"Oh yung mga props na gagamitin sa stage ingatan ha!"
" Yung mga instruments nalinins na ba??? Dahan-dahan baka masira!"
Kahit saan ka lumingon napakabusy ng lahat ng tao. Di magkauga-uga kung ano ang dapat unahin. Hindi pa pwedeng chill at cool lang.
Every year naman nagaganap ang event na ito di pa ba sila nasasanay?
Siguro nagtataka kayo kung ano itong event na ito, singing contest lang naman ito.
Pero dito sa school big deal ito. Paano ba naman kasi isa itong prestigious school for music andinstruments lovers
Yun singing contest na iyon ay hindi lang basta contest para sa mga nag-aaral dito. Mga piling mga students lang ang pwedeng sumali dito at ang paglalabaanan ay ang mapasama sa tinatawag nila na HALL OF FAME.
Astig diba may nalalaman pa na ganoon.
Well, baka kung san-san na mapunta itong usapan na ito. Magpapakilala muna ako
I’m Gabrielle Santos. Gab for short.
Yun contest para sa kin hindi iyon big deal di ko naman kasi gusto pumasok sa school na ito eh. Pinilit lang ako ng parents porket pareho silang nasa field ng music, ako din ba na anak nila ganoon din dapat? Kaya ito nabibilang ako sa pinakalowest section. Yun mga kasama ko ditto, di naman sa pangiinsulto sa kanila (,) yung mga TH kung tawagin. Eh bakit ko ba yan pinoproblema.
“Waaaaaaaaaaaahhhh nandiyan na si Wesley.”
Ayon lahat ng classmates ko nagsitayuan kala mo may dumating na artista.
“Ang gwapo talaga niya”
“Napaka-perfect niya”
“Sana mapansin naman niya ako”
Nako yun mga classmates ko talaga. Mangangarap na nga lang yun di pa talaga pwedeng matupad.
Hay nako Gab nagsalita ang walang gusto kay Wesley
Hoy manahimik ka nga diyan. Oo na may crush na ako kay Wesley. Sige na nga aaminin ko patay na patay ako sa kanya pero di ko naman sila katulad.
Di naman talaga ako mapapansin niyan eh. Sa sungit na taglay niyan kala mo pasan ang buong problema ng mundo eh.
“Magsiupo na kayong lahat tapos na ang palabas. May mahalaga akong iiaannounce sa inyo at ikakatuwa niyo ito panigurado. Drum roll please!”
Patawa naman talaga yun adviser namin
“Ma’am naman eh pasuspense pa eh”