MESSAGE IN A BOTTLE [ONE SHOT]

617 20 10
                                    

A/N:

© 2014  PinkKitten

Plagiarism is a crime.

Any resemblance to actual events or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Thanks for reading bebe. <3

Hearts everywhere.

-- ----- --- - --

"Nandito ka na naman Iho."   tanong sa akin ng katiwala nitong resort.

Hindi na siya nasanay lagi naman ako nagpupunta rito.

"Opo. Pasensya na po kung hindi ako nakakapagpaalam sa inyo bago pumasok."  hinging paumanhin ko na lang.

"Basta Iho kapag nandito na ang mga amo ko hindi ka muna maaaring pumarito ha."  pakiusap sa akin ng matanda.

"Opo Tatang. Salamat po."   sabi ko sa matanda bago ito kiming ngumiti at umalis.

Nakagawian ko ng magpunta rito sa resort tuwing dapit-hapon, magi-gitara at maglalakad lakad.

Payapa at tanging hampas lang ng alon ang nagsisilbing musika para sa akin.

Nakakagaan kasi ng pakiramdam ang tanawin.

Isang malawak na karagatan na tila ba walang hangganan.

Sana ganoon rin ang buhay.

Walang hangganan.

Walang katapusan.

Ang paglubog ng araw ang nagsisilbing indikasyon na tapos na ang isang araw.

Ang araw na para sa iba ay kasiyahan samantalang sa akin araw na puno ng pangungulila.

Pighati.

Pagod.

Pagsuko.

Yan lang ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Hanggang kailan ako magagalit sa mundo.

at Hanggang kailan ko mararanasan ang lahat ng 'to.

Bakit ako pa?

"Aray." sigaw ko ng may matapakan na matigas na bagay.

Panira naman 'to ng moment.  Hinanap ko ang bagay na natapakan ko nakakubli ito sa mga buhangin kaya hindi ko napansin.

Isa itong bote. Bote na may sulat sa loob to be exact.  Wow. Uso pa pala 'to.

Kinuha ko ang bote. Hindi naman siguro masama na basahin ang laman nito diba.

---- ---- ----

"Honey where are you."   tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

"Honey where are you."   tawag niyang muli.

"Sweetie I'm here."  pagsisiguro ko sa kanya.

"I'm here"  agad ko siyang niyakap upang masiguradong nasa tabi niya ako.

"Why are you crying sweetie."  nagaalalang tanong ko sa kanya.

"I'm scared."  turan nito sa pagitan ng mga hikbi.

"I'm here. You don't have to be scared."  pagsisiguro ko sa kanya.

Hinaplos niya ang mukha ko gaya ng parati niyang ginagawa. Tila ba kinakabisado ang lahat ng detalye nito. Mula tenga, ilong hanggang sa labi.

"Though I'm not the perfect girlfriend God knows, that i'm doing my best. I'm sorry for not being there when you needed me.I thank God that I have found a man like you. You show your love to me everyday.  You make me feel so important; you're everything to me. I love you Honey, always keep that in your heart and mind"  malambing na tugon nito.

MESSAGE IN A BOTTLE [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon