"Johann promise mo sa akin na hindi mo ako kakalimutan ha. Tas babalik ka ha." sabi ng batang babae habang naka-upo sila sa swing. Pinayagan sila ng kanilang mga magulang total malapit lang naman ang mga ito sa kanila."I won't promise Marie but I'll try." Bigla nyang hinalikan sa labi kaya naman napatitig ang batang babae.
"Why did you kiss me on my lips. Sabi ni Daddy hindi pwede sa lips sa pisngi lang pwede. Lagot ka kay Daddy pag nalaman nya to." tinuturo ni Marie si Johann gamit ang hintuturo nito.
Malaking ngiting ang ibinigy nito. "You're my first kiss Marie and I'm lucky with it."
"Johann...Marie hali na kayo. Magpapa-alam na si Johann at ang parents nya Marie." Agad namang lumapit ang dalawang bata hawak nila ang kani-kanilang kamay.
"Bess please take care always. Hindi ko alam kung makakabalik pa kami dito. Si Marco kasi gusto nya na dun kami tumira sa Canada kasama nya. Kung pwede lang sana na dito nalang kaming lahat. Bess balitaan mo ako palagi ha. Wag mo akong kalimutan." Nag-iiyakan naman sila.
"Oo bess. Mag-iingat kayo ha. Johann magpaka-bait ka ha. Wag kang magpasaway sa Mommy mo." Bilin nya sa bata.
"Opo Tita." Magalang na sagot nito.
"Bess andito na pala ang sundo namin. Magpa-alam ka na Johann sa Tita mo at kay Marie."
"Bye tita. Bye Marie. I hope we will meet again." hindi mapigilang umiyak ang bata. Nanatiling nakatitig lang ang batang habang tumutulo ang luha nito. Nakatingin lang sya sa batang lalake na papasok sa loob ng kotse.
Nagsimulang umandar ang kotse. Tumakbo si Marie habang sinusundan ang kotse. Sinundan naman sya ng kanyang ina baka masagasaan ng kotse.
"Mama... hi---hi--n--di na ba ba---lik si Jo---h--an." Umiling naman ang ina. Patuloy lang umiiyak ang bata habang karga ng kanyang ina hanggang sa makatulog ito sa kaka-iyak.
Makalipas ang isang taon walang Johann ang nagparamdam sa kanya. Pati sa 5th birthday nya walang iniwan na message kahit i greet lang sya ng happy birthday. Sumunod na taon dumating ang kanyang 6th birthday. Tuluyan nyang kinalimutan si Johann at nakipag-kaibigan sa ibang bata hanggang sa dumating ang malaking problema nila. Binawian ng buhay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa hindi alam ng kanyang ina kung paano palaguin ang negosyo unti-unti itong lumugi kaya binenta nya ang lahat ng shares ng kompanya. Pati na ang ala-ala ng kanilang bahay.
Umalis sila sa dati nilang tinitirahan na walang iniwang bakas at bumili ng sariling lupa at pinatayuan ng bahay. Masaya naman sila sa kanilang munting tahanan. Muling nagturo ang kanyang ina sa isang public school ng elementary kung saan dun din nagtapos si Marie.
Nang tumuntong sya ng high school, she pursue to have a good grades. Nakipagkaibigan sya. Minsan sya ang gumagawa ng assignment ng kanyang mga kaibigan para lang hindi sya mawala sa grupo. Sya pa ang bumibili ng mga pagkain ng mga ito hanggang sa di na nya nakayanan. Umiwas na sya dahil sa hindi nya matanggap na ginamit lang sya.
Dun nya naramdaman na walang gustong makipag-kaibigan sa kanya dahil sa kanyang itsura.
BINABASA MO ANG
Marie Annie
Romance"I know it's you. I can feel that it's really you." he said without blinking.