My OC
Margaret Povaraw araw naghihintay ako, araw araw naalala ko ang unang pagkikita namin, at araw araw din akong naka upo sa iisang upuan sa iisang lugar.
Pero alam kong hindi na kami magkikita pang muli.
Apat na taon na ang nakakalipas simula noong aksidente, apat na taon din noong nawala sya sa akin.
Masaya kami noong araw na yun, namasyal kami kahit saan. Binilhan nya ako ng maraming magagandang damit at sapatos, mga alahas na mamahalin, mga bags at iba pa, Kahit na ayaw kong bilhin nya, Kumain din kami sa mamahaling restaurant. Napaka saya talaga namin noong araw na yun. Pero naglaho ang lahat nang umuwi na kami.
Busy syang nagmamaneho habang ako naman ay tinitignan ang mga litrato namin sa cellphone nya, May isang litrato na kumuha ng attensyon ko. yung litrato yung pinakahuli nyang kinuha bago kami umalis. gulat na gulat yung itsura ko sa litrato habang hinahalikan nya ako sa labi.
nagulat ako ng bigla syang nagsalita.
"Marga, natahimik ka yata? ok ka lang ba?" Tanong nya, Ngumiti ako at sinagot sya.
"Ok lang ako, na gandahan kasi ako sa picture natin kaya ako natahimik" Nag concentrate sya ulit sa highway.
Nang makarating kami sa intersection, naka go yung traffic light, Pero...
Tumawid kami sa intersection nang biglang may sumalpok sa sasakyan namin...
Ang huli kong natatandaan bago mawalan ng malay ay mga tunog ng ambulansya at si ....... na duguan.
Kinabukasan no'n, nagising na lang ako sa ospital. Si daddy at ate lang ang kasama ko sa kwarto, nang mapansin nila na gising na ako, ay sinabi nila lahat lahat na nangyari samin at nalaman ko din na dahil don sa aksidente ay nawala ang taong pinakamamahal ko.
"Daddy sabihin nyo po ang totoo! hindi pa patay ang asawa ko! buhay sya! at nasa kabilang kwarto lang sya nagpapahinga!" sigaw ako ng sigaw kina daddy hanggang sa punto na kailangan na nila akong turokan ng pampatulog, nagising ako pagkahapon. Inihatid ako ni daddy sa morgue at nakita ko ang walang buhay na katawan nya. Napaiyak na lang ako sa nakita ko.
Yon yung nangyari apat na taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa ulit ako nag-a-asawa.
"Mommy! mommy! punta tayo daddy" oo nga pala, ang dahilan kaya kami masaya nong araw na yun ay dahil buntis ako sa anak namin. Ang kaisa isahang kayamanan na iniwan sa'kin ng asawa ko, ni lionel. Kung hindi siguro sinakripisyo ni lionel ang sarili nya na takpan ako, wala siguro si lione dito sa mundo.