Chapter 2: Meet the band
Pagkatapos ng klase tinext ko kaagad si Austin para sumabay kumain. Naglakad lakad muna ako sa buong campus para kabisaduhin ang pasikot sikot dito.
Dumaan ako sa may parke ng school, ibang iba ito sa school namin dati. Napakalawak at magaganda ang mga pasilidad, pang mayaman nga talaga ito. Sina Austin, ang manager nila ang nagbabayad ng gastusin nila rito. Maging sa damit na susuotin hindi sila pwedeng umulit, baka maisip ng mga tao na naghihirap sila. Tsk showbiz talaga.
Pumunta ako sa isang pader doon na napaka raming kulay, mga papel na kung ano-ano ang nakasulat. Tila mga love letters ito, pero di pa naman February ah? Simula palang ng pasukan.
Baka ito yung Freedom Wall nila? Binasa ko ang isa sa mga nakasulat.
Dearest Austin,
Alam ko hindi mo ako kilala but I know you very well. Do you know that everytime you smile it makes my heart beats fast? My world go round? Aww Austin. Please notice my love for you :*Your Girlfriend-to-be,
Anthony (Athena) RomualdezWtForever?! Pfffft pati pala kabaklaan nahumaling sa panget kong kapatid. Meron ding sulat kay Nathan at kay Levi at Drew na hindi ko kilala. Halos karamihan ay para sa kanila. Well, siguro dahil sikat sila? Naghahanap ako ng iba pang babasahin ng mahagilap ng mata ko ang napaka laking papel. Bakit di ko agad to napansin kanina?
Dale,
Happy Anniversary Babe :* I love you so muchh! Punta ka sa condo later *wink emoticon*
From your Girl,
AbegailDale? Possible kayang... No. Hindi siya to. Nasa Amerika na yun diba?
Hayss. Bakit ko nga ba siya iniisip? Tss.Naramdaman kong may tumutulong tubig galing sa itaas.
"SHIT" Umuulan.
Tumakbo na ako at biglang may nabunggo ata akong isang tao.Sabay kaming napa upo sa sahig. Nag sorry naman yung lalaki at inabot ang kanyang kamay upang tulungan akong makatayo. Pero di ko ito kinuha at hindi siya tiningnan. Napa 'tsk nalang ako at tumayo. Basa at madumi na ang suot kong uniform. Mukhang minamalas yata ako ngayon. Uwi nalang kaya ako? Kaso may klase pa ako mamaya, nakakainis.
"Kyle?" Sabi nong nabunggo ko. Anong Kyle?
"Nagkakamali ka po di Kyle pangalan ko " Inayos ko ang pagkakatayo at tiningnan siya.
fcksht
"Dale?"
--------
"Huy Athena nguyain mo naman! Mabulunan ka dyan sige ka" bulyaw ni Nate habang kumakain kami sa isang karinderya. Ayaw ko kasi sa canteen, maingay yung mga fan girls nila. Sumang-ayon naman sila Kuya at Nate kaya dito nalang din sila kumain.
"Tinatamad ako" Makakanguya ka pa ba ng maayos pagkatapos ng nangyari kanina? Ayoko na pumasok sa school! Uuwi na ako!
"Wow grabe bunso ang arte arte, porke nakita mo lang si Da--"
"SHUT UP!" sigaw ko. Ayaw ko marinig ang pangalan niya.
"Hala ka bro" sabay tawa naman nilang dalawa. Kahit kailan talaga tong mga panget na to'.
Nakakainis kasi bakit ba siya nandito? Tapos yung pag uusap namin kanina. Urgggh! I hate him!
Flashback
"Dale?" Ghad. Si Dale nga
"Why are you here?" Tanong ko.
"Huh? Why am I here? Diba dapat ikaw yung tatanungin ko niyan? Ikaw? Why are you here? Are you stalking me, Kyle?" Ngumiti siya ng nakaka loko.
"Stalking you? Talaga lang ha? Malay ko bang dito ka nag aaral. Edi sana sa kabilang university nalang ako pumasok" Asar. Stalking him? Mukha niya! Hindi porque nag mature na yung mukha niya at lalaong gumwapo ay gaganyanin niya na ako.
Lumapit siya sa akin at siyang pag atras ko naman "You really hate me that much eh? Well, dont worry hindi narin naman kita gusto. See that?" Sabay turo niya sa papel na binasa ko kanina "Thats the evidence that Im over you, pagkatapos mo akong pahiyain? Dito ka ba para sabihin sa akin na nagkamali kang iniwan at pinahiya mo ako?Hahaha Sorry, hindi na kita matatanggap" Im over you? Kaya siya lumapit para sabihing Im over you? wtfck!
