Chapter 1

2 3 0
                                    

Chapter 1:Revenge
(A/N): lahat ng pangyayari dito ay walang kinalaman sa totoong buhay.Kathang isip lang ang lahat.

~~

"uuuwwaaahhhh!!!!!"sigaw ko dahil nakakita ako ng  malaking aso sa daan..

gabi na at naglalakad na ako pauwi galing sa school.Hindi ko maipagkakaila na matatakutin ako.Nanlalambot ang tuhod ko dahil sa gulat sa letcheng aso na yon.Mabuti na lang at malapit na ako sa amin...

Sa takot ko ay hindi ko alam kung paano ako nakauwi at nakabihis pangbahay na.

"Cherry Lyn Diyas!!!!"sigaw sa akin ni mama na nasa baba.

Sa lakas ng boses ni mama,kahit na nasa taas ako ay dinig na dinig ang boses nya...ramdam ko din ang pangamba sa sigaw niya.

Hanggang 2nd floor ang bahay namin.At nasa 2nd floor ang  kwarto ko.

Habang bumababa ako sa hagdan ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakaramdam ng kaba.

Parang nais kong bilisan ang lakad ko ngunit nanlalambot ang tuhod ko sa kaba dahil nga matatakutin ako.

Hindi pa ako lubusang nakakababa ng biglang may humablot sa akin at tinalian ang kamay,paa at bibig ko.

Hindi ko napansin na may tao pala na nakaabang sa ilalim ng hagdan.
Ngayon hindi ko magawang sumigaw dahil may tali ang bibig ko.Nakaramdam ako ng hapdi sa braso na parang may itinurok na gamot sa akin.

Bago bumigat ang talukap ng mata ko ay nakita ko na nakatali din ang bibig,kamay at paa ni mama.Wala na akong nagawa hanggang sa lumabo na ang paligid at hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari.

someone's POV.

nakita ko kung ano ang nangyari sa loob ng bahay ng kapit bahay namin.

natakot akong humingi ng tulong at ayokong madamay sa gulo nila.Kaya minabuti kong ipagsawalang bahala ang nangyari.

Cherry's POV.

Naidilat ko na ang mata ko at nasa loob kami ngayon sa isang lumang kwarto.Maraming lumang gamit at maraming sapot ang bumabalot sa kisame.

Hindi ako mapakali dahil napaka daming lamok at nakatali ang kamay ko kaya hndi ko makamot ang pantal.

Si mama,hanggang ngayon ay wala pang malay.Sa pagkakatanda ko ay sinubukan n'yang manlaban ngunit wala siyang nagawa dahil masyadong maraming lalaki ang nagtutulong-tulong na itali siya .Sa tantiya ko nasa limang tao ang kumuha sa amin.

"anong gagawin natin dito boss?"
dinig kong pag uusap ng mga lalaki sa labas.

"diba may kasalanan ang ama nyan sa'yo?"dinig kong sabi ng lalaki na sa tingin ko ay ang  tinutukoy nilang boss.

"ibig sabihin ako na ang bahalang  mag pahirap sa mga yan?"tanong ulit nung lalaki.

"oo,gawin mo lahat ng gusto mo?"sabi ng boss nila at wala na ulit akong narinig na pag-uusap.

nakakatakot isipin na baka dito na nagtatapos ang buhay namin ni mama.Pero ano naman kaya ang atraso namin sa mga lalaking ito?

napangiwi ako ng gapangan ako ng malaking gagamba sa binti.Wala akong magawa kundi ang titigan ito.Sinubukan ko din na ipagpag ang binti ko pero walang epekto.

nagulat ako ng may nagbukas ng pinto at lumabas ang isang lalaki na may takip ang mukha at mata lang ang naka labas.

"ano,masarap ba sa loob ng kwarto na ito?"sabi nung lalaki na nakangisi pa.

hindi ako makapag salita dahil may takip ang bibig ko.

"Ganyan ang naranasan namin sa kamay ng ama mo!"sambit ulit nung lalaki na may halong galit.

nagulat ako ng may isa pang lalaki ang pumasok.

"pre,sabi ni boss,dalin mo daw yan sa labas at doon mo pahirapan."
malakas na sabi ng kapapasok lang na lalaki.

si papa?matagal nang patay si papa.Anong kasalanan ni papa sa kanila?...

Isa lang ang masasabi ko.Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa aming dalawa ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind that Innocent LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon