A/N: Hi! Lels. Palitan ko cover next time walang resources at lack ng skills HAHAHAHAHAHA! Kayo na bahala umintindi nito, enjoy!
Winter's POV
"Pssst! Tabachoy!"
Agad kong nilamon ang huling slice ng pizza sa harap ko. Nilingon ko siya at inirapan. Mas masarap pang tingnan itong pagkain kesa sa pagmumukha ng lalaking iyon. Masyadong feeling!
"Taba!"
Tumayo na ako at kinuha ang bote ng coke na di ko pa nainom.
"Hoy pakipot na tabachoy!"
Konti na lang talaga at babayagan ko itong hayop nato. Pagod ako galing sa gym kaya pinipigilan kong makipagpatayan. Taas noo akong naglakad palabas ng canteen para magpunta na sa classroom ng inakbayan ako ng isang higante.
"Hi taba!"
"Bwisit na buhay! Problema mo naman?"
"Ito naman, di pwedeng namiss kita?" Kinurot niya pisngi ko. Agad naman itong sumakit. Hinampas ko siya ng bote.
"Aray! Taba!" Daing niya.
"Tigilan mo ko ah! Pagod ako wag muna ngayon! Please naman isang araw na katahimikan!"
"Pumayag ka muna kasi!"
Inirapan ko siya at naglakad palayo.
"Yes muna, dali!"
"No!"
"Ito naman feeling mahaba ang hair. Hoy mataba ka parin wag kang feeling!"
"Bakit? Wala na bang karapatan kaming matatabang humindi? Gago ka ah."
Pagkapasok ko sa room ay agad akong pumunta sa upuan ko at sumubsob. Nakakapagod rin palang makipag usap sa mga taong walang kwenta.
"My taba! Gising!"
Ayan na naman. Hay. Jusko, kunin niyo na po siya. Amen.
Naramdaman kong umupo siya sa katabing upuan. Kinulbit niya ako bigla.
"Taba, grabe ka sa akin. Oo na, mahaba na hair mo. Isang Frost lang naman naghahabol sayo. Pumayag ka na kasi. Pota, ang pabebe mo eh!"
Agad akong napabangon at pinagsasapak ang lalaking kinasusuklaman ko sa oras na ito.
"Una sa lahat, may pangalan ako at hindi iyon TABA! Winter, Winter! Pangalawa, hindi ako pabebe sadyang ayaw ko lang makasama ang isang halimaw! Pangatlo! Err, hindi ako mataba gaya ng iniisip mo!"
"Ows hindi daw? Anong tawag nito?" Napasigaw ako ng may gumapang na kamay at hinawakan ang bewang ko sabay pinisil. "Curves?"
"Manya--"
Napasigaw ulit ako ng pinisil niya ang tiyan ko. Bwisit! "Eh eto? Abs na may shield na fats?"
Humalakhak siya ng napakalakas kaya napatawa na rin ang ibang kaklase ko sa ginawa niya. Ugh! Kainis.
"Wala kang kasing manyak!" Sinipa ko ang upuan niya at sumubsob ulit sa desk ng upuan.
Ilang beses ring nangulit sa akin si Frost buong maghapon. Gusto niyang pumayag akong makipag friendly date sa kanya. May laro kasi ang barkada niya. May mga nakasulat na pangalan ng mga babaeng kaklase namin sa mga rolled papers at bubunot ang barkada niya ng tig-iisa. Kung sino ang mabubunot nila dapat nilang idate. Para daw may proof kung ginawa ba talaga is selfie. At iyong di makagawa ay may punishment at talo sa pusta.
At di ko alam kung bakit sinali pa talaga ako sa choices na alam ko namang di ako karapat dapat masali. Tsk kainis. If I know, nagmumura na sa inis iyong Frost na iyon at ako ang nabunot niya. Well the feeling's mutual! Ayaw ko rin!