"Mas lalo naman ako no! Mas matagal na akong naka-move on sayo." sigaw ko.
"Move on? Wait, so youre telling me na nagkagusto ka rin sa akin? Nagpakipot ka pa Hahaha Alam mo sana di ka nalang nagpakita eh, para hindi ko na ulit naalala yung ginawa mo sa akin. You hurt my feelings." What? Paano nalang yung naramdaman ko noon.
"Hindi lang naman ikaw ang nasaktan. Tsaka nakaganti ka naman diba? I was expelled after you left the school. Halos lahat ng estudyante doon pinagbabato ako ng kamatis, pinagpapalo ng tubo, pinagsasabihan ng kung ano ano, okay lang sana yun eh na ako lang yung sirain nila. Pero si Mary? sinira nila si Mary!" hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak. "My life was ruined. Hindi pa ba sapat yun para m-mapatawad mo ako?" Kitang kita ko sa mga mata niya na he was shocked.
"T-teka? Si Mary?"
"Yes. Sinira nila yung nag-iisa kong gitara. Yung binigay sa akin ng tatay ko. Sabi mo sa akin hihiramin mo lang. Hindi ko alam na way mo yun para makaganti ka sa akin." Ang sakit sakit. Iyon na lamang ang nagsilbing ala ala saakin ni Papa nawala pa.
"Hindi ko alam. Pinahatid ko lang kay Sabrina yun dahil sabi niya- Sht! Im sorry hindi dapat ako nagtiwala sa kanya. Sorry" Niyakap niya ako pero agad akong nakawala.
"Okay lang. Tapos na. Wala na siya." Naglakad na ako palayo na sa kanya ng may nakalimutan ako. Nilingon ko siya "Nga pala Dale, dont worry. Di ko na ulit guguluhin ang buhay mo, sorry ulit at congrats sa inyo. "sabay turo ko sa wall at ngumiti. But deep inside, it still hurts. Akala ko magiging okay na kapag nakita kami ulit, pero mas lalo lang pala akong nasaktan.
****
"Bro text mo nga yung dalawa ang tagal naman nila" sabi ni Austin kay Nate. Napaka ingay nila. Minsan mapapaisip ka nalang kung ano ba talaga kasarian nito eh."Wala dito phone ko, iniwan ko sa bahay. Nakaka-inis kasi ang dami nanamang nakaka-alam ng number ko" sabay tingin sa akin "Ikaw ba Kyla may dala ka?"
"Yes. Pero walang load."Bored kong sagot. Nakaka umay kumain kapag nandito tong dalawa."Manang Lily i-take out ko nalang" tumango naman yung may-ari ng kariderya.
"Ano ba yan! Benta niyo nalang phone niyo ng mapakinabangan naman" pang aasar ni Nate
"Palibhasa mayaman, Aling Lily paload nga ho Alltext 10" Sabi ni Austin.
"Pre yung totoo? Naghihirap na ba kayo? Kakasweldo lang natin kay manager ah? Ako nga rin po 500, ako nalang tatawag sa dalawa"
"Mahal ang bilihin ngayon Nate, kailangan nagtitipid. Buti ka mayaman na" Tumawa nalang si Nate at may kinausap sa iphone niya. Hingi kaya ako ng pera dito minsan galante raw to eh, o baka cellphone nalang na bago.
"Bro, Asan na kayo?--Asa!--Oo, dito sa tambayan--Ggo bro, may practice mamaya--Okay--Sige" Patakbong bumalik si Nate papunta sa amin ni Kuya. "Malapit na sila."
Tumango naman si Kuya at nagpatuloy sa pagkain. Sinong sila?
"Huy Kuya, Sino ba yun?" Nakaka-curious.
HOOOOOOOOOOOONK
Nakakagulat naman tong mga dumating! Kung maka busina para bingi yung mga tao sa paligid. Bumaba ang dalawang lalaking sakay ng kotse at pumunta sa amin. Parang mga artista.
"Sila yung tinawagan ni Nate. Kabanda namin. Ito si Drew (turo niya sa lalaking blonde ang buhok) at ito Si Levi (turo nioya sa lalaking kulot ang buhok). Oo nga pala bunso, sa bahay muna sila tutuloy kasi inaayos pa yung condo na titirhan namin" Inilahad naman nila ang kanilang kamay at nakipag kamay rin ako. Sila yung nasa Freedom Wall. Sila yung makakasama ko sa bahay. Sila yung ka-banda ni Kuya. Sila yung tinatawag na The Tide.