1.

41 1 0
                                    


Alex Pov.

"Nay Luseng ano po niluluto nyo." Maaga ako nagigising para tulungan si Nanay luseng sa pag hahanda ng umagahan, Alas kwatro palang ng umaga bumabangon na ako ayaw ko kasi ng walang ginagawa pag umaga, parang exercise ko na din.

"Naku iho, Magandang umaga, Alam ko namang favorite mo ang tilapia, kaya sinarsyado ko na ito, sayang naman di naubos kagabi." Litanya nya sa akin ng makalapit ako sa kanya, Si nanay luseng halos sya na ang kasama ko hanggang lumaki ako, siya na ang alaga sa akin, kaya mahal na mahal ko ito, ni minsan di ko sya tinuring na yaya ko. Mas tinuring ko syang tunay na magulang ko. Sobrang busy kasi ang magulang ko sa kanilang trabaho pati na din sa mga anak nila, Oo hiwalay ang Mama at Papa ko, may kanya kanya na silang pamilya.. simula ng mag kahiwalay sila nag iba na sila ng bahay, umalis si mama at sumama sa bago nya ngayun may anak silang isang babae, Si papa nman umalis din dahil ayaw tumira ng bago nya dito sa bahay kaya kumuha sila ng bagong bahay may dalawa naman silang anak at parihas lalaki. Anim na taon palang ako nun ng mag kahiwalay sila, pinag kasundo lang daw kasi sila, kaya di nila mahal ang isat isa. Kaya ng mamatay ang magulang ni papa dun na sila nag kasundo ng mag devours, Ok naman sila ng nag kahiwalay sila nadaan sa usapan at walang away na nangyari. Minsan dumadalaw sila sa bahay para bigyan Ako ng pera at kamustahin, sanay na ako sa set up na ganun. Pero di ko pa din maiwasan na malungkot at maiinggit, dadaan ang karawan ko o kahit ang pasko na di ko sila kasama, minsan mag isa lang ako o kaya sinasama ako ni nanay luseng ss probinsya nila para sa kanila ako mag pasko o bagong taon. Nalulungkot man ako pero tinatatagan ko ang sarili ko kahit papaano nandyan naman sila nanay luseng at tatay berto. Kaya masAya na ako sa anung meron sa akin.

" Namimiss mo sila iho" Bigla ko nalang kasi niyakap si nanay luseng,.

" Luto na po ba yan ,mag hahanda na po ako ng plato sa lamesa tatawagin ko na din si tatay berto" pag iiba ko ng usapan namin, kahit gusto kong  sabihin na miss na miss ko na magulang ko ayaw ko ipahalata ayaw ko kasi ng kinakaawaan ako.

" Oo iho, segi at mukhang gutom na gutom na alaga ko hahaha"

" Si nanay talaga, segi po"

Kumuha na ako ng tatlong plato para sa amin nila nanay luseng at tatay berto. Habang inaayus ko ang hapag kainan, di pa din mawala sa isip ko mga masasayang alala namin ng magulang ko, sabay kami kumakain nag haharutan at mga luto pa ni mama. Bago pa man tumulo luha ko winaglit ko muna sa isip ko iyon, At tinanim ko sa isip ko na sanay na ako, kaya lumabas na ako at pumunta sa garahe para tawagin si taty berto.

" Tatay, mamaya na po yan nakahanda na po ang almusal" tawag ko sa kanya, nasa ilalim kasi sya ng kotse at may inaayus nanamn dito, ewan ko ba kay tatay berto bakit nya lage to inaayus eh ok na ok pa nman ito.

" Ang aga mo naman magising anak, Natutulog ka pa ba." Pabiro ni tatay berto sa akin, Ganyan talaga yan lage nakikisabay sa mga teen ager haha.. Kahit na nasa edad na 50 na eh kung umasta mas bata pa sa akin.

" kayo talaga tay berto, ayan nanamn pag ka teenager nyo haha. " natawa nalang kaming dalawa habang nasa ilalim pa sya ng kotse.

" ano po ba inaayus nyo dyan mukhang ok na ok pa namn po ang sasakyan tay" tanong ko sa kanya lage ko kasi napapansin na sa tuwing umaga o kaya hapon lage nalang may kinukulikot sa sasakyan.

" Ok pa nman talaga ito anak ,gusto ko lang na makasigurado na mas ok pa ito. Parang love lang yan anak, kahit mag kasintahan na kayong dalawa dapat nililigawan mo pa din siya. " hahaha talagang si tatay humugot pa talaga. Ganyan siya eh, kaya sobrang saya ko kasi silang dalawa ni nanay luseng ang kasama ko sa bahay.

" kayo talaga tay, humugot pa talaga kayo, Tara na po baka lumamig na ang pag kain. Kayo din baka iwan kayo ng kasintahan nyo pag lumamig na kayo." Hahaha sinabayan ko ang pag huhugot ni tatay

Gwapo meet PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon