Thank You

17 2 3
                                    

Takbo! Takbo! Takbo!

"haa..haa...haa (hinihingal)" 

Hinga. Hinga. Hinga.

"Alis! Umalis kayo dyan! Tabi!"

Arghhh

 Sa isang lugar na kung saan maraming tao. Pabilihan ng kung anu-ano. Trapik na kalsada. Maraming palaboy at mga taong maraming ginagawa. Mga taong nagmamadali, mga taong nag titinda, mga batang naglalaro o nangiinis ng mga matatanda. Mga taong masungit, o yuong mga taong abot tainga ang ngiti. 

Lugar na biglang nagulantang nang mayroon isang tao na lalaki, na tumatakbo, mabilis na tumatakbo para hindi lang siya maabutan ng humahabol sakanya.

"Pigilan niyo siya!"

Hindi puede...hindi ako puedeng maabutan!

Biglang lumiko ang lalaki sa isang eskinita nang hindi namamalayan ng humahabol. Tumingin ang lalaki sa likod at napahinto nang wala na siyang nakikitang humahabol sakanya. Siya ay nagpahinga pagkatapos ng mahabong takbo.Kinuha niya ang bag at binuksan ito.

"haa..nandito pa..(hingal)" huminga ng malalim ang lalaki at pinikit ang mata. Ang bag na iyon ay may nilalaman na salapi. Malaking salapi, marami. Sapat para sakaniyang pamilya na nangangailangan at sakaniyang ina na nasa ospital. Napaupo siya sa lupa at hindi niya mapigilang makonsensya.

Para to sa pamilya ko. Kinakailangan ko tong gawin 

"Ayos ka lang?" Biglang napalingon ang lalaki ng may narinig siya. Tumayo siya at hinigpitan ang hawak sa bag. Kinuha niya ang pocket knife sa kanyang bulsa at tinapat sa  lalaking nagtanung sakanya.

"woah.. Sandali lang, wala akong intensiyon na masama nagtatanung lang ako" Bigalang taas ng lalaking nagtanung.

Habang ang lalaking may hawak ng pocket knife ay tinignan ang kaharap niyang lalaki. Ito ay nakasuot ng checkered na poloshirt, naka maong pants at black shoes. Iba sa kanyang suot na T-shirt na ang kulay ay blue basang basa pa ito, naka walking shorts na plain yellow at tsinelas na halos nasira na.

"Bakit hindi mo na lang iyan ibalik?" 

Paano niya nalaman na hindi saakin ito?

"Anu naman saiyo ito?" tanung niya, ang lalaking may hawak sa pocket knife.

"Mas mahihirapan ka pa sa bilangguan kaysa sa kalagayan mo ngayon."

Wala kang alam.

"Anu naman saiyo ito?" Inulit niya na may diin ang mga salita.

"Ibalik mo yan habang maaga pa, at ikay ay hi akin na lang tutulungan."

HIndi makapaniwalang tumingin ang lalaking gusutin na ang damit sa lalaking napaka ayos at wala mang lukot ang damit.

Ano to lokohan? walang ganyang tao, lahat sila walang pakialam, walang awa!

"Hindi mo ako matutulungan. Sino ka ba? Kahit mayaman ka, malay ko ba kung niloloko mo ako? napagdaanan ko na yan kaya wag mo akong lolokohin. Kaya nga ako humantong sa ganito dahil sa mga taong kagaya mo!" Inis na salita ng lalaki.

"Nagkakamali ka. Mayaman nga ako pero hindi ako manloloko. Sinasabi ko saiyo hindi lahat ng mayayaman na tao o kahit anung klaseng tao ay manloloko. Huwag mong hayaan ang mga masasamang napagdaanan mo na husgahan ang mga orputunidad na kagaya ng inaalay ko."

Imbes na sumagot ang lalaki, binaba niya lng ang kamay niyang may hawak sa pocket knife.

