Prologue

16 0 0
                                    


[Play the song 'Streets of philadelphia']

"Manong pakibilis naman po. May hinahabol po kasi ako." Pagmamakaawa ko sa driver.
Nasa meeting ako nang tawagan ako ni karen para sabihing ngayon ang alis ni Jay papuntang america. Walang anu ano't umalis ako sa meeting ng walang pasabi at nagmamadaling pumara ng taxi kaya lang napakabagal netong driver na nasakyan ko. Daig pa namin sa prusisyon. Nakaka asar!

Tumingin ako sa wristwatch ko at may 20 mins pa bago ang flight na sinabi ni karen.

Kinuha ko sa bag yung phone ko para tawagan si Jay pero hindi nya sinasagot. Bakit ba kasi kailangan umabot sa ganto? Bakit ba kasi kailangan nya pa akong iwan? Oo nagkamali sya pero kaya ko naman syang patawarin! Hindi nya kailangan mang iwan. Sawang sawa na kong maiwan eh. Kaya hindi pwede! Kailangan kong gawin lahat para magstay sya sakin. Mahal ko sya yun ang alam ko ngayon.

Dinial ko pang muli ang numero nya. Nagulat ako ng boses ng babae yung sumagot.

"Hello?" Yung boses sa kabilang linya.

"Uhm hi, ah i was calling jay did i reached the right number?" I said just to verify dahil hindi ako pwedeng magkamali. For a year na magkasama kami ito yung nakasave sa phone ko.

"Ah Yes. This is steff Jay's fiancé and who are you?" Sabi nung babae. Yes sabi ko na si steff to eh. Pero teka? Fiancé akala ko ba childhood bestfriend lang sila? Tsaka.. tsaka sabi ni jay ako lang yung mahal nya, pero bakit ? Ang gulo!

"You think maniniwala ako? I'm jay's girlfriend! Nasan ba si jay! Pwede pakibigay sa kanya yung phone?" Naiiritang sabi ko.

"Well i don't care kung maniwala ka o hindi. And i know who you are! You're chelsea right? Sorry girl but jay's mine ever since! Hindi sya naging sayo so pwede ba wag mo na kaming guluhin pa! Kami na yung lalayo!" Sabi ni steff. So magkasama pala sila? Ang hirap paniwalaan nito! Hindi pwede! Mahal ako ni jay! Naramdaman ko yun! Hindi pwede to!

"Ako yung mahal ni jay! Yun lan yung paniniwalaan ko!" Sabi ko at sabay baba ng phone.

Kung totoo mang ikakasal na sila nung steff na yun i need to hear it from him! Sa kanya lang ako maniniwala.

Shit! Bakit ba naman kasi ang traffic eh!

"Kuya dito nalang ho ako! Salamat ho." Inabutan ko ng 500 yung driver at saka bumaba. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ko yung airport.

Saktong pagpasok ko nakita ko si jay palabas ng comfort room. Nagtama yung tingin naming dalawa. Nakita ko sa ekpresyon ng mukha nya na nagulat sya. Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap sya.

"Jay! Saan ka ba pupunta? Bakit? Iiwan mo na ba ko? Please! May mali ba sakin? Jay kung meron man please! Sabihin mo! Kaya kong baguhin lahat! Wag ka lang umalis. Mahal kita eh" sabi ko at walang tigil ang pag agos ng luha sa mata ko.

Tumingin ako sa mata nya. Wala akong ibang makita kundi coldness. Wala. Walang emosyon.

"Jay?" Hinawakan ko yung kamay nya.

"I'm sorry. Chelsea." Sabi nya at nagiwas ng tingin.

"No. Jay I'm sorry! Please.. please just stay" sabi ko at wala paring tigil sa pagiyak. Pero nanatili syang tahimik.

"What do i have to do to make you stay?" Sabi ko. Lumuhod ako sa harap nya.

"I can do this just please stay." pagmamakaawa ko.

Tinayo niya ko at niyakap. Yung sobrang higpit. Pagkabitiw nya ay hinawakan nya yung dalawang balikat ko.

"You don't have to do this. Fix your self chels. Look what's between us was nothing to me. I don't love you anymore, or maybe i should say i didn't love you at all. Infatuation lang siguro. Nadala lang ako. Pero chels you're a good person. You deseve someone better." Sabi nya sakin dahilan para tumigil yung pagikot ng mundo ko. Yung mundo ko na sa kanya nakasentro.

Ang sakit. Infatuation?! Hahaha this is so unbeleivable.

"No jay. I know you love me, i felt it. Please just stay. I love you..  Don't do this please." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"I'm sorry chelsea." Sabi nya.

Nanatili nalang akong tahimik na umiiyak sa harap nya. Ang sakit parang mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa marinig yun galing mismo sa kanya na hindi niya pala ko minahal. Pampalipas oras lang.

"Hon? Hey i've been looking for you everywhere!" Sabi nung babae na nanggaling sa likod ko. Si steff.

"Oh, hi chelsea? May kailangan ka ba sa fiancé ko?" Sabi nya na pinagdiinan pa yung salitang Fiancé nya. So totoo pala dahil hindi manlang umimik si jay nang pumulupot yung babaeng to sa kanya.

"Wala na. Pasensya na kayo. Have a safe trip." Sabi ko habang pinupunasan yung luha ko tatalikod na sana ko nang pigilan ni jay yung kamay ko. Anong sasabihin nya? Na mahal nya ko? Dahil ngayon ayun lang yung gusto kong marinig. Kahit na katiting na pagasa nalang yung pinanghahawakan ko. Aasa ako sa huling pagkakataon please sabihin mo na mahal mo ako. Yun lang.

"I'm sorry. You deserve someone better." And that's it. Dito na natatapos ang lahat. Lahat ng katangahan. Lahat ng saya, ng lungkot.

Tumingin ako ng diretso sa mata nya at inilis yung kamay nya sa braso ko. Kailangan kong maging matatag.

"Maraming salamat jay. Salamat sa lahat. Pero sana ito na yung huli nating pagkikita. Ikaw yung bumuo sakin. Pero di ko inakala na ikaw din yung taong sisira sakin. Mas malala pa kasi alam mo? Wasak na wasak ako ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko pang magsimula ulit. Kaya kung pwede lang wag ka ng magpapakita pa ulit sakin. Kalimutan mo ko na para bang di mo ko nakilala, dahil ako kakalimutan na kita at sa panahon na matupad ko yun, Hinding hindi ko na gugustuhin pa na makita ka. I've had enough of you. Goodbye." Sinabi ko lahat ng yun ng nakatitig sa mata nya habang pinipigilan yung pag iyak kaya lang ay tuloy sa pagagos yung luha ko.

Pain was written all over his face. Dyan sya magaling. Magpanggap. Magpanggap na nasasaktan kahit yung totoo ay masya sya kasi mawawala na ko sa buhay nya. Dahil sa wakas wala ng mangungulit sa kanya. This would be the last time that i would cry for you.




---- Hi Friends! :) Hopefully yung chapter one will be posted soon. Soooo stay tuned! 😂💋💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving Him Was RedWhere stories live. Discover now