Part 1

2K 37 0
                                    

This is dedicated to all people that believed that love is for all, no matter what gender or race you are :).

Events and names included in the story are all fictional. Any resemblance to living and dead or any events that happened are purely coincidental. *Wink wink

“I’m Richardale Buenaventura, a transfer student from Seashore High. I hope we can all be friends.” Ang intro ko bilang pagpapakilala sa aking mga kaklase. Unang taon ko ito sa senior high school bilang isang grade 11 at unang araw ng pasukan kaya naman naisipan ng teacher namin na we should get to know each other bilang magiging magkaklase kami sa loob ng dalawang taon.

It’s miserable to say na ni isa man lang sa mga kaklase ko ay wala akong kakilala, it would make sense kasi naman galing ako sa isang malayong probinsya at unang beses to na dito ako mag-aaral sa Christian High school. Isang pribadong paaralan na napili ng ate ko.

Maraming nakatingin saakin nang matapos ko nang ipakilala ang sarili ko. Sino ba namang hindi, tindig at gestures ko pa lamang ipinangangalandakan ko nang weird ako. Hindi naman sa nahihiya akong maging weird pero aaminin ko narin kasi marami namang nagsabi na halata daw. Bakla ako. Hindi ko naman  maiwasan, parang nasa systema na ng katawan ko ang pagkagusto ng lalake kahit ipinanganak akong lalake. Sana naman di ako maapi dahil sa ganito ako.

Ilang sandali pa ay narinig na naming ang malakas na alingawngaw ng bell kung kaya’t agad akong tumayo at niligpit ang gamit ko para makapag-lunch na ako nang biglang may lumapit sa akin na mga babae. They are decent looking at mukhang mababait.

“Hi.” Sambit nung isang nakapula at mahaba ang buhok. “I’m Honey Reyes.”

Ngumiti ako sakanila at nakipagkamay. “Hello. Ako nga pala si Richardale Buenaventura.”
“Yep, we’ve heard that before nung nagpakilala ka. I’m Marj Rosas, ito naming mga kasama ko sina Hedie Benas at Mabelle Lucian. Tatanungin kalang sana namin kung gusto mung sumabay since lunch na naman and we know you’re not familiar with the school. So ano? Game?” napukaw ang interes ko sa sinabi nung si Marj. Ang swerte ko naman ata at may nakipagkaibigan saakin. Ang saya!

---

It turns out na totoong mababait naman talaga sila. They had accompanied me to lunch and nung tinanong ko sila kung nabobother ba sila sa sexuality ko, ang sabi lang saakin ni Hedie ay:

“Sus! Yun ba? Wala lang yun! We’re not homophobes kaya wag kang mag-alala, in-fact, I’ve been looking for a gay friend for a while. I’m glad meron na sa wakas.” She sincerely said.

So far ang ganda ng takbo ng araw ko. Hindi ko inaasahang ganito kawelcoming at kahospitable ang mga tao dito. I’m glad I took my sister’s offer para ditto ako mag-aral. It wasn’t a bad decision.

We are still having lunch at the table nung biglang magkagulo ang paligid. Hinihipan-hipan ko pa ang lomi na in-order ko ng nagging busy ang lahat.

Kanya-kanyang kuha ng face powder at mga kolorete ang mga tao. May nagsuklay, may nagpaganda at may nagcontour pa at nagretouch ng kanikanilang mga make-up. May iba rin naming lalakeng napaismid at inayos nalang ang kanilang mga buhok at uniporme. Nakakapagtaka. Ano kayang meron?

“Psst.” Pagtawag ko ng pansin kay Mabelle na nagcocontour. “Anong meron?”

Tiningnan niya ako nang tila nagugulat at hinaila nang mahina sabay bulong. “Alas dose na. Gantong oras dumadating ang mga royals ng paaralan and Paul--Demon is choosing his consort for the week kaya ganto kagulo.” Sabi niya. Royals? Hmm, hindi rin pala naiiba sa ibang school ang paaralang to. It’s still the same with the popularities. Though masasabi kong mga popular naman sina Marj, may mas popular pa pala sa kanila. I wonder kung gwapo ba talaga tong liga ng Paul na to.

The Demon And The Angel (Tagalog Boyxboy Oneshot Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon