Prologue

17 0 0
                                    




Halos kalahating oras na yata akong nakatitig dito sa laptop ko. Hanggang ngayon kasi wala parin pumapasok sa utak ko kung paano ako magsisimula.. "Ano ba yan, bakit kung kelan gusto kong magsulat, saka naman walang pumapasok sa utak ko. Di ko na alam kung paano ako magsisimula. Wala pa man akong nasisimulan, e nagkaka-writer's block na ako"



Lumakad si Rhea papalapit sa'kin. "Ano ba kasi yan?" nakakunot-noo nyang sabi habang nakatingin sa blangko kong screen. "Gusto ko kasing magsulat ng love story, marami akong naiisip kanina pero nung gagawin ko na, eto blangko!"


"Eh bakit ba kasi love story ang gusto mong gawin, eh wala ka nga nun." sabi pa nya


"Wow ha, bawal bang magsulat tungkol sa love kung wala kang jowa?"


"Hindi naman kaya lang..." lumingon sya kay Lyzeth na kasalukuyang tulog sa kama ko, napagod kasi umiyak yang bestfriend kong yan. Ayun, tungkol na naman sa crush nyang nagparamdam daw sa kanya pero malalaman nya may girlfriend na daw pala. "...alam ko na! Para di ka mahirapan, gawan mo ng lovestory si Lyzeth!"


Napangiti naman ako sa sinabi ni Rhea. Silang dalawa ang bestfriend ko. We're a 3rd year college students. Yes, magkaka-course din kami and magka-block pa kaya nga bonus din na pare-parehas kami ng gustong course. Si Rhea ang pinaka-matanda sa amin sa month lang naman, si Lyzeth naman ang pinaka-bata. Si Rhea yung kaibigan mo na susuportahan ka at the same time prangka din kung ayaw nya at di maganda ang gagawin mo, si Lyzeth naman yung mas maraming pino-problema sa amin kahit hindi dapat problema-hin, sya yung pinaka-sensitive sa amin e kaya sila ring dalawa ang palaging magkatampuhan. Ako kasi, neutral ako. Di rin ako maimik kasi mahilig akong magsulat, mas nae-express ko dun ang sarili ko.



Sinimulan ko na ang lovestory na gagawin ko. Pinangalanan ko ng Franco yung magiging partner ng character ni Lyzeth. Syempre nilagay ko na personality niya yung gusto kong personality ng lalaki. Mabait, malapit sa pamilya, maalagain, medyo makulit,  may isang salita at simple lang, yung physical appearance naman niya, matangkad, gwapo syempre, maganda ang mata kapag tumatawa parang di na makakita, hindi ganun kanipis ang labi, gusto ko yung may shape pa rin parang arrow ni kupido, makapal ang kilay. Yung character naman ni Lyzeth. Siya na siya mismo yung nilagay ko. Imagine-in ko na lang na si Franco yung makikilala nya para makalimutan niya yung mga lalaking nagpa-iyak sa kanya.


Yes. Tama. Wala pang isang oras e madami na akong naisulat. Nilingon ko yung bestfriends ko. Ayun, tulog parehas. Napangiti na lang ako. I'm lucky to have them. Mag-isa lang kasi ako ngayon sa bahay, si Mommy nasa school nagtuturo at si Daddy naman may trabaho sa Canada, kaisa-isa ako kaya siguro attach din ako sa bestfriends kong to.


Nang matapos ko na ang chapter 1 ay tumalon ako sa gitna ng dalawang bestfriend ko na tulog. "aray..." ungol nila nang maipit ko yung kamay nila pero nagngitian din kami pagkatapos.


Nang sumapit ang gabi ay nagpaalam na yung dalawa para umuwi. Ako naman parang ginaganahan ulit magsulat kaya umupo ulit ako sa harap ng laptop ko. Isinulat ko na kung paano nagkakilala si Lyzeth at Franco.


Magkaka-kilala sila sa isang tindahan, magpapaload kasi si Franco samantalang si Lyzeth kakain lamang. Nagkakilala sila kasi napagkamalan ni Franco si Lyzeth na girlfriend nung barkada nya, kamukha lang naman pala. Dun nagsimula kung paano magkakilanlan ang dalawang character sa ginagawa kong kwento.


Kinabukasan, dumeretso ako sa School matatapos na kasi yung 1st sem namin kaya nagc-clearance na lang kami. "Mara, ikaw nga kumausap dun sa secretary hindi napayag na kulang yung pirma ng prof dito sa clearance. Wala yung iba nating prof e anong magagawa nya. Gusto ko nang mag-enroll mamaya. Di pa ibigay yung schedule." Naiinis nyang sinabi.


"Ta-try ko, asan na ba si Lyzeth?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papasok sa office. "Ewan ko dun, parang timang naman yun. Napaka-moody. Mamaya tatawa, mamaya iiyak. Alam mo pagka-graduate na pagka-graduate natin ng psychology baka sya ang una nating maging pasyente, imbis na sya yung gagamot haha" pa-biro nyang sabi, tumawa lang ako.


Pagkapasok ko sa Office, naki-usap ako sa Secretary pero di talaga pwede. Mahigpit talaga ngayon. "Wala, di umubra ang charm ko." biro ko pagkalabas ko sa Office


"Canteen na muna tayo habang di pa dumadating si Lyzeth, lagi namang late yun." Sabi ko.


Pagkadating namin sa Canteen ay umorder kami ng snacks namin. Si Rhea naman, ayun nag-ce-cellphone na naman. "YES! Finally!!" bigla nyang sigaw na parang gulat na gulat pa.


"Bakit? Anong meron?" sinilip ko yung phone niya. Messenger niya. Group chat naming blockmates.


Lenie says: "may bago daw transferee, ang pogi daw!! Jake ang name!"


Bumalik ako sa pagkakaupo ko. "Wag kang masyadong excited. Mamaya mo bading na naman pala yan hahaha"


Eh kasi naman, konti lang naman talaga ang lalaki sa block namin. Lima lang, tapos yung tatlo dun bading. Yung isa parang confuse pa. Yung isa, totoong lalaki pero bulakbol. Minsan mo lang makitang pumasok.


"Ano ka ba Mara, Wag kang panira ng moment. Paano kung lalaki? Ililibre mo ko ng sine! Haha"


"Hala uy, wala akong sinabing payag ako ha. "


"Ayan na pala si Lyzeth."


Lumingon ako sa entrance ng canteen, nakangiting papalapit si Lyzeth. "Tamo tong babaeng ito, napaka-loka loka talaga. Kahapon lang umiiyak kasi may girlfriend ang crush nya tapos ngayon tingnan mo."


"Shhh, hayaan mo na" sabi ko sa kanya.


Umupo sa tabi ko si Lyzeth "Hello, friendssss"


"Bakit? Nagbreak yung crush mo at yung girlfriend nya?" bungad ni Rhea kay Lyzeth.


"Ano ka ba, Wala na sakin yun. Na-hurt lang naman ako pero waley na"


"Uy, yung crush mo oh" turo ko dun sa may entrance ng canteen, pero di nililingon ni Lyzeth. "Alam mo Mara, kahit anong turo mo. Totoo man o hindi na nandyan sya, wala akong pake"


Tumawa naman ako "Haha, ayiee wala na talaga ha."


"Yep, besides.. I met someone" -Lyzeth

I Wrote about HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon