Chapter 1: "Him"

30 1 0
                                    

<=Chapter 1: “Him”=>

~Shannen~

“She doesn’t deserved to be entitled as Queen Bee!” atungal ng kaklase kong ubod ng arte na si Dahlia. Napaikot na lang ang mga mata ko’t sinasabi sa isipan kong, ‘Bakit, ikaw ba deserving to be called as a Queen Bee?’, “Mas bagay pa sa kanya ang titulong Queen Bitch!”

“Hayaan mo na lang ‘yang si Dahlia, Shan,” sabi ng concern na kaibigan kong si Nina habang napapangiwi rin dahil sa reklamo ni Dahlia. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong-hiniga. Kung ako lang talaga masusunod, I’m going to wring her neck hanggang sa mawalan na siya ng hininga, “Insecure lang ‘yan sa’yo kasi ikaw ang gusto at nililigawan ng long time crush niyang si Trace.”

At dahil sa sinabi ni Nina, mas lalo akong napangiwi. Because of that bimbo, nawala na ‘yung tahimik kong buhay. I mean, literally. Dati-rati naman ay wala akong haters and bashers but now, meron na at pinangungunahan pa ito ni Dahlia. Kaya napapaisip ako, may mangyayari bang maganda sa pangba-bash at paninira nila sa pangalan ko?

“So, pakialam ko sa Trace na ‘yun? Kanyahin niya na kamo,” napangalumbaba na lang ako’t naiinis pa rin sa mga nangyayari. “And besides, may benefits ba siyang makukuha sa paninira niya about sa’kin? Wala naman ‘di ba?”

‘Yung feeling na wala naman akong ginagawang masama but still maraming may ayaw sa’yo? Hindi naman sa sinisisi ko si Trace about sa ginagawa ni Dahlia sa’kin pero hindi ko pa rin maiwasan na maisip na involve rin siya sa mga nangyayari sa’kin ngayon. Although I turned him down already, he’s too persistent sa ginagawa niyang ‘panliligaw’ kuno sa’kin.

“Ganyan talaga kapag maganda, Mauia Shannen Littman,” singit naman ng isa ko pang kaibigan na si Amnesia or let just call her Xia dahil ayaw niya n’ung name niya. Sino ba namang matinong magulang ang magpapangalan ng isang sakit or let just say brain condition sa anak nila? It’s definitely Xia’s parents, “Maraming naiinggit at marami ring maninira. Pero, sino ba naman sila? Talbog sila ng kagandahan mo, Shan!”

Napatingin ulit kami sa direksyon ni Dahlia na ngayon ay binibigyan kami ng masamang tingin. Kung nakakamatay lang ‘yung mga gan’un tingin, malamang, patay na kaming tatlo nila Xia at Nina dito sa kinauupuan namin mismo sa cafeteria. Hayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niya. Hindi ko naman hawak ang utak niya’t may sarili naman siyang free will.

Sorry, I forgot my manners. My name is Mauia Shannen Littman. Just call me Shannen or Shan. I’m just your typical average teenage girl na isang Sophomore student dito sa pinapasukan kong Prestigious Elite school na walang iba kung hindi ang Broadway Prep. But, I’m not average anymore, I’m the new Queen Bee of the school. Wala naman akong pakialam kung anong title ang meron ako as a student eh. Ni hindi ko nga feel na sikat ako. Kahit sa dati kong school, I’m popular, specially sa mga boys. Maganda at simple lang raw kasi ako’t halata mong masarap kasama. Kaya naman, marami-rami na rin akong naging boyfriend na popular and good-looking guys, pero, I told myself na hinding-hindi na ako papasok sa isang relationship kung I will end up with a good-looking and popular guys.

Ni hindi ko nga ma-imagine na dahil sa isang karanasan ko sa last boyfriend na isang good-looking at popular guy n’ung first year ako sa dati kong school which is sa States, d’un pala magbabago ang buhay ko.

“Shannen, okay ka lang ba?” nagbalik lang ako sa realidad ng marinig ko ‘yung boses ni Nina at Xia na tinatawag ako sa pangalan ko, “Mukhang may malalim kang iniisip ah?”

I just gave them a half smile. Ayaw ko kasing pati sila malaman ang mga sikreto ko mula sa nakaraan at ayaw ko ring kaawaan nila ako because of that, “No, I’m fine. Tsaka, wala naman. Natulala lang talaga ako.”

Sorry For Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon