ngunit sinagip siya ni Daniel ..
“Ngayong araw na ito, isinalba ng BESTFRIEND ko ang aking buhay”.
Dahil sa ginawa ni Kath , tinanong siya ni DJ ..
“Matapos kitang saktan, nagsulat ka sa buhangin at ngayon, nagsulat ka sa bato, Bakit?”
Sagot naman niya:
“Kapag may nanakit sa atin, kailangan natin itong isulat sa buhangin na kung saan ang hangin ng kapatawaran ay maaring magbura nito. Pero, pag ang isang tao ay may ginawang mabuti sa atin, dapat iukit natin ito sa isang bato para walang ni isang hangin ang makakabura nito”