Chapter 1: First Meet

2.4K 29 4
                                    

Sam's Pov

       First year ko sa La Salle and guess what? Wala akong kilala dito.

Naglalakad akong mag-isa sa hallway syempre para hindi magmukahang bored nag sound trip ako at nag check ng social medias ko.

Maya maya may nakabangga na pala ako nahulog yung books ko pati yung phone ko

"Miss sorry hindi ko sinasadya nag mamadali kasi ako eh" sabi nung nakabangga ko habang kinukuha niya yung phone ko

"Ok lang hindi din naman ako nakatingin eh" sabi ko habang kinukuha ung books ko sa may paa ko

"eto nga pala phone mo........... Miss? Miss? Are you ok?" tanong niya

"Ah-Eh o-oo o-ok lang ako" nauutal kong sabi

       Natulala pala ako shet nakakahiya

"Btw I'm Aljun, Aljun Melecio and you are?" inoffer niya yung kamay niya tapos naka smile

     Infainess ha cute sya hahaha pero cute lang naman hindi ko siya crush or something

"Sam, Samantha Gonzales" shinake ko naman yung kamay niya at ngumiti din

"Nice meeting you sam, una na ako ha nagmamadali kasi ako eh sorry talaga" sabi niya tapos tumakbo na siya

Nag lakad nako papunta sa class ko

Aljun's Pov
        
         Nagmadali akong umalis gawa ng may training pa ako.

Habang natakbo napatigil naman ako kasi biglang pumasok sa isip ko ung babae kanina si sam mukha naman siyang mabait, maganda ,simple at hindi maarte.

Nandito na ako sa gym

"Aljun late ka ng five minutes" si jeron pala

"Sorry king archer may nabangga kasi ako kaninang babae eh habang tumatakbo ako papunta dito" pag papaliwanag ko

" Melecio mag start kana mag warm up" sabi ni coach aldin

" Yes coach"

----

Natapos na akong mag warm up

"bro bakit ka naka ngiti? May sayad ka ba? Hahahaha" si brent pala

"Ah-eh wa-wala" nauutal kong sabi
 
Naka ngiti pala ako i don't know why hayss asar na naman abot ko neto tsk!

"Tungkol ba yan dun sa babaeng nabangga mo kanina? Ayiee binata na siya" malokong sabi ni brent sakin

"Hindi" matipid kong sagot

"Asus bahala ka nga dyan" hayy salamat umalis na din

Bumalik nko sa training ginanahan ako mag training inspired ata ewan ko

----
Natapos na yung training namin lumapit sakin si cci

"Bro tara kumain gutom nako" pag aya ni ricci

"Sige saglit lang ayusin ko lang gamit ko"

Nauna na pala yung ibang green archers kaya sumunod nalang kami ni ricci

Sam's Pov

Tapos na yung biology class ko and inaayos ko yung gamit ko tas pupunta na ako sa canteen mayamaya pa naman class ko sa algeb eh so i have 40 mins para kumain.

Biglang may lumapit sakin na girl

"Hi" Bati niya sakin

"Hello" Matipid kong sagot nahihiya kasi ako eh

"I'm Chloe Montenegro you are?" tanong niya sakin

Mukha naman siyang mabait

"Sam, Samantha Gonzales"

"Friends?" sabi niya

"Sure, let's go?" Pag aya ko

Pumunta kami sa canteen tapos nakita ko ang G.A . . . . . . . . . . Teka parang familiar sakin yung isa don siya yung nakabangga ko kanina. Kasali siya sa green archers? Kaya siguro nagmamadali kanina gawa ng training.

Nakabili na kami ng pagkain namin at umupo na kami

Iniisip ko parin kung anong pangalan non nakalimutan ko kasi😰

"Sam ok ka lang ba?"tanong ni chloe

"Oo ok lang ako"

"sure ka? Pinag lalaruan mo yang pagkain mo eh" sabi niya sakin

"oo may iniisip lang ako" hayss nku naman hindi ko talaga maisip

"ahh sige , nga pala kita mo yung maraming lalaki na nasa iisang table?

Nakaturo siya sa G.A

"oo fan ako ng isa sakanila si ricci rivero" sabi ko

"eh? Omg ako naman kay andrei caracut simple kasi siya hindi mayabang at cute siya" kilig nmn na sabi ni chloe

"hahahaha alam mo bagay kayo" sabi ko namumula naman siya

"sam pupunta sila dito" bulong niya

"sino?" pagkasabi ko biglang may bumati sakin

"hi sam nice to see you again here"

Siya yung lalaki kanina kasama si andrei at si ricci omg lord please help me

"ah-eh hi sorry nakalimutan ko name mo eh ano nga ulit name mo?" nahihiya kong tanong

"ahh hahaha grabe ka sakin i'm aljun melecio"

Yun naalala ko na hahaha

" tanda ko na sorry talaga" sabi ko

"ok lang yun, nga pala this is Ricci rivero and andrei caracut, bro si sam, samantha gonzales" pag papakilala nya

Omg ngumiti naman si ricci sakin ang gwapo talaga niya

"hi sam nice to meet you" sabi ni ricci at inoffer niya kamay nya

"nice to meet you too" shinake ko naman yon

"Nice to meet you drei nalang, so friends na tayo ha" sabi ni andrei

" sure ,nga pala ricci , drei and aljun this is my friend chloe montenegro"

Nag shake hands naman sila and si chloe di maitago na kinikilig siya

"ahhmm guys una na ako may class pa ako sa algeb eh"sabi ko

"ay sige see you later bes ingat ka, nga pala penge number mo para ma text kita" sabi ni chloe

Nilabas nya ung phone ko at tinype ko nmn dun yung number ko

"ako din pala may class pa ako sa algeb, ano room number at building mo? Tanong sakin ni aljun

"room number 106 building C" sabi ko naman A/N GUYS DI KO ALAM KUNG MAY GANYANG NAME NG BUILDING SA LA SALLE EH SORRY  IT WAS JUST A FANFICTION LANG NAMAN

"talaga? Sabay na tayo classmate pala kita eh"

"sure para naman hindi mapanis ang laway ko dun , tara na baka ma late pa tayo" aya ko sakanya

"guys see you around" pag papaalam namin ni aljun kina ricci

Umalis na kami at pumunta na sa class namin at naiwan dun sina ricci drei at chloe

----------

Guys sana magustuhan nyo it's my first time to write a story in wattpad lagi naman ako mag uupdate😘

SECRET LOVE (RICCI RIVERO FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon