8.) PRINCESS' POV

16 0 0
                                    

(princess)

"Princess, may nalaman ako!" bulong sa akin ni Aryx.

Baka kalokohan nanaman nasa isip netoh.

"ano naman yun? don't play pranks with me! sanay na ako sayo!" sabi ko as I rolled my eyes.

"teka! wait lang. wag kang maingay. secret lang toh. may nakita ako!" sabi niya na pabulong parin.

"ano naman yun? kinalaman ko ba diyan?" sabi ko.

"pwedeng makinig ka na lang. may kinalaman ka dito no. sasabihin ko ba sayo kung wala ka namang kinalaman ?" pilosopo niyang sabi.

"O sha. sige na! gora! " sabi ko.

"May gusto sa'yo si Francis!" pabulong niyang sabi na ikinagulat ko naman.

"ha? bakit naman?" sabi ko. napalakas ko ata.

"ssssshhhhhhh! wag ka ngang maingay." sabi niya.

"hindi yan totoo. Yung babaerong yun? yung sinasabihan akong Tomboy? may gusto saakin? paki explain nga. " sabi ko.

"AT! paano naman yun kung ang tingin niya sa akin ay tomboy ha?!" dagdag ko.

"malay ko ba! basta, crush ka niya!" yun na lang sabi niya.

"hoy! teka nga! Bakit naman ako maniniwala sayo?" pagtatanong ko sa kanya.

Walangya! pinagloloko lang ako ng taong to!

ugh!

"ayaw mong maniwala!?" sabi niya.

"ayaw na ayaw!"

"Nakita ko lang naman yung picture mo na stolen sa wallpaper niya!" sabi niya sabay smile.

"weh ? di nga?"

"bahala ka diyan kung ayaw mong maniwala! " sabi niya.  "bagay pa naman kayo!" dagdag niya.

"anong sabi mo!? anong bagay?" naiinis na talaga ako ha. Anong gusto niya? ipagsigawan  ko sa kalooblooban ng eardrums niya na SIYA ANG GUSTO KO AT MATAGAL NA!

"Bagay na bagay kayo ni Francis noh! diba!? uuuuy! aminin mo na ! may crush ka rin sa kanya!" Ayun kumanta na ang panget.

UGH!

ang sakit lang! Yung crush ko pinamimigay na lang ako sa iba?

"tumahimik ka , ARYX! " sigaw ko at lahat ng mga kaklase namin ay napahinto kung anuman ang kanilang ginagawa at napatingin sa amin.

"Uyy! LQ!" pagsisigaw ng mga kaklase namin na walang kupas.

wala na akong magawa kundi umupo sa upuan ko at magmukmok dito.

ugh

(poke poke)

"Ano ba?" pagsusungit ko

"Okay ka lang?" Hay naku si Aryx nanaman.

minsan nga natatanong ko sarili ko. bakit siya pa!? siya na mas manhid pa kesa sa bato!? ugh!

"okay na okay!" sabi ko na may halong dabog.

"Sorry na! hindi ko na uulitin!" Pagsosorry niya.

"Okay" sabi ko. as in flat na flat. bitter na bitter.

"Alam mo, ang dali mo lang mapikon! pero totoo naman talaga lahat ng sinabi ko na ang wallpaper ni Francis ay stolen pic mo!" sabi niya.

"Wala akong pake! ewan ko sa lokong yan! magsama kayo!" sabi ko .

"Bahala ka diyan! boto ako sainyo!" sabi niya sabay smile.

Ewan ko kung bakit ako nasasaktan na hindi naman dapat!

Naiiyak ako e.

tinago ko mukha ko sa mga palad ko.

Umiiyak ako dahil sa taong wala namang pakialam sa akin.

ang hina ko kasi pag siya na ang kumukontra sa pagkagusto ko sakanya. siya na mismo ang nagpakita saakin na, tumigil na lang ako.

Gusto ko na ngang tumigil eh, pero etong leshe kong puso, humaharang parin sa mga plano ko.

Ang sakit sakit na! ayoko na!

ayoko na sa kanya!

nang saganon , maging malaya na ako at maging masaya narin si Sandy.

I'll do this for me and for my bestfriend .

Ayoko ko na , diary , tulong naman diyan o. ikaw na bahala sa life ko.

PRINCESS ♥

KHAPS generationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon