Team Unreported Writings

307 7 8
                                    

Do not mind the Team's name and the word "case", they are just there because we are huge fans of Trese and it's fun playing with words. Hahaha. 

***


Case 1: Wordsmith's Fate

Every letter, word, and phrase you touched is like holding a cuprite mineral that heals each person's wound from the picture of traumatic reality. Then suddenly, this huge success of possessing such power becomes a dragon's bile, but it's too late to throw it out because you ignored their voices when they called for your name, and even let their hands go when they tried to pull you up from the quicksand-like fame. You tried so hard to think what you can do for fame without realizing what fame can do to you. Are you happy to see how far you are right now from the starting line, even if this present you is covered with unsettled issues, insecurities, and hate? You might not realize that this is your story, until you have the courage to go back from where you started even if it got ugly.


***


Case 2: A Mixture of Euphoria and Displeasure

He craves writing like how selenophiles crave the hole in the night.

But unlike the every-night torture of those selenophiles who want to be a moon starer like an astronomer (and are just loving the moon from afar), his dream to write in every moment of his life is just a stretch of a hand away from him.

As he gazes his life-long desire, he discerns that it's nothing like how he imagined it to be. It's never that perfect; but almost reaching it is worth every obstacle he'd been through—even if he feels betrayed by these obstacles for it disguised as beautiful crystal shards along the way.

Although the feeling of euphoria and displeasure are mixing up in his heart, one thing is for sure: he doesn't write because he's happy; he's happy because he writes, finally.

***


Case 3: Cacoethes Scribendi

Lagi kong tinatandaan ang sinabi sa akin ng aking makatang ama, isang gabi habang binabasa niya ang mga tula nina Ham Asia Sleepiwalker at ni Grandpa El Aloe kagaya ng A Lover's Complaint at ng The Raven, "Italas ang salita sapagkat ang wika ay ikaw,"—kaya hanggang ngayon, isang armas na mayroong alab ang bala ang aking ginagamit, isang armas na magagamit kung nagiging tama ang nagbubulag-bulagang mata, kung walang bagsik ang bawat bigkas at kung walang talab sa balat ang sikat ng katotohanan—pagsulat.

"Mahal ba kita dahil manunulat ka o manunulat ka kasi mahal kita?" naalala kong sambit ni Joan habang isinusulat ko ang aking ikalabindalawang nobela ngayong taon, ang alaala na bahagi ng katotohanan na nakalilimutan ng isang tao ang mga bagay na gustong alalahanin at naaalala ang mga bagay na gusto nang kalimutan.

Si Joan, ang putang-inang si Joan na inalayan ko ng libo-libong mga salita, ang babaeng nagparamdam sa akin ng pinakamapait na tagpo sa aking buhay, ang dalagang iniwan ako sa kadahilanang hindi niya raw maramdaman ang aking pagmamahal dahil sa aking pagsusulat, na sa tuwing magkasama raw kaming kumakain, nagsusulat ako ng mga kabanata ng aking nobela sa tissue, na sa tuwing nagtatalik kami, sinusulatan ko raw ang kaniyang likod ng mga taludtod ng tula at sa tuwing magkausap kami sa telepono, dumarating ang tagpo na hindi na ako nakapagsasalita dahil nagtitipa ako sa aking computer—putang-ina, ano ba ang gusto niyang klase ng pagmamahal kung ang lahat naman ng mga isinusulat kong iyon, para sa kaniya?

Nagustuhan ko si Joan dahil sa kaniyang pagiging bookworm, at sa bagay na iyon, marami siyang naibabahagi sa aking mga kuwento, kasama ng kaniyang mga pangarap sa buhay kagaya ng pagiging First Lady, mind-reader, tree hugger, girl of the houses at rune caller kagaya ni Harry Potter na kaniyang pinakapaboritong karakter—ngunit, ang mga pangarap na iyon ay hinding-hindi na matutupad kailanman dahil ang mga ito ay akin nang winakasan.

'Malaya siyang lumalagalag sa bago niyang mundo, at sa kaniyang pagtingala, nakita niya ang pait ng kaniyang nakaraan na kahit kailanman ay hindi na niya mararanasan pa dahil' napatigil ako sa aking pagsusulat sapagkat naubusan na ng tinta ang aking panulat, dahil dito, binitiwan ko na ang pluma na aking ginagamit upang kumuha ng dugo mula sa putol na ulo ni Joan, ang dugo na magsisilbing tinta upang akin nang matapos ang kahuli-hulihang akda na iaaalay ko para sa kaniya.

***


Case 4

(no entry)

Catharsis III: Round TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon