Sorry For Making You Mine

53 0 2
                                    

Written Date and Time: January 8, 2017 (2:13 PM)
Finished Date: On-Going

<=Casting:=>

Shy Carlos as Mauia Shannen Littman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shy Carlos as Mauia Shannen Littman

Shy Carlos as Mauia Shannen Littman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Vini Uehara as Vin Hermosa  

Sue Ramirez as Annica Sigrist

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sue Ramirez as Annica Sigrist

Logan Lerman as Trace Wallace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Logan Lerman as Trace Wallace

Ronnie Alonte as Klaus Littman 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ronnie Alonte as Klaus Littman 

<=Introduction:=>

In love, may mga bagay tayong nagagawa na hindi natin alam ay posible palang mangyari sa realidad. May mga hindi tayo inaasahan na bagay na mangyayari. May mga desisyon tayong hindi na natin naiisip kung tama ba o mali, kung makakabuti ba ito o makakasama, kung makakaapekto ba ito ng malaki o hindi.

At dahil nga sa katagang 'Nagmahal lang naman ako', may mga pagkakataong hindi na tayo nakakapag-isip ng tama dahil naiipit tayo sa isang sitwasyong alam na alam nating hindi natin matatakasan.

At kapag nagmahal ka, hindi porke't iniwan mo ang isang taong mahal na mahal mo't importante sa'yo ay ibig sabihin n'un ay hindi mo na sila mahal at wala na silang halaga sa buhay mo. Minsan kasi, ito ang pinakamainam na gawin for you to grow up even more, for you to be more mature enough para maunawaan mo ang lahat at ma-realize mo kung ano ba talaga ang tama at kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, for you to be strong and brave to face kung anuman ang problemang kinakaharap mo sa buhay, for you to learn from your mistakes, for you to sacrifice para sa taong mahal na mahal mo't malaki ang halaga't puwang sa puso mo, for you to know kung sasaya ba siya sa'yo o kung mas sasaya siya sa piling ng iba, and last but not the least, for you na malaman kung mahal mo ba talaga ang taong 'yun o hindi. That's why I did what's best for us. For me. And most of all, for him.

At 'yun ay ang iwanan siya.

Masakit man pero, ginawa ko pa ring iwanan siya dahil sa naiipit ako sa isang sitwasyong hinding hindi ko matatakasan at hinding hindi ko kayang baguhin. Masakit man ang mga ginawa ko kung iisipin, pero kinaya ko kasi mahal na mahal ko siya. Masakit mang sabihin 'yung mga masasakit na salitang binitawan ko sa kanya, pero sinabi ko pa rin para sa kapakanan niya.

And ito ako ngayon, umiiyak sa likod ng punong pinagtataguan ko't palihim na pinagmamasdan ang lalaking tinutukoy ko na kasama ang babaeng dahilan kung bakit siya masaya ngayon.

Habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang hindi mainggit. Hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa babaeng dahilan kung bakit siya muling nakangiti't mukhang walang pinoproblema sa buhay. Hindi ko rin maiwasang maawa sa sarili ko and at the same time, magalit.

Ako naman ang nang-iwan sa kanya, pero bakit mas mukhang ako pa ang mas nasasaktan? Bakit ako pa 'yung mas naaawa sa sarili ko na dapat mas maawa pa ako sa kanya kasi iniwan ko siya't sinaktan ng sobra-sobra? Bakit pa rin ako nalulungkot kung dapat naman akong maging masaya dahil masaya siya. Alam ko naman ang sagot pero patuloy at paulit-ulit ko pa ring itinatanong ito sa sarili ko.

Unang una sa lahat, kasi mahal ko siya kaya ka nasasaktan. Pangalawa, naaawa ako sa sarili ko kasi ako 'yung nawalan at hindi siya. At ang huli, nalulungkot ako, hindi dahil sa kadahilanang masaya siya't habang ako malungkot at miserable pero sa kadahilanang masaya siya sa piling ng iba.

Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa kanilang dalawa.

They way kung paano siya magkuwentuhan ng mga nakakatawang karanasan niya't nakakaaliw na kuwento. Parang ang saya-saya niya kapag kasama't kausap siya. And the way he looked at her, 'yun 'yung mga tingin na kahit kailanman ay hinding-hindi niya na maibibigay pa sa akin. 'Yun 'yung mga tingin niyang nagpapahiwatig na mahal na mahal niya ito't isa ito sa mga importanteng tao sa buhay nito't may malaking puwang sa puso niya.

Tumigil muna sila sa pagkukwentuhan at sumeryoso 'yung paligid. And at that moment, he kissed her. He kissed her passionately na akala mo mawawala na ito any minute. Mas lalo lang akong naiyak nang dahil sa nakita kong pangyayari.

So I guess, that's my cue. That's the last sign na hinihingi ko for me to let go of him completely. 'Yung pagbitaw na walang halong pag-aalinlangan. 'Yung pagbitaw na alam kong makakabuti para sa'kin na mas makakabuti para sa kanya at sa babaeng pumalit na sa pwesto ko sa buhay niya. 'Yung pagbitaw na nagsasabing 'Wala ng sagabal sa inyong dalawa'.

Mahirap mang tanggapin pero tatanggapin ko pa rin kahit na anong mangyari para sa kapakanan naming dalawa.

Pero bago ko muna tuluyang tanggapin ang katotohanang wala kami at wala ng saysay ang pagmamahal ko para sa kanya, I'm going to tell you this. Sabi nga ni Vin, ang lalaking tinutukoy ko, ang mga good memories daw ay hindi dapat sinisikreto. At dahil sa sinabi niyang 'yun, I'm going to tell you my most precious and most happiest memories I've ever had. And that's the moment he loved me.

Sorry For Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon