Veranda

0 0 0
                                    

"hindi ko na kayang mabuhay, gusto ko na matapos lahat ng paghihirap ko. hindi ko na alam kung paano ko mareresolba ang mga problema ko. hirap na hirap na ako. alam kong meroong taong mas mahirap ang pinagdadaanan saakin pero sila nakakaya nila. pasyensya na kung hindi ako ganoon kalakas at katiyaga. natatakot akong mamamatay kaso mas natatakot akong masiraan ng ulo dahil sa patong patong kong problema."

Yan lang naman ang iilang pinagsasabi ko habang nakatayo ako sa may rooftop ng condong tinitirhan ko.

Pagod na kong mabuhay, para san? hindi ko rin nmn nagagawa ang mga gusto ko. lahat ng kilos ko kontrolado, lahat ng kilos ko inoobserbahan tapos pag di gusto ung ginagawa ko e pipigilan ako.

Kala ko dati pag18 na ako magiging malaya na ko, kala ko pede na akong maging AKO.

Mali pala ang akala ko. tama nga sila maraming namamatay sa maling akala.

Naniwala ako sa pangako ng mga magulang ko. wala akong ginawa or ginagawa para ikalungkot nila. naging isang masunurin at maintindihing anak ako. inintindi ko kung bakit madaming bawal sakin. mas matanda ako sa mga kabatch ko, kaclassmate, at kaibigan ko pero andami kong nakikita na ginagawa nila ng malaya kahit mas bata sila saakin.

Oo, aaminin kong inggit na inggit ako sa kanila pero kahit ganun iniintindi ko ang dahilan ng magulang ko kung bakit ganun ang desisyon nila ng pagpapalaki saakin. pinagkatiwalaan ko na lang ang pangako nila saakin na magiging malaya na akong magdesisiyon pagturn ko ng 18 kasi nga daw sa ganung edad daw e may pagiisip na raw ako ng maayos at legal age na raw un so may karapatan na raw akong mamili/gumawa ng desisyon.

Siguro iniisip nyo napakawalang kwenta ng dahilan kung bakit gusto kong tapusin ang buhay ko. sa totoo lang mas may malala pa akong problema jan. hindi ko masabi kasi hiyang hiya ako sa ginawa ko.

Kung sino man makakaalam ng kasalanan kong iyon ay sigurong iisipin nila na dapat mamatay na rin ako. alam nyo kung ano ung nagpapahirap sa buhay ko?

Un ang kimkimin ang mga problema at pinagdadaanan ko to the point na sasabog or hindi na ko makahinga sa sobrang gusto ko ayusin ang problema ko pero pano ko nmn gagawin un? hindi ko kaya.

"HIRAP NA HIRAP NA KO. HINDI KO NA KAYA" sigaw ko bago tumalon.

Pumikit lang ako at iniisip na desisyon ko tong gawin, alam kong mali pero atleast nawakasan na ang wala kong kwentang pamumuhay, sabagay wala rin nmn may gustong buhay ako.

Wala lang ako kundi reject sa pamilya namin so wala rin kawalan. atleast one less mouth to feed and one less family member to fund schooling.

Tanggap ko na kung anong kakahantungan ko. handa na kong mamatay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Miss, okay ka lang?" sabi saakin ng isang lalaking nakasalo saakin. nagtataka ako kung pano niya akong nasagip. kala ko katapusan ko na.

"Miss, sabi ko okay ka lang ba? Miss, tignan mo ko." tinignan ko nga siya. mukhang napakainosente ng mukha niya. napakaamo na parang anghel.

"Bakit mo ko sinalo?" nabulong ko na lang bigla.

"Miss, ano sabi mo? hindi ko narinig. please miss tell me if you're okay or not"
tumango na lang ako para lubayan niya na ako.

"Miss sandali lang ha. upo ka lang jan, tatawag lang ako ng staff, guards or ambulance to take you to the Hospital for you to be examine thoroughly" umalis na rin siya matapos akong iayos ng upo sa sahig.

Tinayo ko ang sarili ko at lumapit sa may veranda. pagsilip ko, mataas parin , siguro ilang floors lang to away from the rooftop.

Akmang tatalon na sana ako uli ng may humila saakin paupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random One Shots !!!Where stories live. Discover now