"Mayroon akong ginagawang charity para sa mga taong nangangailangan ng tulong sa pera pang gamot o pangkabuhayan. Matutulungan kita."

"Paano ako makakasigurado? Bakit kita paniniwalaan?" duda parin nang desperadong lalaki.

Inilabas naman nang lalaking kaayos ayos tignan ang kaniyang wallet at naglabas ng calling card atsaka ito ipinakita sa kanyang kaharap. Dali-dali itong kinuha huli at tinignan ng mabuti. Tinignan niya ulit ang mayaman na lalaki at nagisip.

Paniniwalaan ko ba itong lalaki na ito? Hindi siya mayaman mag damit, pero dapat hindi ako manghusga sa pananamit niya. Mukhang totoo itong sinasabi niya. Naririnig ko tong pangalan ng charity na ito. Siguro nga mapagkakatiwalaan ko siya. Wala namang masama na magtiwala uli

Sana hindi ako mabigo.

"Osige, paniniwalaan kita." Sabay nang pagsabi niya ng mga salitang iyon biglang may dumating na mga lalaking naka poloshirt na blue, naka black pants at black shoes. may hawak na mga baril na nakatutok sakanya, sinasabihan siya na sumuko. Biglan siyang kinabahan, hindi niya alam ang gagawin.

takbo... kailangan kong tumakbo!!

Tinignan siya nang mayamang lalaki na prang sinasabihan ito na huwag siyang matakot. Pero kahit na, hindi niya maiwasan ang takot dahil walang sinuman ang makakatanggal iyon sakanya. Buong buhay siyang natatakot, natatakot para sakanyang pamilya, para sakanya na baka hindi na sila makakain o mabuhay ng maayos. Kaya hindi iyon basta bastang mawawala. Kaya hindi niya maiwasan na maduwag at isipin na tumakbo. 

"ibalik mo na..." bigkas ng mayaman.

Huminga siya ng malalim at tinignan ang dumating na taong ninakawan niya. Halo halo ang nararamdaman niya at ang mga mata niya ay nababasa na. Nang tinignan niya ang taong kinakatukan niyang sampahan siya ng kaso ay napatigil siya ng hininga. Itinago niya na ang pocket knife  niya at hinawakan ng maayos ang bag.

"Paumanhin....dahil ako ay muntikan nang makagawa ng masama. Ibabalik ko na ito pero sana hindi mo ako ipakulong....kailangan ako ng pamilya ko. Parang awa mo na." Ibinigay niya ang bag at yumuko, ang luha ay pumatak na. Naramdaman naman niyang may humawak sa balikat niya pero hindi niya tinignan kung sino iyon.

Tinignan siya ng ninakawan niya at bigla siyang kinabahan.

Hindi niya ako papatawarin! Makukulong ako! Hindi puede!

Tumingala siya at nagtaka nang makita niya ang ninakawan niya na nakangiti.

"Mapapatwad kita. Salamat at mas umangat ang kabutihan mo. Nasilayan ka lang dahil sa hirap ng buhay. Hindi narin kita ipapakulong huwag kang magalala." 

Ibinaba na ng mga pulis ang baril nila at tumayo ng maayos. At ngumiti naman ang mayamn na lalaki. 

"...salamat." bulong niya.

Umalis na ang mga pulis at ang nagpatawad sakanya pero hindi bago siya tinapik sa balikat. Sinyelas na gumawa siya ng mabuti sa kalagitnaan ng pagkakamali.

Tinignan niya ang lalaking mayaman na biglang tumawa.

"Umiiyak ka parin." sabi ng mayaman. Bigla namang pinunasan ng lalaki ang mga luha niya.

"Tutulungan mo ako?" tanung niya ng mahina

"Oo naman." sagot ng mayaman habang ginugulo ang buhok ng lalaki.

"Salamat" ngumit na ang lalaki

"anu pala panglan mo samaritan?" biro ng mayaman

"Angelo po"

~FIN~




ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon